CHAPTER 34

444 10 5
                                    

CHAPTER 34





RITA ROSETTE





I was just looking at my Mom who was too busy in the kitchen. Ipinapahain na niya sa dining table ang mga pagkain. She cooked all her specialty dishes and she even baked some pastries. Ang sabi niya ay may bisita raw kasi kami at kailangan niyang i-welcome ng bongga. Sino naman kaya iyon? Sana hindi nakakainis ang itsura para hindi rin kami mayamot ng baby ko. May mga bagay kasi na sobra kong kinaiinisan. Gaya ng itsura noong artista na laging naka flash ang mukha sa TV commercials. Grr!




I'm on my seventh week of pregnancy at sabi ni Mom mas malala daw akong maglihi. Which is true, kasi parang hilo lagi iyong Tatay nitong baby sa kakahanap ng gusto ko. Minsan pati na siya ay napapag-initan ko. Gusto ko kasi ang natural scent ni Alvaro, kaya kapag nag-cologne siya ay pinapapaligo ko ulit kahit kakaligo lang niya. Thank God napakahaba ng pasensya ng boyfriend ko. Palagi niya sinasabi na kahit gaano pa daw ako kasungit at ka-demanding, sobrang love niya ako. Aww so sweet!




"Mommy, I don't like the smell of those cinnamon rolls."  Bigla kasing umamoy ang bagong hango na pastry mula sa oven.   "At saka lumayo ka diyan Mom, aamoy iyan sa'yo eh naka bihis ka na."  Nakapameywang pa ako habang sinasabi iyon.




"Oh really Rosette… Alam mo doon ka na muna sa garden, umupo ka doon sa bench tapos hintayin mo ako, magpicture tayo mamaya."  Marahan niya akong itinutulak palabas ng kitchen. Grabe naman, gusto ko na magtampo. Kaya lang natatamad ako.




I walked to the living room, dito na lang ako uupo. Naiinip na ako. Lumabas kasi si Alvaro, kailangan daw siya ni Andresito saglit. Pumayag ako kasi sabi ni Sito may ibibigay daw siya sa akin na durian tart. Na-miss ko na din kasi iyon. Iyong tart ha, hindi si Sito.




"Rita Rose, doon ka na muna sa garden! May aayusin ako dito."  I looked at my Dad with disbelief. Seriously? Ipinagtatabuyan ako. Sino ba kasi iyang bisita?! Naiinis na tumayo ako at naglakad papunta sa garden.




"Masyadong VIP ang bisita na iyon baby ko, hindi na nila tuloy pinapansin si Nanay."  Hinimas ko ang hindi pa halatang umbok sa aking tiyan.  "Nasaan na ba ang Tatay mo? Nakakainis ang tagal niya. Aawayin ko siya pagdating, makita niya!"




I was walking near the bench when I saw a stem of rose on it. Napakunot ang noo ko, kanino naman kaya iyon? Nilapitan ko ito at kinuha sabay umupo. Baka kay Mommy ito at naiwan. Bigay siguro ng Daddy. Nakakainis nga minsan, ang sweet nila akala mo teenager. Na-inlove daw sila lalo sa isat-isa noong nag-vacay sila na wala ako. Edi wow!




Nasa ganoong pag ngingitngit ako nang makita ko sa gilid ng aking paningin ang bulto ng isang lalake. Lumingon ako at nakita ko si Alvaro na nakatayo sa bukana ng garden at may hawak na isang bungkos ng red roses. Nakangiti pa siya sa akin habang lumakad papalapit.




"Hi Yab, nandito na ako."  Inirapan ko siya. Kahit ang totoo ay pinipigil ko ang ngumiti. Syempre kasi nakauwi na ang Yab ko.




"Ang tagal mo!"  Umupo siya sa tabi ko at saka inabot sa akin ng bungkos ng roses.  "Hmmm… Diba sabi ni Andresito may durian tart?"  Malapit na naman uminit ang ulo ko. Hindi naman kasi roses ang inaasahan ko.




"Mayroon nga. Pero may sasabihin muna ako sa'yo, Yab."  He took my hand and brought it to his lips. Bakit ganito itong lalakeng 'to? May kasalanan kaya siya?!




"Ano ba iyon? Pinapakaba mo ako!"  Dapat hindi ako nai-stress pero nagtataas na ako ng boses.




"Noong una kitang nakita, Yab, inaamin ko na nagandahan kaagad ako sa'yo."  Napangiti naman ako, naaalala ko iyon.  "Pero, hindi kita gusto---"  Marahas kong binawi ang kamay ko. Pastilan na lalake.




She's Hot. He's Cold.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon