Pahina 3

927 33 0
                                        

TRISTAN ^^

" Tristan , next week babalik na tayo sa Laguna ", sambit sakin ni Mommy habang nakain .

" Bakit Mom ? Gusto ko pa dito ", katwiran ko .

" Mag enroll kana , malapit na ang pasukan ", sagot nya sakin .

Oo nga pala .

" Pero mommy , gusto ko pa po dito ", malungkot kong wika .

" Pano yung pag aaral mo ? ", tanong nya sakin .

" May school naman po dito siguro ", katwiran ko .

" Manang , diba may school po dito ? ", tanong ko kay Manang .

" Meron nga po señorito ", tugon nya sakin .

" Told you mommy , dito nalang po ako mag enroll ", tuwa kong wika kay Mommy .

" Pagbigyan muna ang binata natin ", nakangising sabat ni Daddy.

" Okay , maghanda ka bukas ", wika ni Mommy .

Yes , makakasama ko na sya ng matagal .

" Ang ganda naman dito ", mangha kong sambit kay Dreah .

Andito kami ngayon sa isang malaking manggahan na may nakapalibot na may lantern . Presko ng hangin , dati ayuko sa mga bundok buti napilit ako nina Mommy sumama dito .

( Nasa cover yung manggahan)

" Walang masyadong nagpupunta dito , mas gusto nila maligo sa mga talon dito ", paliwanag ni Andrea .

" Ganda nito tambayan ", nakangiti kong wika .

" Dito lagi ako nagpupunta , dito ko pinapanood ang paglubog ng araw ", masaya nyang sambit .

" Gusto ko din makita yun , mga anong oras ba ? ", tanong ko sa kanya .

" Ala e alas singko minsan pero kadalasang nalubog iyon ng ala sais ", natawa naman ako sa accent nya .

" Batangueño ka ? ", tanong ko .

" Ah oo , pero minsan ko lamang iyon ginagamit ", paliwanag nya .

Ang kyutttttt .

" Nga pala , anong grade muna next year ? ", tanong ko sa kanya .

" Grade 7 , tumigil ako ng pag aaral pagkatapos kong maka graduate ng elementarya . Oo nga pala at malapit na ang pasukan ", malungkot nyang wika .

" Dito ako mag aaral ngayong pasukan kaya palagi na tayong magkasama ", masaya kong balita sa kanya .

" Maganda yun ", nakangiti nyang sambit .

Beautiful Andrea .

" Sabay tayo lagi umuwi ha ", masaya kong sambit .

" Hindi ako maaaring sumabay sa iyo Tristan , dahil hindi naman ako papasok sa eskwelahan ", malungkot nyang sambit .

" Bakit ? Gusto pa naman din kita makasabay", dismayado kong sambit .

" Aantayin na lamang kita dito sa puno ng mangga ", sambit nya sakin .

" Pero iba pa din yung magkasama tayo pumasok ", katwiran ko .

" Wala kaming pera pang aral kaya sige na ikaw na lamang , pangako dito lagi kita iintayin at sabay nating papanoodin ang paglubog ng araw ", masaya nyang wika .

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon