17 ◾ Nagyeyelong Mga Titig

0 0 0
                                    

Sa kwadernong nailuma na ng kahapon
At mga salitang hinabi ng mga akdang kayhaba
Hindi parin nagamit ang emosyong nagdarabog, umiilap sa kwadernong sira
Kahit nagliliyab ng ang mga tuksong kanina pa'y inaamo ng mga nagsusumamong pagmasid
Ang mga mata kong puno ng takot, lungkot, pighati
At kamay na kalmadong nag-iibayo
Sa gitna ng kay hapding tinta ako pari'y kumakapit sa plumang matinik
At akin paring isatitik ang hiwaga ng dilim sa blankong pahina na naghihintay sa markang hindi na dadating
Ilang kundiman narin ang narinig ng tenga kong barado ng hiyaw mong kay sakit
Mga pasong naialay at tanda na kumakapit hanggang leeg
Napapagod na ang aking mga matang kakatitig sa kaharian mong balot ng pader abot langit
Hindi na rin ako hahakbang pa, sa lupaing nilisan mo't isinumpa
Dadanak na rin uli ang kalungkutang itinanim ng plumang pagod na't sawi
At mga lumalabong mga tingin sa anyo mong nilamon na ng katotohanan
Habang ako pari'y bumubulong sa berdeng kaylan man hindi malalanta ng oras mong namahinga
At ang mga pahinang kumakapit parin at naghihintay na patakan ng pangwakas na tuldok ng kahapon sa wakas ito'y makikita ko na.

PATULA-TULA NI ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon