Pahina 9

593 19 0
                                    

TRISTAN ^^

" Señorito Tristan , may ibibigay ako sa inyo ", nakangiting sambit sakin ni Mang Jose at inabot ang nakatuping yellow paper sa akin.

" Ano po ito ? ", magalang kong tanong sa kanya .

" Pinaaabot ni Andrea ",sagot nya at gumuhit ang ngiti sa aking labi .

" Thank you Kuya ", pasalamat ko sa kanya .

Agad akong umakyat sa hagdan at ni lock ang pinto para hindi ako maabala sa pagbabasa .

Mahal kong Gail ,

  Salamat sa iyong pagsulat sa akin .Nais kong sabihin sa iyo na mag iingat ka palagi , huwag kang mag alala sapagkat ako ay ayos la-ang . Andito lamang ako sa ating tagpuan at hinihintay ang iyong pagbabalik , pangako ko sayo habang buhay kitang mamahalin . Sana ay sumulat ka sa akin lagi at sa puso mo'y huwag sanang palitan .

                  Nagmamahal ,
                     Alex

" Ang sweet naman ng girl friend ko ", sambit ko sa aking sarili .

Lumipas pa ang maraming buwan at tuloy lang ang aming pagsusulatan ni Alex .

Laging sya ang laman ng isip ko , kahit nasa school ako .Wala na ring babae ang masyadong nalapit sa akin dahil sinabi ko na may girl friend na ako .

Masaya ako palagi , nasanay na ako na magkalayo kami ni Alex . Nag aaral akong mabuti para pag uwi ko sa hacienda namin sa Batangas ay pakakasalan ko na si Alex dahil yun ang pangarap ko .

" Ano ba yan , bakit ba tunog ng tunog itong cellphone ko ? ", tanong ko sa sarili at iniwanan saglit ang love letter na ginagawa ko .

" Si Janella ito ah ", wika ko nang makitang sya pala ang nag chat .

Janella : Hi Tristan , kamusta naman kayo ni Andrea ?

Janella : Masaya paba sya sayo ?

Janella : Bat hindi ka nareply ? Am I right ?

Me : Problema mo ?

Janella : Luh ! Sungit naman .

Janella : Talking to you is a waste of time .

*Janella sent a picture *

Nanghina ako nang makita ang picture ni Alex habang kayakap ang isang lalaki .

Janella : You want more ?

* Janella sent 4 pictures *

Me : Sinisiraan mo lang sya , hindi yan totoo !

Janella : Alam kong alam mo na totoo yan , wake up ! 'wag ka nang magbulag bulagan .

Hindi ko namalayang nakaupo na pala ako sa sahig habang umiiyak .

" Hindi ! , hindi nya ito magagawa ",bulong ko sa sarili ko .

Janella : Malandi yan si Andrea , she's a gold digger ! Kaklase ko yan , grade 1 hanggang grade 6 , kaya mas kilala ko sya .

Janella : Actually , sila na ng boyfriend ko kahapon lang , inagaw nya boyfriend ko .

Pinunit ko ang sulat na dapat ay kay Andrea and I blocked Janella.

Kristen:  Tristan , pwede bang pagsabihan mo yang girlfriend mo? Mang aagaw eh .

Kate : Malandi yang girlfriend mo !

Lalo akong umiyak ng mabasa ko pa ang iba nilang chat , hindi ko na pinansin at ibinato ang cellphone sa kama .

Ganito nalang ? Porke't malayo ako , ipagpapalit mo ako sa malapit ?

" Bakit ganun Alex ? Kulang paba ang kapogian ko ? Minahal naman kita ah at ipinaramdam o na mahalaga ka . Pero ano yung sinasabi nila ? ", umiiyak kong sambit sa sarili habang nakatingin sa picture namin ni Alex .

Sobra mo akong sinaktan Alex , akala ko ba habambuhay mo ako mamahalin ?

Umasa ako eh ,umasa ako sa matatamis mong salita . Akala ko iba ka .

Patuloy lang ako sa pag iyak nang biglang may kumatok sa pinto ko .

Madali kong niligpit ang mga pinunit kong papel at nagpunas ng luha saka inayos ang sarili .

" Oh , umiyak ka ? ", bungad sakin ni Renz .

" Anong problema bukod sa babae men ? ", tanong naman ni Charles .

" Mga luko , nalagyan lang ako ng sabon sa mata . Ano namang lagim ang ikakalat nyo dito ? ", tanong ko habang pinipilit na ngumiti .

" Boring eh ", sagot ni Renz at humiga sa kama ko .

Tumalikod ako sa kanila at pumunta sa banyo .

" Ligo lang ako , arat sa bar ", akit ko .

" Yown ! Tumama ka , faster ! Inom na inom na ako ", tuwang sigaw ni Charles .

Binuksan ko ang shower at kasabay ng patak ng tubig ay sabay sa pagtulo ng aking luha .

Bakla na sa paningin nyo pero nasaktan ako .

Ganun kaming mga lalaki eh , great pretender . Kunyari wala lang saming lahat pero deep inside durog na durog kami.

Lalaki kami pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kami nasasaktan .

" Men tara na , lasing kana ", akit sa akin ni Charles .

" I'm not drunk ", tanggi ko sa kanila .

" May problema ka siguro ", natatawang wika ni Renz.

" Renz , look at me ", utos ko sa kanya .

" Pogi diba ? Hindi kapalit palit ? ", tanong ko sa kanya.

" Alam mo kasi men , kahit gwapo ka at perfect ka kung hindi naman sayo masaya ang babae , talo ka ", paliwanag sakin ni Charles .

" Tristan ? Renz ? Charles ? Nag aano kayo dito ? " , tanong ni Lyanna na bigla nalang sumulpot .

" Lyanna , come here ", utos ko sa kanya .

" Bakit ? ", inosenteng tanong nya .

" May itatanong lang ako sayo ", wika ko at umupo sya sa tabi ko .

" Kung magiging tayo , ipagpapalit muba ako ? ", tanong ko .

" Hindi , teka ano bang sinasabi mo ? Lasing kana ", wika nya sakin .

" Lyanna , pwede bang ikaw nalang ang mag uwi kay Tristan ? Ihahatid pa namin yung mga chikababes namin eh ", pakiusap ni Renz .

Hindi na ako nagsalita dahil sobrang hilong hilo na ako , napasandal nalang ako kay Lyanna .

" Tristan , tara na ", akit sa akin ni Lyanna .

Tumingin ako sa mukha nya at si Alex ang nakita ko , biglang naramdaman ko ang sakit ng panluluko nya .

" Alex , pano mo nagawa sakin ito ?", tanong ko at hinawakan ang pesnge ni Alex .

" Mahal na mahal kita Alex ", pag amin ko at idinikit ang labi ko sa labi nya .

Updating ...

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon