Pahina 15

715 28 1
                                    

TRISTAN^

" Honey , darating ba sya ? I want to hug her na ", nakangusong tanong ni Lyanna .

Kasalukuyan kaming nandito sa manggahan para makita si Alex ngunit isang oras na ay hindi pa rin sya dumarating .

" Ayan na sya ", masayang wika ni Lyanna at niyakap si Alex na ngayon ay naka puting bestida pa rin .

" I missed you ", sambit ni Lyanna at niyakap ito .

" Kamusta kana ? ", nakangiting tanong ni Alex kay Lyanna .

Mahahalata mo ang ang pagkakaiba nila dahil sa pananalita , kilos , at pananamit .

" Ayos lang ako , may good news ako sayo Alex ", masayang wika ni Lyanna .

Nakaupo lamang ako dito at pinagmamasdan sila , ngunit naagaw ng pansin ko ang bouquet na ibinigay ko sa kanya ay nakalapag sa gilid ng puno ng mangga . Hindi ko na lang yun pinansin dahil baka nalimutan nya lang .

" Ano ang ibabalita mo sa akin ? ", tanong naman ni Alex .

" Magkakaron na ako ng baby , I wish na girl ito para Alexandria ang name nya ", parang batang nagkekwento si Lyanna .

" Alexandria ? Hindi ba't parang katulad ng aking pangalan iyon ? ", natutuwang sambit ni Alex .

" Oo , pinag dugsong ko ang pangalan mo na Alex Andrea , sana katulad mo rin sya ", wika ni Lyanna .

" Salamat Lyanna , sana ay magkaroon sya ng dalisay na puso katulad mo ", nakangiting wika ni Alex .

" Saka gandang katulad mo ", wika naman ni Lyanna.

" Maaari ba akong muling humiling sayo ?", tanong ni Alex .

" Oo naman ", sagot ng aking asawa .

" Nais ko sanang dumalaw ka muli dito sa manggahan pag ikaw ay nakapanganak na , nais ko sanang makilala sya ", hiling ni Alex .

" Oo , ipapakilala ko sya sayo ", nakangiting wika ni Lyanna .

" Hanggang sa kabilang buhay , hangad ko ang masayang pamilya para sa inyo ", nakangiting wika ni Alex .

" Uy Tristan ", napalingon kami ni Lyanna sa sa tumawag sakin at nakita ko si Yzel .

" Yan naba ang napangasawa mo ? Ala eh , kagandang babae ", wika ni Yzel at nilingon ko si Lyanna .

" Hi , I'm Lyanna ", pakilala ni Lyanna at nagpakilala din si Yzel .

" Ano ang ginagawa nyo dine ? ", tanong nya .

" Binibisita namin si Alex , andito sya- teka , asan na si Alex ? ", naputol ang sasabihin ni Lyanna nang mapansin nyang wala na si Alex .

" Si Andrea ? Nagpakita ang kaluluwa nya sa inyo ? ", nagulat ako na kinabahan sa sinabi ni Yzel .

" Kaluluwa ? ", tanong ni Lyanna na nagulat din .

" Ah ano ", wika ni Yzel at kinagat ang labi nya .

" Anong nangyari Yzel ? Magsabi ka ng totoo ", seryoso kong sambit .

" Sabi nya kasi ay huwag ko daw ipapaalam sa iyo ", katwiran nya .

" Please Yzel , sabihin mo yung totoo ", ulit ko .

" Tingin ko nga ay kailangan ko nang sabihin sayo , maiintindihan naman ako ni besprend ko , sumumod kayo sa akin ", malungkot nyang wika at sinundan namin sya .

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon