Pahina 8

617 25 0
                                    

TRISTAN ^^

" Kamusta men ? Welcome back ", wika ng best friend kong si Renz .

" Bakit hindi mo sinama yung chikababe mo ? ", tanong naman ni Charles .

Hindi pa rin nagbabago ,mga luko pa din .

" Awan sa inyo , mga sira ulo ", wika ko sa kanila at sabay pa silang tumawa .

Kumusta na kaya si Alex ngayon ? Ay alam ko na susulatan ko nalang sya .

" Maiwan ko na muna kayo , may bibilhin lang ako mga itlog kayo ", wika ko at lumabas .

Pumunta ako sa malapit na mall at naghanap ng pwedeng sulatan .

Pinili ko yung papel na kulay pink , colored paper rather . Bumili din ako ng mga pandesign .

" Manang , tulungan nyo nga po ako dito ", tawag ko kay Manang Ay .

" Para san po ba ito señorito ? ", tanong nya sakin .

" Nakakahiya man pong sabihin pero gagawa po ako ng love letter hehe , ikaw nalang po ang maglagay ng design ",pakiusap ko sa kanya .

" Bago ito sa pandinig ko señorito , napaka swerte naman ng babaeng pagbibigyan mo ", nakangiti nyang wika at kinuha ang gunting .

Nanood lamang ako sa ginawa nya , nilagyan nya ng maraming petals ang colored paper at nilagyan ng kung ano anong design .

" Sa susunod , yung may design na ang bilhin mo , meron nun ", wika sakin ni Manang at inabot sakin ang ginawa nya .

" Sige po , thank you ", pasalamat ko at umakyat sa kwarto para magsulat .

Hayss , ano bang sasabihin ko ? Ang hirap naman , dapat pala binigyan ko nalang sya ng cellphone .

Kahit mahirap ay nagsulat ako ng sa tingin ko ay ikakatuwa nya .

Ilang oras ako bago natapos sa pagsusulat at binigay ito kay Manang Ay para ipadala sa probinsya .

Buti nalang dahil linggo linggo ay nabisita ang driver namin sa probinsya upang bisitahin ang mansyon namin doon.

" Miss kana ng mga chikababes mo men ", wika sakin ni Renz .

" Mga sira ulo kayo ", nakangiti kong wika at umupo sa bangko .

" Tristan , nice to see yahh again ", wika sakin ng kaklase kong si Lyanna .

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango saka ipinatong ang paa sa armchair tulad ng aking nakasanayan .

" Good morning cla- , oh Tristan , you're here ", naputol ang sasabihin ng aming adviser ng makita nya ako .

" Good morning ma'am ",nakangiti kong bati sa kanya .

Sinimulan na nya ang pag di'discuss sa unahan habang kami namang tatlo nina Renz at Charles ay nagsisipaan dahil magkakatabi kami .

Nakakalungkot talaga kapag nasanay kang lagi mong nakakasama yung taong mahal mo .

Hindi ko alam kung ayos lang ba sya o baka may problema sya .

" Mr. Fuego ! ", nagising ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni tabachingching naming teacher .

" Yes miss ? ", inosenteng tanong ko .

Hindi sya sumagot at sinamaan nya lang ako ng tingin saka bumalik ulit sa pagtuturo.

ALEX ^^

Kinuha ko ang yellow pad paper sa aking bag at ang ballpen , nais ko lamang sulatan ang aking kasintahang nasa malayong lugar .

" Andrea  , andito ka pala , pinabibigay nga pala ni Señorito Tristan ", saad sa akin ni Mang Jose at inabot ang isang maliit na envelope .

" Salamat Mang Jose , ngunit ako din sana ay may ipapadala sa iyo , maaari nyo po bang intayin ? ", paki usap ko.

" Oh sige , dun lang muna ako sa kumpare ko , iabot mo nalang sakin kapag tapos na ", wika niya sa akin.

Sinimulan ko na ang pagsusulat sa kapirasong papel , lahat ng aking isinulat ay galing sa aking puso .

Itinupi ko ito at hinalikan saka ibinigay kay Mang Jose . Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang sulat mula kay Tristan .

Alex ,

Hi Alex , kamusta kana ? Don't be sad dahil wala ako dyan , don't worry babalik naman ako dyan . Sabay nating panonoorin ang sunset . Miss na kita kaya sumulat ako sayo . Mahirap pala ang malayo sayo :( , palagi kang mag iingat ha , aral ka ng mabuti . Susulatan nalang ulit kita. I love you Alex .

                                              - Gail

Kusa akong napangiti nang mabasa ang nilalaman ng kanyang liham .

" Sana ay mangyari ang iyong nais Gail dahil ito rin ang nais ko ",bulong ko sa aking sarili .

" Dreah ! ",pinahid ko ang luha ko ng dumating si Yzel .

" Ano't ikaw ay naparito ? ", tanong ko sa kanya .

" Ala eh naligaw lamang ako dine ", sagot niya sa akin .

Hilig nya ang magsalita ng Batangueño, naiintindihan ko naman ito dahil ako ay Batangueño rin .Ngunit hindi nya gaya ay hindi ako mahilig magsalita ng ganoong lenggwahe .

" Malungkot ka yata , ito ba ay dahil kay Tristan iyong irog ?", pang aasar nyang tanong .

" Oo Yzel , ako ay hindi pa rin sanay ", pag amin ko .

" Dreah , ikaw ba ay may sakit ? ", tanong sakin ng aking kaibigan .

" Wala , bakit mo natanong ? ", pabalik kong tanong sa kanya .

" Ikaw ga ay umamin sa akiyn , madalas kitang nakikitang nanghihina Dreah ", deretso nyang winika sa akin.

" Wala lang yun , huwag mong pansinin ", nakangiti kong winika sa kanya .

" Besprend mo ako diba ? Kaya ikaw ay huwag magtago sa akin ", seryoso nyang wika .

" Hindi ko alam Yzel , hindi ko alam , madalas nagdudugo ang ilong ko at nasusuka", kwento ko sa kanya .

" Anlaa naman ! Ay gay-on ba ? Tara at ng ating mapa check up ", akit nya sakin .

" Wala kaming pera Yzel , mawawala din ito ", tanggi ko .

" Pano kong hindi nawala ? ", tanong niya sa akin .

" Baka ako ay kulang lamang sa tulog ", saad ko .

" Ganire na la-ang , pag nararamdaman mo pa rin yan sa isang linggo , ikaw ay papa check up ko ", kundisyon niya sa akin.

" Salamat na la-ang Yzel , ngunit pera mo iyon ", tanggi ko .

" Rich ito Dreah , basta ikaw ay aking papa doctor ", sambit nya .

" Salamat Yzel , tatanawin ko areng utang na loob sa iyo ", pasalamat ko at siya'y aking niyakap .

UPDATING ..

Her Choice ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon