CHAPTER 12

459 12 1
                                    

CHAPTER 12



After three months 



ALVARO LUIS



" Hi Sir Bari, Kamusta po? "   Bati ni Ms.Magenta sa akin. Nakaupo ako sa pantry ng Executives Office kasama si Ms.Sierra at Si Ms.Glenda na kumakain. Tea break ngayon at nagdala ako ng durian hopia at pomelo lemon pie. Padala ito ni Nanay, ipinakisuyo niya sa pinsan kong si Andresito na lumuwas.



" Okay naman Ms.Magie, ikaw kamusta? "  Napansin kong parang wala siya sa mood kahit pa nga ipinapakita niyang nakangiti siya.  " Ito oh, ipinagtabi talaga kita ng hopia at pie. Sa'yo iyan. "   Inabot ko sa kaniya ang food container na inihiwalay ko para sa kaniya.



" Salamat Sir. "  ,  Pagkakuha ng ibinigay ko ay tahimik lang siya na kumuha ng bottled water sa ref at nagpaalam nang lalabas. Hindi ako nakatiis kaya't sinundan ko siya.




" Ms.Magie! "  ,  Naabutan ko siya sa may lounge. Napatigil siya at tinignan ako.   " Okay ka lang ba? "   Alam ko kasi na hindi siya maayos. Noong mga nakaraan ay nababalitaan ko kay Sierra na madalas magkatampuhan ang una at ang nobyong si Harrold. Ang totoo ay nakakaramdam ako ng awa kay Magenta. Mabait siya kaya hindi dapag na ganoon ang boyfriend niya. Masyadong seloso si Harrold. Nakaraan nga ay pinuntahan ko si Ms.Magie sa puwesto niya at naabutan ako doon ng Boss, ay nagalit ito. Sinabihan pa nga ako na huwag nang lalapit kay Magenta. Gusto kong manghinayang kung bakit hindi ako nag pursue noon sa babaeng ito. Deserve niya ang mas maunawain na lalake. Hindi naman sa sinasabi ko na ako iyon, pero ganoon na rin iyon.



" O-okay naman sir. Bakit mo naman naitanong? "  Ngumingiti parin siya. Hindi ako mapakali, kung puwede ko lang siyang itakas saglit ay gagawin ko. Ang totoo, nitong mga nakaraan ay na-realize ko na naroon parin ang pagkakagusto ko sa kaniya. Dahil kung hindi ay bakit pa ako dalaw ng dalaw sa GSDC gayong nag-aaral naman ako sa Institute, at gaya ng sabi ni Harrold ay wala naman akong business dito.



" Mukha kasing may problema ka, puwede ka naman magsabi, baka kita matulungan. "   Bahagya lang siyang ngumiti. Hindi nga niya ako nilalapitan. May tamang distansya kami, social distancing yata ang tawag dito. Isa ito sa hinahangaan ko kay Magenta. Hindi siya ang babae na dikit ng dikit sa lalake. Ang tipo niya ay iyong babae na maiiwan mo sa bahay ng wala kang inaalala na papalitan ka o may gagawin na hindi maganda. Talagang napaka-suwerte ng Boss namin sa kaniya.



" Opo naman sir. Okay ako. Huwag na po ninyo ako intindihin. "   Sagot niya, kahit nakikita na hindi naman siya Okay. Oo na, ako na ang pakialamero.



" Hindi ka naman nahihirapan sa trabaho? Baka naman sa personal na bagay? "   Pangungulit ko. Dahil kung magsasabi siya na hindi maganda ang pagtrato ay handa naman akong kausapin si Boss Harrold, nang lalake sa lalake.



" Hindi po sir. Ayos lang po talaga ako. Salamat. "   Ngumiti siya at akmang lalakad na pabalik nang lumabas si Harrold mula sa kaniyang office at nakita kaming magkausap na dalawa. Agad na pinuntahan ni Magenta ang nobyo. Marahil ay iniiwasan na magselos na naman ito.



" Alvaro, what are you still doing here? Didn't I told you to stay away from my Magenta?! "   , Kalmado siya pero alam mong nagtitimpi lang ng galit.



" Boss kinakausap ko lang si Ms. Magie. "  , Malumanay lang din ako. Hindi maganda kung magkakagulo kami rito.



" About what? Huh? "  Bigla ay hinawakan niya sa beywang ang nobya at hinapit.   " You don't have any business in here, why do you keep.on coming here?! "   Nagkakasukatan na kaming dalawa ng tingin. Si Magenta naman ay kinakalma siya.



She's Hot. He's Cold.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon