Epilogue

933 54 9
                                    

TRISTAN ^

Maraming buwan na rin ang lumipas simula nang matuklasan namin ang katotohanan .

Nalaman ko na rin ang totoo na hindi tunay na nagtaksil si Alex at kagagawan lamang ito nina Janella dahil sa inggit at para sirain kami .

Nalaman ko ito dahil sa sulat na nakalagay sa lapida ni Alex na para sa akin .

Isinulat nya din kung gaano nya ako kamahal at lahat ng pangungulila niya sakin .

Sa likod ng papel ay may nakasulat na " Goodbyes are not forever.. Goodbyes are not the end .. It simply means that I'll miss you until we meet again ".

" Ahh ! Uhhh ! Ahh ! ", kinakabahan akong umupo sa bangko nang marinig ko ang sigaw ni Lyanna sa E.R .

Tumayo ako at pauli uli dahil hindi ko alam ang gagawin ko .

" Kayo po ba ang asawa ni Mrs. Fuego ? ", tanong ng doctor na lumabas sa E.R.

" Opo , ano na- ano po , ano pong lagay ng mag ina ko? ", sa wakas ay nasabi ko rin ito ng deretso .

" She's okay , pwede muna syang puntahan , for now ay ipapalipat namin sya sa room nya ", paliwanag ng doctor .

Nagpasalamat ako sa doctor at inintay ko ang paglipat nya sa kwarto nya .

" Honey , are you okay ? May masakit ba sayo? ", nag aalala kong tanong sa asawa ko na nakahiga .

" Oo naman , asan na si baby ? ", nakangiti nyang tanong pero halata pa rin ang pagod sa kanyang mukha.

" Ma'am , ito na po si baby girl ", nakangiting wika ng nurse na kakapasok palang .

Ibinaba nya si baby sa tabi ni Lyanna at umiyak ito .

" Hi baby Alexandria ", wika ko sa anak ko at naluha ako sa sobrang tuwa .

Pinadede ni Lyanna si Alexandria at tumigil naman ito sa pag iyak .

" Napakaganda nya at parang anghel ang mukha nya ", puri ko sa aking anak .

" Nakuha nya ito kay Alex , lalo na ang mga mata nya ", nakangiting wika ni Lyanna na sya namang totoo .

" Baby , we're here na ", masayang wika ni Mommy kasama si Daddy at mga magulang ni Lyanna .

" She's Alexandria ", nakangiting wika ni Lyanna.

" Angelic face ", masayang sambit ni Tita Gen .

" She's look like , ahmm ", nag iisip na sambit ni Mommy .

" Andrea ", nakangiting wika ni Daddy .

" Andrea ? Hindi ba't sya yung gustong makita lagi ni Lyanna ? ", tanong naman ni Tito .

" Opo dad , sa kanya ko sya pinaglihi ", sagot naman ni Lyanna .

Hindi matumbasan ang saya namin dahil sa pagdating ni Alexandria sa buhay namin .

Lumaki ng maayos si Alexandria at nang sumapit ang 7th birthday nya ay dinala namin sya sa puntod ni Alex na kanyang hiniling sa asawa ko .

Tuwang tuwa si Alexandria nang ipakilala namin sya na parang sya ay nilalaro ni Alex .

" Mommy , balik po ulit tayo kay Ate Alex , para po makalaro ko ulit sya ", pakiusap ng anak ko .

" Nilalaro ka nya baby ? ", tanong ni Lyanna habang sinusuklayan ito .

" Opo , she's playing with me , sabi nya po na she's my angel , ipoprotect nya daw po ako ", wika ni Alexandria .

Natutuwa ako na kahit nasa kabilang buhay na sya ay nakakagawa pa rin sya ng mabuti .

" Talaga anak ? Dapat mag thank you ka ", wika ko sa aking anak .

"Opo daddy , pwede po bang punta tayo sa mall ? ", tanong nya .

" Oo naman , pero magpalit ka muna ng dress mo kasi pawisan kana ", wika naman ni Lyanna .

Umakyat sa kwarto nya si Alexandria at umalis na din kami nang makapagpalit na sya ng damit .

" Mommy , I want that ", turo ni Alexandria sa malaking teddy bear .

Lumibot pa kami nang lumibot sa mall hanggang sa mapagod si Alexandria at nag akit nang umuwi .

" Wait lang po , ibibigay ko lang po itong isa kong ice cream dun sa bata ", wika ng anak ko .

Pinalaki namin syang may mabuting puso katulad ni Alex .

Napasigaw si Lyanna nang makita naming mabubunggo ng kotse si Alexandria habang tumatawid sa kalsada .

"Alexandria ! ",muli nyang sigaw nang gumulong si Alexandria at tumakas na ang driver ng kotse .

" Baby , are you okay ? Dadalhin ka namin sa hospital ", kinakabahan kong sambit .

" Wala naman po akong sugat saka wala pong masakit sakin ",nakangiti nyang wika .

Nagtaka kami ni Lyanna dahil kita naming nabunggo sya ng kotse .

" Ni'save po ako ni Ate Alex , niyakap nya po ako para hindi po ako masaktan ", paliwanag nya sa amin.

" Tinupad nya ang sinabi nya , she's really a good person ", nakangiting wika ni Lyanna .

Kinabukasan ay pumunta kami sa manggahan kung saan nakalibing si Alex , sumama samin sina Mommy at sina Tita Gen .

Sakto namang andun din ang pamilya ni Alex at si Yzel na ngayon ay may anak na din at kasama ang asawa nyang si -

" Charles ? What are you doing here ? ", tanong ko sa aking kaibigan na ngayon ko lang ulit nakita .

" Anla ! Magkakilala kayo ?", tanong ni Yzel .

Nakakatuwa ang kanyang expression at accent sa pagsasalita .

" Asawa ko nga pala ", nakangiting wika ni Charles at inakbayan si Yzel .

" Sira ulo ka , kailan pa ? ", natatawa kong tanong .

" Basta , dami mong tanong ", nakangising sambit nya .

Humingi ako ng tawad sa pamilya ni Alex at sinabi nilang wala daw akong kasalanan sa nangyari .

Tawa kami ng tawa dahil sa mga jokes ni Yzel na hindi nauubos , ginawa naming picnic ang pagbisita naminsa puntod ni Alex .

Sa kabila nang tawanan namin at napansin namin ang paru parung puti na dumapo sa amin isa isa na tila hinahalikan kami at dumapo ito sa lapida .

Noon din ay buwan buwan kaming nagpipicnic sa puntod ni Alex upang maalala ang kabutihang ginawa nya lalo na sa anak kong lagi nyang pinoprotektahan at ginagabayan .

Goodbye Alex , until we meet again.

THE END .

  J A Z I E M A G I N E

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon