Pahina 14

601 25 1
                                        

TRISTAN ^

" Excited na akong makita ang hacienda nyo , specially Alex, I miss her ", tuwang sambit ni Lyanna habang nag iimpake kami ng damit .

Ngayon ang araw na uuwi kami ng Batangas , dalawang taon na simula ng ikasal kami ni Lyanna kaya napagpasyahan naming tupadin ang hiniling ni Alex na umuwi ng Batangas .

" Honey , tingnan mo nga kung kulang pa ang dala kong damit ", utos nya sakin habang nag iisip .

" Andami na nga nyan e ", natatawa kong sagot .

" Ready naba kayo ? ", masayang tanong ni Mommy.

" Opo tita ", sagot ni Lyanna .

Nanguna si Lyanna sa pagsakay sa van dahil sa tuwa at excitement .

" Goodbye Laguna , hello Batangas ", masayang sigaw ni Lyanna .

Malapit lang ang Batangas dito sa Laguna kaya alam kong mabilis kaming makakarating .

Walang ibang ginawa si Lyanna kundi mag selfie at puriin lahat ng tanawin na nadadaanan namin .

" Wow , ang laki ng hacienda nyo ", manghang sambit ni Lyanna .

" Let's go inside ?", tanong ko sa kanya .

" Okay ", sagot nya .

Nilibot nya ang mansion natin at kumain kami ng hapunan .

" Honey , pwedeng ikaw nalang muna ang pumunta kay Alex ? Sabihin mo bukas nalang kami magkita kasi medyo sumama ang pakiramdam ko ", paliwanag ni Lyanna.

" Okay honey , ibibigay ko lang itong flower na binili mo ", pagpayag ko .

" Thank you , ask her na ako pumili nyan ha , sige honey I'll go sleep na ", paalam nyan.

Lumabas ako ng bahay at tumingin sa araw .It's already six pm, kaya lumulubog na ang araw .

Pumasok ulit ako sa loob ng bahay at kinuha ang bulaklak na binili ni Lyanna for Alex .

Pumunta ako sa manggahan , sa dati naming tagpuan ni Alex , sigurado naman akong nandun sya dahil lagi nyang pinapanood ang paglubog ng araw .

Mabilis akong nakarating sa manggahan ngunit nagtaka ako dahil wala sya dun . Umupo ako sa inuupuan namin dati at inilapag ang bouquet .

Nakatingin ako sa sunset nang maramdaman kong may tumabi sa akin .

" Gail , sa wakas ay nagbalik ka , salamat at tinupad mo ang aking hiling ", masayang sambit ni Alex at niyakap nya ako .

Niyakap ko din sya pabalik at humingi ng tawad dahil ngayon lang kami nakauwi .

" For you , pinapabigay ni Lyanna ",, abot ko sa kanya ng bouquet .

Inabot ko sa kanya ang bouquet pero nahulog ito kaya dinampot ko at inilagay nalang muna sa bangko .

" Huwag mo sanang saktan si Lyanna at ibigay mo sa kanya ng buo ang iyong tiwala ", nakangiti nyang sambit sa akin .

" Oo naman , kaya nga kahit 18 lang kami ay nagpakasal na kami agad eh , ikaw ba kailan ? ",tanong ko sa kanya .

"  Hindi na mangyayari ang tinatanong mo", malungkot nyang sambit .

" Sorry Alex dahil pinaasa kitang ikaw ang dadalhin ko sa altar ", malungkot kung paghingi ng tawad sa kanya .

" Wala kang kasalanan , tingnan mo ang araw , napakaganda nyang pagmasdan hindi ba ? ", masaya nyang tanong sa akin .

Her Choice ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon