Pahina 10

606 21 0
                                        

THIRD PERSON ^^

" Stop it Tristan , hindi ako si Alex ", pigil ni Lyanna kay Tristan na kasalukuyang umiiyak .

" Tara na ", akit ni Lyanna .

Nagpatulong si Lyanna sa isang server para maipasok si Tristan sa kotse nya.

" Saang subdivision ka Tristan ? ", tanong ng dalaga sa binata .

Hindi umimik ang binata kaya nilingon ito ng dalaga .

" Tulog ampucha ", mahinang mura ni Lyanna sa binata .

Hindi nya alam ang bahay ni Tristan kaya pansamantala nya itong dinala sa condo nya upang doon muna patulugin .

" Ambigat mo ", reklamo ni Lyanna nang maihiga na nya si Tristan sa kama nya .

Ngunit paalis pa lamang sya ng higitin sya ng binata at sinimulan itong halikan.

" Ano ba Tristan ? ", piglas ni Lyanna ngunit hindi natinag si Tristan at hinalikan ang dalaga pababa sa leeg.

Hinalikan ulit ni Tristan si Lyanna sa labi habang sinasambit ang pangalan ni Alex .

Hindi na nakatanggi ang dalaga at unti unti na itong tumugon sa halik ng binata .

Lumalim pa ang kanilang ginagawa hanggang sa wala na silang saplot pareho .

Puro ungol ng dalawa ang naririnig sa isang kwarto at dumating na ang umaga .

" Argh, ansakit ng ulo ko ", reklamo ni Tristan at bumangon sa kama .

Nagulat sya ng makita ang dalagang si Lyanna sa katabi nya at parehas silang walang saplot .

" Lyanna ? What happened ? ", kinakabahan nyang tanong sa dalaga nang magising ito .

" I- I don't know , I'm sorry ",paghingi ng tawad ng babae .

" It's okay , magbihis kana ", utos ng binata .

" Please , wala sanang makakaalam ", pakiusap ng dalaga na sinang ayunan ng binata.

Walang imik ang dalawa na nagbihis at umalis sa condo ng babae .

TRISTAN ^

Mali ako , maling mali . Sorry Alex , dapat hindi ko ginantihan ang kasalanang ginawa mo. I'm sorry .

Umiiyak akong naligo habang inaalala ang nangyari kagabi .

Anlaki kong tanga para gawin ito sa babaeng mahal ko , pano na'to ?

" Señorito , pinapabigay po ni Alex ", wika ni Mang Jose at inabot sa akin ang papel .

Ngiti nalang ang nagawa ko kay Mang Jose at lumabas na ito ng kwarto ko .

Nanginginig ang kamay ko ng buksan ang sulat mula kay Alex. Naglalaman ito ng matatamis na salita at nadama ko ang pagmamahal nya sa bawat sinasabi nya .

" Kalukuhan , kasinungalingan ang nararamdaman kong ito ", natatawa kong sambit .

" Kung mahal mo ako , hindi ka hahanap ng iba ", sambit ko sa sarili ko .

Kumuha ako ng papel para magsulat at ipadala sa kanya.Dito ko isinulat ang lahat ng nalaman ko at ang nangyari samin ni Lyanna , puno ng galit ang puso ko habang nagsusulat ako .

Ibinigay ko ang sulat kay Mang Jose upang iabot kay Alex kapag pumunta ulit sya ng Batangas .

" Men , naihatid kaba ng maayos ni Lyanna ? ", nakangising tanong sakin ni Charles .

" Oo ", maikli kong sagot .

" Problema mo men? Muntik ka nang umiyak sa inuman ", natatawang wika ni Renz .

" Break na kami ng gf ko ", pagsisinungalin ko .

Natapos ang klase namin na ang utak ko ay lumilipad sa malayo . Lumabas ako ng classroom at pumunta sa likod ng building kung saan maraming puno .

Nagpalinga linga ako sa paligid at nakita kong puno ng linga , joke , nakita kong walang tao kaya hindi ko na pinigilan ang luha ko na kanina pa gustong tumulo .

" Problem ? ", agad kong pinunasan ang luha ko ng may magsalita sa gilid ko .

" Wala ito ", nakangiti kong sagot .

" Share mo if you want ", malambing nyang wika .

Niyakap ko sya at kinwento sa kanya lahat kung bakit ako nagkakaganito .

Pinunasan nya ang luha ko at pinatahan ako .

Simula noon ay lagi na kaming magkasama ni Lyanna , sumulat sakin si Alex at sinabing hindi daw totoo ang nalaman ko .

Hinihingi nya ang tiwala ko pero naging matigas ako dahil nasaktan ako .

Hiniwalayan ko sya at lahat ng sulat nyang pinapadala ay hindi ko binabasa , aaminin ko , lahat ng sulat nya ay iniipon ko .

Dahil may lugar pa rin sya sa puso ko .

Para makalimot ay niligawan ko si Lyanna , pumayag naman sya at unti unti ko nang tinanggap na hindi kami ni Alex ang para sa isa't isa .

" Gusto ko makuha yung bear ", nakangusong sambit ni Lyanna .

" Oo kukunin natin ", wika ko at hinalikan sya sa lips.

Nag shoot ako ng maraming bola at hindi ako nabigo dahil nakuha ko ang bear na gusto nya .

Babae nga naman daig pa ang bata .

" Anak , I have a good news ", masayang sambit ni Mommy sa akin .

" Ano po yun ? ", tanong ko at sumubo ng pizza .

" Nabawi na natin yung hacienda natin sa Batangas , bukas ay pupunta tayo dun ", masayang anunsyo ni Mommy .

May part sa akin ang na excite pero may part din sa akin ang nasaktan .

" I'm not going ", sambit ko .

" Bakit naman ? ", tanong ni Daddy .

" May lakad kami ni Lyanna ", sagot ko .

" Okay ", malungkot na wika ni Mommy .

" Nakausap ko na ang parents ni Lyanna , next two months ang napag usapan naming engagement nyo ", wika ni Daddy .

" Talaga Dad ? ", masaya kong tanong .

" Oo anak , imbitahan mo si Andrea ", wika ni Mommy .

" But- ", pinutol ni Daddy ang sasabihin ko .

" Naging parte pa rin sya ng buhay mo at minsan mo na syang minahal ", paliwanag ni Daddy .

" Okay ", sagot ko at umakyat na sa kwarto ko .

UPDATING ..

Her Choice ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon