CHAPTER 4
ALVARO LUIS
Narito na ako ulit sa Maynila, two weeks akong umuwi at nag-stay sa Alondra. Pinayagan naman ako ni Madame Darian dahil natapos na ang training noon, ang team building naman ay sa Lunes pa magsisimula. Na-miss ko na rin kasi ang farm at ang pamilya ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na umuwi.
Biyernes ngayon at kagabi ako dumating. Inaayos ko mga gamit ko. Madami na akong dala ngayon kasi ilang buwan na akong hindi makakauwi. Ang dami ko nga na namang pasalubong kay Ms. Magie. Pahirapan na naman ang pagbibigay nito. Iyong nakaraan ay ipinakisuyo ko pa kay Ms.Sierra. Dinala pa niya ang mga iyon sa bahay mismo nila Ms.Magie. Paano ay baka maitapon lang ang mga iyon kung makikita ni Boss Harrold. Noong nakaraan ay sinusubukan ko siyang tawagan, kapag oras bang wala na sa trabaho, para hindi makahalata ang boss niya. Pero ang sabi sa akin ni Rod, ang reliever ko sa farm, ay hindi na naiuuwi ni Ms.Magie ang company cellphone kaya sa office na lang siya maaaring kausapin. Grabe talaga ,hindi na makalusot.
Makatapos kong mag-ayos ay naligo na ako at nag handa. Gusto ko kasing daanan ang Agricultural Training Institute, ilang buwan din akong mamamalagi doon kaya't gusto ko na maging pamilyar sa lugar. Okay din naman sa akin ,dahil madadagdagan ang kaalaman ko. Live stock, crops, modern farming, even fisheries ay may program sila. Mayroon din about sa irrigation and agri-waste management. Ang totoo ay ipinakiusap ko na sa University of Southeastern Philippines, dati kong school, na ako kumuha ng training. May ilang offered programs din roon, kaya lang gusto ng company na dito sa Manila.
Bumaba ako sa living room at naroroon si Madame Darian. " Oh Bari, lalabas ka pala…. Hindi ka nagsabi, saan ba ang itinerary mo ngayon? "
" Ah, Ma-- Tita Dari, sa Institute lang po. Iikot lang po ako para ma-familiarize sa lugar. "
" Ganoon ba…. should we call Roe---- "
" NAKO HUWAG NA PO! " , Tila naman siya nagulat sa lakas ng boses ko. " I mean, nakakahiya po, baka busy rin po siya. "
" Are you sure? I'm sure Roe can spare some time. Or wait…. I will check on Samson, kung wala siyang lakad ,pasasamahan kita " , ngumiti naman siya sa akin bago ipinatawag si Samson.
Halos mapa-dasal ako na sana ay libre si Samson ,ang driver ni Madame. Mas gusto ko iyon kasama kaysa kay Rosette. Napapalunok ako sa tuwing naaalala ko siya. Napaka-liberated na ng babaeng iyon. Akalain mong nalaro at naisubo na niya ang kaibigan ko. Hindi lang isang beses! Para rin naman akong sira… paanong naulit pa… napakarupok ko sa temptasyon!
" Ms. Rosette, okay na siguro ako na makapag-maneho ng mag-isa. Nagamay ko na rin naman ang daan. Nakakahiya na rin kasi sa iyo, naaabala kita. Bukas kahit huwag ka na dumaan sa mansion ni Madame. " , kasalukuyan kaming nasa biyahe pauwi. Kinakabahan ako. Kagabi kasi ay kung anong kamunduhan ang naganap sa kotse na ito noong pauwi na kami. Nakakahiya sa may-ari.
" Really? Or you are just making excuses to avoid my charms? " , hayan na naman siya. Nakalapat na naman ang kamay niya sa mga hita ko. " Why? Didn't you like my skills? " , malandi pa siyang tumawa.
" Ah-m Ms. Rosette ,pasensya ka na doon. Hindi ko sinasadya. Dapat hindi ko sinamantala. " ,mas lalo siyang tumawa.
" My God Alvaro! You really amuse me… " , halos mapaigtad ako nang paraanan niya ng kaniyang palad ang aking pagkalalake. Pinagpawisan ako bigla.
BINABASA MO ANG
She's Hot. He's Cold.
Romance**STORY COMPLETED** Do opposites really attract? How far can you get just to be loved? Note: READ AT YOUR OWN RISK. MEDYO MAHALAY PO ITO. The story has some parts with mature content. The author is not a professional writter, expect typographical an...