Pahina 5

723 28 0
                                        

TRISTAN ^^

Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula ng ligawan ko si Alex .

Masasabi kong iba sya sa maraming babae dahil lahat ng niligawan ko ay sinasagot agad ako pero sya ay mahigit isang buwan na .

" Ohh Alex , kanina kapa dito ? ", tanong ko sa kanya ng kararating ko lang sa aming tagpuan .

" Oo Gail , ngunit huwag mo akong alalahanin dahil kahit gaano katagal ay hihintayin kita ",matamis nyang sambit .

" Salamat Alex , ngunit bakit mo ako pinapunta dito ? ", tanong ko sa kanya .

" Hindi kana kasi nakakapunta dito upang panoodin ang paglubog ng araw ", malungkot nyang wika .

" I'm sorry , nakakatulog kasi ako agad pag kauwi ng bahay galing school e ", katwiran ko .

" Ayos lang iyon ", sambit nya at ngumiti .

" Ayan na Alex , sunset na ", tuwa kong sambit sa kanya at kinuhaan ito ng picture .

" Gail , ako ay may mahalagang sasabihin sayo ", seryoso nyang sambit .

" Ano yun ? ", kinakabahan kong tanong .

" Ngayon din ay itigil muna ang iyong panliligaw sa akin ", seryoso nyang wika .

Ayaw na ba nya sakin ?

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko ng sabihin nya yun sakin .

" Bakit ? May nagawa ba akong mali ? ", naiiyak kong tanong .

" Tumigil ka na sa panliligaw , sa kadahilanang ikaw ay akin ng kasintahan simula ngayon ", nakangiti nyang sabi.

" Sinasagot muna ako ? Totoo? ",hindi ko makapaniwalang sabi .

" Oo Gail ", nakangiting saad nya at niyakap sya .

" I love you Alex , akala ko may iba ka ng mahal ", biro ko sa kanya .

First time of my life , may seseryosohin akong babae sa buhay ko .

" Hindi mangyayari iyon , hanggang sa huling hininga ay ikaw lang ang aking mamahalin ", matamis nyang wika at tumingin sa sunset .

" Magiging saksi ang manggahang ito kung paano kita mamahalin ng higit sa buhay ko ", muli nyang wika na nakapag pangiti sa akin .

" Ang sweet mo naman ", wika ko at hinawakan ang kamay nya .

" Kung papipiliin kita , anong pipiliin mo ? Mabuhay ka pero wala na ako sayo o mamatay ka ng ako lang ang iniibig mo ? ", tanong ko sa kanya at nag isip sya .

" Pinipili ko yung mamatay ako ng ikaw lang ang iniibig kaysa sa buhay nga ako pero wala ka na sakin , wala ng silbi ang aking buhay ",tugon nya .

" Totoo ? ", nakangiti kong tanong .

" Oo , bakit iyong natanong ? ",pabalik nyang tanong sakin .

" Wala naman , pero alam ko balang araw ay iba ang mas pipiliin mo ", malungkot kong sambit .

" Huwag kang mag isip ng ganyan Gail , mahal kita , magtiwala ka lamang sa pagmamahal ko sayo ", seryoso nyang wika .

" Alam mo iha , ngayon lang yan si Tristan nagdala ng babae sa amin ", wika ni daddy kay Alex .

Andito kami ngayon sa bahay namin dahil pinakilala ko sya kina Mommy .

" Binata na talaga ang anak natin ", biro ni Mommy .

" Mommy naman ", saway ko kay Mommy .

" Totoo naman ang sinasabi ko e , by the way , Dreah pagpasensyahan muna ito si Tristan ha , makulit talaga- ", pinutol ko ang sasabihin ni Mommy .

" Mommy ", wika ko at tumawa na lang sila .

" Mabait naman po si Gail ",  sambit ni Alex at ngumiti ako sa kanila .

