Pahina 11

598 23 0
                                        

ALEX ^^

" Hindi ko pa rin kaya na wala sya Yzel ", humihikbi kong wika sa aking kaibigan .

" Ala eh hindi naman ito mangyayari kong hindi ka siniraan nina Janella , aba eh tinulak nila si Jake sa iyo tapos kinuhaan nila ng litrato tapos ipinadala kay Tristan ", wika nya habang ako'y pinapatahan .

" Bakit may mga ganoong tao ? ", tanong ko sa aking kaibigan.

" Pinaglihi iyon sa sama ng loob at mga pandit(malandi) yun , ay sandali la-ang , Dreah ?Bakit ganyan ang iyong paghinga ?", tanong nya nang mapansing tila ako ay kinakapos sa paghinga .

" Huwag mo itong pansinin Yzel ", wika ko at napahawak ako sa dibdib.

" Pupunta tayo ngayon ng hospital , kailangan mo ng magpa tingin sa doctor Dreah ", akit nya sa akin .

" Hindi na Yzel , sundin mo na lamang ang aking hihilingin sa iyo ", tanggi ko sa kanya .

" Ano iyon ? ", tanong niya sa akin .

" Kung sakali mang lisanin ko ang mundong ito ay nais ko sanang ikwento mo ang lahat ng mangyayari sa buhay mo at lahat ng mababalitaan mo kay Tristan sa puntod ko , alagaan mo din ang aking pamilya , at huwag mo sanang sabihin kay Tristan ang naganap sa akin ", hiling ko sa kanya .

" Anlaa naman ! Huwag kang magsalita ng ganyan , hindi ka mawawala sa mundong are Dreah ", malungkot nyang sambit .

" Nais ko din na ako'y dito nyo ilibing sa manggahang ito para ako'y makakapanood pa rin ng paglubog ng buwan ", nakangiti kong hiling .

" Ay naku , huwag mo iyang sabihin , halika at tayo ay umuwi na ", akit niya sa akin .

Sumama naman ako pauwi sa kanya at sinalubong ako ng aking mga kapatid .

" Inay ,malapit nabang lumubog ang araw ? ",tanong ko sa aking ina .

" Oo anak ",sagot ng aking ina .

Mabilis akong tumungo sa manggahan .

" Gail ? Andito kana ba ? ", masaya kong tanong .

Ngunit napawi ang aking ngiti ng maalalang wala na nga pala akong hihintayin .

" Babalik kapa kaya Gail ? Ikaw ba ay babalik pa sa akin ? ", mahina kong sambit kasabay ng pagtulo ng aking luha .

" Ano man ang mangyari , lagi akong pupunta dito upang hintayin ang iyong pagbabalik ",muli ay aking sambit .

" Ngunit mas maganda siguro kung ako'y hindi na dito aalis , baka ikaw ay pumunta dito ngunit wala pa ako , ayokong mapaghintay ka ", sambit ko sa hangin.

Sandali lamang, ako'y kukuha muna ng papel at panulat upang iyong malaman ang katotohanan .

Madali akong umuwi sa bahay at kumuha ng papel at panulat saka muling bumalik sa aming tagpuan .

Masaya kong isinulat ang lahat ng nasa puso ko ngunit kasabay ng sayang iyon ay ang pagtulo ng luha ko .

" Kahit anong haba ng sulat ko ay sigurado ako na hindi ka na muling babalik sa piling ko ", wika ko habang tinutupi ang papel na hawak ko .

3 days ago .....

THIRD PERSON ^^

" Dreah , anak , umuwi kana sa bahay ", pakiusap ng ina ni Andrea sa kanya .

" Hindi maaari Inay , baka magalit sa Gail ", nakangiting wika ng dalaga .

" Dreah , ika'y makinig sa amin , hindi ba't nakipaghiwalay na sayo si Gail ", wika ng kaibigan nyang si Yzel .

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon