Dumudungaw sa labas tuwing takipsilim
Sa mapanglaw na panahon na parang nilamukos
Sumusulat ng mga tulang hindi tugma
At bakas saking balintataw ang siphayo ng realidad
Humihiling-- sana, sana gamutin ang aking paninimdim
Bihira itong mga sandaling walang imik
Pinipilit intindihin ang mga salita ng nakapikit
Hinahayaang dumaloy ang kalaliman ng gabi
Pinapalipas ang katahimikan ng ilang saglit
Sinasalubong ito ng mukhang balot ng pait
Nagtatanong; Ano bang kulang sakin?
BINABASA MO ANG
PATULA-TULA NI ALEX
PoetryMga tulang nabuo ng panahon. Durungawan patungong madilim na mga matang para bang walang nakikita. #Patula-tula
