16◾Lungkot Ng Katahimikan

6 0 0
                                        

Sa pusod ng isang tahimik na bundok
Malayo sa maalingawngaw at magulong lungsod
Ay masusumpungan ang isang malawak na lugar
Na masasabing isa sa bukod-tanging pinagpala ni Bathala.
Gandang makukumpara sa bukang-liwayway ng umaga at takipsilim tuwing hapon.
Katumbas ng mga talatang maayos
Salitang gumagaod sa magandang alon ng sapantahang ilog ng karikitan
Ngunit ako pari'y nababalot ng siphayo ng sobrang katahimikan
Pakiwari'y nilalapang ng nakikimi na kadiliman sa kalooban
Payapang humahagulgol sa mga salitang walang taros
Nang mga taong pabalbal kung sumagot
Hindi ata nalalasahan ang lati ng kanilang mga labi
Ako'y babalik uli, magpapanggap na wari'y walang nangyari.










PATULA-TULA NI ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon