ALEX ANDREA ^^
" Bakit tila malungkot ka Gail ? ", tanong ko sa aking kasintahan nang mapansin ko ang kakaiba nyang kinikilos .
" Mahal mo naman ako diba ? Kahit anong mangyari ay mamahalin mo pa rin ako diba ? ", malungkot nyang tinanong iyon sa akin .
" Oo naman , ngunit bakit ka nga ba ganyan ? May problema ba ? ", malambing kong tanong sa kanya .
" 'Wag kang malulungkot sa sasabihin ko ha ", sambit nya at lumandas ang luha sa kanyang mga mata .
" Ano ba iyon ? ", muli kong tanong at pinunasan ang luha sa mga mata nya .
" Alex , aalis na kami bukas , may nakabili kasi nitong hacienda e , pero soon mababawi din namin ito ", humihikbi nyang salaysay sa akin .
" Nauunawaan ko Gail , kahit nasan ka man ay hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo ", malungkot kong wika at pilit na pinipigilan ang luha .
" Ayukong iwan ka , ayokong mahiwalay sayo Alex ", umiiyak nyang winika .
" Gail , isipin mo nalang na ito ay isang pagsubok lamang upang pagtibayin tayo ni Bathala ", aking paliwanag sa kanya .
" Pero bakit kailangan tayong paghiwalayin? ", malungkot nyang tanong sa akin .
" Lahat ng nangyayari ay may rason , lahat ng nangyayari ay naka tadhana na . Kahit malayo ka ay gagawa tayo ng paraan upang tayo ay magkausap ", malungkot kong winika sa kanya .
" Susulatan na lang kita , pwede naman yun diba ? ", sambit nya at hinawakan ang aking mga kamay .
" Papayag ako sa iyong nais , ngunit iyong tatandaan na ako'y lagi lamang naririto at hihintayin ko ang iyong pagbabalik ", saad ko sa kanya .
" Salamat Alex , mahal na mahal kita , pangako ko na ikaw lamang ", pangako nya sakin at tumingin siya sa lumulubog na araw.
" Kapag ako ay iyong naiisip ay tumingin ka lamang sa papalubog na araw , asahan mo , ako ay nakatingin din sa papalubog na araw ", sambit ko sa kanya at napangiti ko sya .
" Promise , I'll never forget about the sunset ", wika nya sa Ingles .
" Kung sakali mang bumalik ka ay dito mo lamang ako puntahan , lagi ko ditong iintayin ang iyong pagbabalik ", malungkot ko iyong winika .
" Mahal na mahal kita Alex , sana walang magbago sa ating dalawa ", sambit nya at ako'y niyakap .
" Mahal na mahal din kita Gail , walang magbabago , magtiwala ka lamang sa akin at sa aking pagmamahal ", saad ko at lumandas na rin ang luha sa aking mga mata .
" Magtitiwala ako sayo Alex , pangako babalikan kita ", pangako nya sakin at pinanghawakan ko iyon .
" Aasa ako Gail , hanggang sa muli nating pagkikita ", malungkot kong wika sa kanya at hinalikan siya sa pesnge .
" Babalik ako , isasayaw pa nga kita sa debut mo e ",nakangiti nyang sambit .
Tumango na lamang ako sa kanya at ngumiti .
" Salamat sa pag intindi Alex , pano ba yan , madilim na , paalam na , ingatan mo lagi sarili mo ha ", sambit nya sakin at ngumiti siya .
" Ikaw din Gail , paalam ", saad ko at ngumiti din sa kanya .
Sabay kaming lumisan sa aming tagpuan at aking tinanggap ang tinadhana samin . Naniniwala akong dadating ang araw na magkikita kami ulit at manonood ng paglubog ng araw sa aming tagpuan .
Hanggang sa muli .
" Anak , hindi ka ba talaga sasama ? ", tanong sakin ng aking ina .
" Hindi na po Inay ", tanggi ko at ngumiti .
" Sige anak , mauna na kami ", paalam ng aking ina .
Pinatatawag kami ngayon ng Don Hanzo upang mag paalam sa amin .
Mas pinili kong manatili dito sa aming tahanan kaysa makita ko ang unti unti nyang paglayo , tila hindi ko yata iyon kakayanin .
Kinuha ko ang aking suklay at umupo sa harap ng salamin .
Dahan dahan kong sinuklay ang aking buhok at tulad pa rin ng napapansin ko dati ay dumudugo ang ilong ko at nasusuka .
" Sana ay wala lang ito ", sambit ko sa aking sarili .
Napakapit ako sa aming dingding ng bigla akong nahilo at naramdaman ko ang aking muling panghihina .
" Hindi , hindi ito maaari , hihintayin ko pa ang pagbabalik ni Gail ", sambit ko sa sarili ko at dahan dahang umupo .
" Bakit kailangang ako ang parusahan ng ganito ? ", tanong ko sa aking sarili at mahinang humikbi .
Pinunasan ko ang luha ko at pinilit na palakasin ang aking loob .
" Anak , sila ay lumisan na , ayos ka lang ba ? ", tanong sakin ng aking ina .
" Opo Inay , hindi naman po laging masaya ang buhay e , kailangan pa rin makaramdam ng sakit ", malungkot kong wika .
" Hanga ako sa tatag ng iyong loob ", nakangiting saad ni Inay at niyakap ako .
" Itay , malapit na po bang lumubog ang araw ? ", tanong ko sa aking ama habang ako ay nasa loob.
" Oo anak ", tugon ni Itay .
Hindi na ako nag dalawang isip pa at tumungo sa manggahan , binilisan ko ang aking paglalakad dahil baka iniintay na ako ni Gail .
" Gail ", tawag ko sa aking kasintahan ng makarating ako sa manggahan .
Paalam na
Paalam na
Paalam na
Muli kong narinig ang sinabi sa akin ni Gail at naalala ko na umalis na nga pala sya .
Nanghihina akong umupo at mahinang humikbi .
Nasanay na ako , nasanay na akong lagi kang kasama Gail , sana ay bumilis na ang iyong pagbalik .
" Pinapanood mo din kaya ang paglubog ng araw ? ", tanong ko sa kawalan .
" Mahirap pala na malayo ka sa akin ", muli kong sambit habang kausap ang kawalan .
" Ano man ang mangyari sakin , pinapangako ko na hihintayin ko dito ang pagbabalik mo ", nakangiti kong sambit .
Naglakad na ako pauwi sa amin matapos kong mapanood ang paglubog ng araw .
Updating ..
BINABASA MO ANG
Her Choice ✔
RomanceGoodbyes are not forever . Goodbyes are not the end . It simply mean .. I'll miss you . Until we meet again .