" Mabait ba kamo iha ? Tama ba ang narinig ko ? ", inosenteng tanong ni Daddy .

Pinagtutulungan na naman ako ng mga ito . Ay naku , magulang ko ba talaga ito .

" Opo ", tugon ni Alex at tumawa din sya .

Sana laging ganito , sana laging masaya . Yung wala kaming iniisip na problema .

Tumagal pa ang ilang buwan at ganun pa rin kami ni Alex . Magkasabay pumasok at sabay uuwi saka pupunta sa manggahan para manood ng sunset .

Wala kaming iniisip na kahit anong problema , basta ang alam lang namin ay masaya kami tuwing magkasama .

" Hi Tristan ", malanding bati sa akin ni Janella .

Tumango lang ako sa kanya at dumeretso ng paglalakad papuntang classroom .

Kaklase ko sya , laging papansin , at sobrang nakakairita. Dikit kasi ng dikit , buti hindi selosa si Alex .

" May nag aaway daw sa canteen , babae daw na grade 7 ", rinig kong wika ng isang estudyante sa kaklase kong lalaki .

Mabilis kong sinakbat ang aking bag at pumunta ng canteen .

" Parine at tayo'y magsuntukan na laang ", matapang na hamon ni Yzel sa isang babae habang sya ay inaawat ni Alex .

Batangueño nga pala ito si Yzel . (Ezel)

" Tingin mo naman ay papatol ako sa panget ", mataray na wika ng kaaway nya .

" Maganda ka ? ", matapang na tanong ni Yzel habang hawak sya ni Alex .

" Halata naman diba ", tugon ng babae .

" Oo maganda ka nga , pero pag itong kamao ko ay nag landing sa iyong mukha , panigurado bukas manghihiram ka ng mukha sa aso ", sigaw ni Yzel .

" Tala- ", naputol ang sasabihin ng babae at nagulat kaming lahat ng tumama ang kamao ni Yzel sa mukha ng babae .

" Practice pa lamang iyan ", matapang na wika ni Yzel .

" Anong kaganapan ang nangyayari dito ? Ikaw Yzel , why did you punch her face ? ", matapang na tanong ni Janella .

" Ala e. 'Wag ka nga ditong magpabida at hindi ka bagay may artista ", sagot ni Yzel .

" Wow , tapos ikaw ?  bagay ? ", mataray na tanong ni Janella .

" Oo pero hindi ko pinangarap ", sagot ni Yzel .

Nice one .

" Hahaha , hindi naman kasi matutupad Yzel ", nagtatawang sambit ni Janella .

" Kaya nga hindi ko pinangarap , umalis ka diyan at baka lumanding din ang aking kamao sa mukha mo ", inis na wika ni Yzel .

" Susuntukin mo ako ? Bakit ? Gusto mo sirain mukha ko dahil inggit ka ? ", matapang na tanong ni Janella .

" Ano naman ang ka iinggitan ko sayo ? Yung ugali mong pabida at nakikisawsaw o yung katawan mong nalawayan na ng karamihan ? ", matapang din na tanong ni Yzel.

Nag ingay ang mga estudyante at umalis si Janella dahil sa pagkapahiya ,sinundan naman sya ng iba nyang mga kasama at nilapitan ko sina Alex .

" Okay lang ba kayo ? Anong nangyari ? ", tanong ko sa kanila .

" Ay ayown , ansama na naman ng tingin nila sa amiyn ", sagot ni Yzel .

" Dapat kasi ay hindi mo na laang pinatulan ", wika ni Alex .

" What's our friendship for diba ? Got each other back ", English na sambit ni Yzel .

Nakakamangha .

" Ala e , san mo nakuha iyan ? ", tanong ni Alex .

" Narinig ko lang kanina sa klasmeyt ko , ay hindi ko nga alam kung anong tagalog dyaan ", sagot nya .

" Isa kang alamat ", natatawa kong sambit .

Updating .

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon