Nakatulalang nakatitig sa buwan
Balot na pala ng pusikit ang daan
Kasabay nito ang hanging walang tigil sa kakaihip
Parang biglang nagpaparamdam at sinasabing kailangan ko ng umuwiSa paglisan dala parin ang bigat
Hinahanda ang sarili sa ibang tao
Baka magtanong
Hindi man nais- kailangang mag-ayosPakiwari ko'y sira akong plaka
Paulit-ulit sa kakaisip ng wala
Paulit-ulit tumutulo ang mga luha
Sumuko kana pala- mga salitang patuloy paring dinadalaNakikiayon ata ang panahon saking pagluluksa
Wala rin kasi syang tigil sa pag-iyak
Pinapakapa nito ang sakit at lamig nyang dala
Napatigil ako, tumingala- nakikidamaYung buwan na ang nakikiramay sa akin
Sya'y nakikinig saking mga daing
Hagulgol na parang di titigil
Ako'y napaluhod, nakiusap- tama na, di ko na kaya.
BINABASA MO ANG
PATULA-TULA NI ALEX
PoesíaMga tulang nabuo ng panahon. Durungawan patungong madilim na mga matang para bang walang nakikita. #Patula-tula