ANDREA ^^
" Ate , galingan mo ang iyong pag aaral ha ", paalala sakin ni Rafa .
" Ay oo naman bunso , ay aking gagalingan para ako'y makatapos at kayo naman ni kuya ang aking mapag aral ", sambit ko .
" Salamat ate , ingat ka ", sambit nya sakin at nagpaalam na ako sa kanila para tumungo ng paaralan.
" Alex ! ", sigaw ni Tristan mula sa malayo .
" Alex ? Hindi ako sanay na tinatawag mo ako sa una kong pangalan ", paliwanag ko .
" Haha sorry pero simula ngayon Alex na ang itatawag ko sayo para unique diba ", masaya nyang winika sa akin .
" Kung iyon ang iyong nais ngunit pahintulutan mo din na Gail ( Geyl ) ang itawag ko sayo", sambit ko .
" Sige gusto ko yan haha , legooo na ", masaya nyang wika .
" Lego ? ", nagtataka kong tanong sa kanya .
" Ahh short for let's go ", saad nya.
" Ahh. lego haha ", masaya kong gaya sa sinabi nya .
" Dreah ! ", sigaw ng papalapit na si Yzel .
" Kamusta ka na Yzel ? Ala e tagal nating hindi nagkita ", wika ko.
" Oo nga namiss kita bespren ! ", wika nya at niyakap ako .
Siya ang nag iisa kong kaibigan dito sa school .
" Ehem ", sambit ni Gail .
" Ay aking nalimutan , Yzel si Tristan Gail nga pala , aking kaibigan ", nakangiti kong pakilala kay Faye .
" Ay gwapo mo naman señorito , ano't ikaw ay dine nag aral ? Public lang ito ay nakuww hindi bagay sa iyong isang señorito ", mahabang saad ni Yzel .
" Nice to meet you Yzel , by the way , dito ako nag aral because of Alex ", wika ni Gail .
May kaunti naman akong naintindihan .
" Hala e ! Englisero ! nakuw ay nice to eat you din Tristan ", wika nya ulit at tumawa naman si Gail .
Ganyan talaga magsalita yang aking kaibigan , eh Batangueño din yan saka sobrang ingay.
" Grade 10 lang ito si Gail , wari ko ay mag kaklase kayo ", saad ko .
" Nakuww Dreah ! Ay ako ay Grade 7 pa laang at ako ay tumigil sa pag aaral ", sambit nya .
Medyo malakas ang kanyang boses .
" Ay di tayo pala ang mag klasmeyt ", wika nya at umakbay sakin saka tumunog ang bell .
" Lenya na tayo ! Tara Tristan sumama ka sa amiyn ", akit nya .
" Nakakatuwa naman yung kaibigan mo ", sambit sa akin ni Gail .
" Ay oo , mabait naman yan kahit yan ay ganyan ", sagot ko nalang sa kanya .
" Una na ako Yzel , Alex . Kita nalang tayo mamaya ", paalam ni Gail ng matapos na ang flag ceremony .
" Uy si Dreah may krass kay Tristan ", pangungulit sakin ni Yzel habang inaantay namin ang aming guro .
" Ikaw nga ay tumigil Yzel , mag kaibigan lang kami ", paliwanag ko .
" Aysuwss ! kita ko ang inyong malalagkit na tinginan eh , ala eh mas malagkit pa sa sinukmani ", wika nya at ako'y hinampas .
" Hi Andrea ", bati sakin ni Ricardo .
BINABASA MO ANG
Her Choice ✔
RomanceGoodbyes are not forever . Goodbyes are not the end . It simply mean .. I'll miss you . Until we meet again .
