Pahina 2

1.2K 31 1
                                    

TRISTAN GAIL ^

Naglakad lakad ako dito sa hacienda namin pagkatapos kong makipag kilala sa mga tauhan dito , kasalukuyan akong nandito sa malapit sa taas ng bundok nang marinig ko ang boses ng isang babaeng umaawit mula sa taas ng bundok . Sinundan ko ang boses at nakita ko ang babaeng naglalaba sa batis . Wow , ngayon lang ako nakakita ng batis.

Pinakinggan ko lang ang boses ng babae , naupo lang ako sa sanga ng punong hindi ko alam kong ano ito .

Nagpakita ako sa kanya at nag kausap kami. Gusto ko pa sanang makilala sya lalo kaso maliligo daw sya.  Sisilipan ko sana charot !

Naglakad lakad nalang ako habang inaalala ang kanyang mukha . Ganda naman nung girl na yun. Mahaba ang kulot nyang buhok , morena ang balat , maliit ang mukha at ilong saka yung mata nya parang inaakit ako tapos yung pilik nya ang kapal tapos yung labi parang rosas.  Kinikilig ako ! yieee .

Malaki pala 'tong hacienda na'to . Patayuan ko kaya ito ng bar at casino . Charot lang ! Grabi ang ganda talaga ng tanawin , ang ganda ganda nya . Ay nadulas .

" Sir Tristan , pinapatawag na po kayo ni Doña Guinevere ", wika sa akin ng tauhan dito sa hacienda .

" Okay , I'll go ", sambit ko at naglakad na uli papuntang mansyon .

Kapagod maglakad , dalhin ko kaya kotse dito tapos sasagasaan ko yung mga pananim . Amazing !

" Tristan ", sambit ni Mommy at niyakap ako .

" So kamusta naman ang paglilibot mo dito sa ating hacienda ? ", tanong ni Daddy .

" Okay naman po , maganda po ang mga tanawin ", tugon ko .

" Nakilala mo na ba ang mga tauhan natin ? ", tanong ni Mommy at umupo kami sa sofa .

" Opo mommy , mababait sila . May nakilala din po akong babae na sa tingin ko ay ka edad ko lang . Ang ganda ganda nya mommy ", pagyayabang ko kay Mommy .

" Talaga ? Ano ang pangalan nya ? ", tanong ulit ni Mommy .

" Alex Andrea Magsaysay po mommy ", wika ko.

" Ahh si Dreah , maganda talaga ang batang yun . Mabait pa at masipag ", sabi ni Daddy .

" Kung ganun ay kilala nyo po pala sya ", wika ko .

" Oo anak , ka edad mo nga sya . She's 16 years old ", dagdag ni Mommy .

" Marami kang ka agaw sa kanya anak , HAHA . Halos lahat yata ng kalalakihan dito ay nahuhumaling kay Dreah ", sambit ni Daddy .

" Sisiguraduhin kong ako ang makakakuha sa kanya Daddy ", matapang kong wika .

" Haha , sige anak ", tawa ni Daddy .

" Kain na po tayo , nakakagutom kasi mag uli ", alok ko sa kanila .

Ang totoo ay dadalawain ko lang si Andrea sa kanila . Magtatanong nalang ako sa mga tao dito .

" Mommy , papakainin nyo ako ng damo ? ", reklamo ko kay Mommy.

" Anak , laing ang tawag nila dyan . Masustansya yan ", wi ni Mommy .

Sinubo ko ito at masarap nga.  Medyo mahalang din ito kaya mas lalong sumarap . Natikman ko pa ang ibang gulay may talbos ng cassava , ginataang langka , at hindi kuna alam ang tawag dun sa iba .

Natapos na kami sa pagkain at nagpaalam ako sa kanila na mamasyal lamang.

" Ate , alam nyo po ba kung saan ang bahay ni Dreah ? ", tanong ko sa babaeng nagpapakain ng baboy .

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon