CHAPTER 10

514 12 1
                                    

CHAPTER 10




ALVARO LUIS




" Hi Sir Alvaro, kamusta po kayo? "  ,  Nakaupo ako sa harapan ng mesa ni Ms. Lou dito sa HR Office ng GSDC. Tinawagan kasi niya ako kanina para dumaan rito after ng class sa Institute. May mga kailangan raw akong pirmahan na papers. Sa Training & Development Department sila Ms.Lou kaya ang mga programs na ipinakuha sa akin, mula sa line-up at approval ng budget ay sila ang nag-aasikaso.




" Ahmm Okay lang Ms. Lou, Ikaw? "  , Siyempre kailangan kong ibalik ang tanong bilang gentleman ako.




" I'm okay sir, anyway here are the papers you need to sign. "  ,  Ngumiti siya sa akin, habang nagpipirma ako ay panay naman ang galaw niya. Nang tignan ko ay iniipit niya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga sabay ngiti na parang nagse-selfie. Halos mapangiwi naman ako. Nagpatuloy ako sa pag-check ng papers, bago ito pipirmahan.




" Mayroon pa ba Ms.Lou? "   ,  Tanong ko nang iabot ko sa kaniya ang mga papeles.




" That's all Sir Alvaro… "  ,  Ngumiti na ako at magpapaalam na sana sa kaniya nang magsalita siyang muli.   " Ah-m Sir…. pauwi ka na rin po ba? "   , Umakto siya na para bang nahihiya.   " Ah baka po kasi gusto mo na mag snack or coffee? Pauwi na rin po kasi ako. " 



Napatingin ako sa kaniya. Niyayaya niya ako? Dapat ba walang malisya iyon? Hindi kasi ako sanay sa mga babaeng straight forward gaya nito. Sa akin na lumaking mga taga Alondra ang madalas nakakahalubilo, nasanay ako sa mga mahiyain na babae. Ang mga kadalagahan doon madalang lumabas ng hacienda.



" Ah.. O-okay lang naman… "   ,  Nakakahiya yata kasing tanggihan.  Agad naman siyang tumalima, niligpit ang mga gamit sa mesa at saka nagpaalam na mag powder room raw siya saglit. Ano na naman ba itong ginagawa ko? Masama ang masyadong mabait Alvaro!




Maya-maya ay nakabalik na siya. Nakaayos na pala siya? Siguro ay hindi ko lang mapansin. Makapal naman na kasi ang make-up niya kanina pa. Si Rosette kasi kung naka make-up man ay hindi ganito kakapal, at saka bagay palagi sa kaniya. Bigla ay napatigil ako sa naisip. Rosette…. ilang linggo na ba simula noon? Napahinga ako ng malalim.





" Sir Alvaro, Let's go? "  ,  Napawi ang iniisip ko nang magsalita si Ms.Lou. Tumayo ako at pinauna na siyang maglakad, pero hinintay niya pa ako para kami magkasabay. Bahagya ko siyang napagmasdan. Maayos naman siya, balingkinitan rin at katamtaman ang tangkad. Kaya lang ay mas maganda talagang magdala ng damit si Rosette, mas maganda naman talaga siya.





" Ahmm.. Sir Alvaro, nagp-plan po ba kayo na mag stay na lang sa manila? "  , Out of the blue ay tanong niya habang naglakakad kami papasok ng elevator.




" Hmmm… Hindi Ms.Lou. Para talaga ako sa Alondra. "   Nginitian ko na lamang siya. Ano ba namang tanong iyon? Kaya nga ako kumukuha ng extra programs para sa farming, tapos lilipat ako rito sa siyudad? Mapapailing ka na lang.




" Oh… pero… single as in single na ready to mingle ka diba po? "   ,  Sinabayan pa niya ng hagikhik ang tanong na iyon. Wow, biglang ganoon ang tanong.




" Well…. Yes. "  , Lumawak naman ang ngiti ni Ms. Lou. Kasabay noon ang pagbukas ng elevator at ang pagbungad sa aming harapan ng babaeng ilang linggo ko nang hindi nasisilayan. Nakatayo siya roon at naghihintay na makasakay ng lift. Bahagya siyang natigilan , lalo nang makita si Lou.




Lumakad siya papasok sa elevator kung nasaan kami habang kami naman ay humakbang na palabas. Tinititigan ko si Rosette, nalilingon ko siya pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko ay mayroong kumurot sa aking dibdib. Hanggang sa magsara at makaandar ang lift, ay pinilit kong hintayin kung lilingon siya sa akin ,pero bigo ako.




" Alv-- Ay Sir Alvaro, gusto mo na diyan na lang tayo sa coffee shop two buildings away? "  , Parang wala sa sariling napatango ako sa kaniya. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako na ako palakad. Wala akong nagawa, sumunod na lang ako sa kaniya. Hindi ko kasi alam basta may kung ano na mabigat sa aking dibdib.




Nakarating kami sa isang coffee shop matapos ang saglit na paglalakad. Umupo kami sa pang dalawahang upuan sa bandang unahan lang. Nang makabawi ako mula sa pagka-sabaw ay nagpasya na akong tumayo para mag order.   "  Ms.Lou ano ang gusto mo? "  ,  Tumayo rin siya at ikinagulat ko ang paghawak niya sa braso ko.





" Sabay na tayo mag-order Sir. "  ,  Hinila niya ako at pumunta kami sa counter. Hinayaan ko na lang siya kung ano man ang order niya, ang sabi ko parehas na lang kami. Tila ba kinikilig pa siya sa sinabi kong iyon.




Nang makaupo ay hindi ko naman alam ang sasabihin sa kaniya kaya inilabas ko na lamang ang cellphone ko at nag check ng social media sites. Napansin ko naman na naglabas siya ng salamin at sinapa-sipat ang sarili. Wala naman nga nagbago sa itsura niya gaya ng kanina. Dumating ang order, hot coffee lang ang sa akin, si Lou frappe at cupcakes.





Sa buong oras na kasama ko si Ms.Lou, seventy-five percent yata ng buhay niya ay nalaman ko na. Nakikinig lang naman ako, kahit ang totoo papasok iyon sa kanan, lalabas sa kaliwa. Kung magbibigay siya ng quiz mamaya ay panigurado na babagsak ako. Patango-tango lamang ako pero lumilipad ang isip ko. Ang laman ng utak ko ay naroon sa GSDC.




Hapon na, patapos na ang office hours. Ano pa ang ginagawa niya roon? Sino ba ang pupuntahan niya, Si Geno? Paanong ganoon siya sa lalake na iyon tapos ay may nangyari naman sa amin. Hindi ako pinatulog ng ilang araw ng pangyayari na iyon. Palagi kong naaalala kung paano niya ako haplusin at halikan. Na dapat ay hindi naman, wala naman kaming relasyon na dalawa. Kinaumagahan nang may maganap sa pagitan namin ay halos wala akong mukha na maiharap kay Rosette. Hiyang-hiya ako sa kaniya. Kasi parang pinatunayan ko lang na ganoon akong klase ng lalake. Hindi dapat ganoon ang nangyari. O di kaya naman ay hindi ko dapat hinayaan na madala ako ng init ng katawan. Hindi ko siya nakakausap dahil naiinis akong baka iniisip niya na sinamantala ko siya. Grabeng pananamantala, naka-apat pa yata ako.





Kung sa ibang lalake ay wala itong kaso, sa akin ay hindi ganoon. Masama ang loob ni Rosette ng gabi na iyon. Kaya ko nga siya nilapitan, kahit na nga wala talaga sana akong balak. Naglalakad-lakad ako nang gabi na iyon para pampaantok,at nakita ko siyang naglalakad mag-isa. Nag-alala din naman ako dahil babae siya at walang kasama. Madilim sa lugar na iyon. Hindi kami sigurado kung may nakakapasok na iba, o lubos ba na mapapagkatiwalaan ang mga tauhan sa lugar. Sinundan ko siya, binantayan ko pero hindi ko binalak lumapit hanggang sa makita ko na umiiyak na siya kaya't hindi ako nakatiis. Paanong ang pag-aalo ko sa babaeng nanghihina ay nauwi sa pagtatalik? Naroon na tayo, alam kong malakas ang sexual tension naming dalawa, pero mali kasi vulnerable siya nang mga sandali na iyon. Hiyang-hiya ako sa sarili ko, lalo na talaga kay Rosette.




Namalayan ko lang na may kasama ako dito sa coffee shop nang tapikin ni Ms.Lou ang kamay ko. Hindi ko alam, baka tulala ako. Nakangiti siya at nagpupungay ang mga mata pero para bang nakikipag-kumpitensya si Rosette at sumasapaw ang mukha niya sa isip ko. 




" Okay ka lang ba Sir? Ang lalim ng iniisip mo ha. "   ,  Gusto ko sana siyang sagutin ng 'Oo si Rosette' kaya lang baka siya ma-offened.




" Ah, hindi naman…. "  , Ayaw ko sanang sirain ang gabi niya kaya lang wala na ako sa mood at gusto ko nang umuwi.   " M-miss Lou pagkatapos mag coffee kailangan ko nang umuwi. "  ,  Medyo napakunot naman ang noo niya.




" Ganoon ba Sir…. ahmmm… Saan po pala kayo umuuwi? "




" Sa bahay nila Madame Greyken ako tumutuloy. "  ,  Bahagyang nanlaki ang mga mata niya.




" Wow, close ka pala kay Ms.G. "   Si Madame Darian siguro iyong Ms.G. Gusto kong mapakamot ng ulo, Alvaro...obvious naman!   "Along the way ang place ko papunta sa Greyken Mansion, Sir. "   , Inform niya lang?




Anong ibig niyang sabihin? Huminga na lang ako ng malalim.   " Sige isasabay kita, drop na lang kita sa lugar mo. " 




" Ayy grabe… pero hindi ako tatanggi! "  ,  Kakaiba din ang isang ito. Ang akala ko ay malala na si Roe, pero… malala naman talaga si Rosette kaya lang….. bakit parang mas gusto ko ang pangungulit ng isang iyon.




Rosette… Rosette…. Paulit-ulit?






A/N: Hello Habibi, Thanks sa pagbabasa. Good day!

She's Hot. He's Cold.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon