CHAPTER 33
ALVARO LUIS
Bahagya kong iminulat ang aking mga mata. Mula sa pagkakahimbing ay nagising ako sa mga magagaang na pagyugyog sa aking balikat. Nang lingunin ko ang katabi, sinalubong ako ng magandang mukha ni Rosette na talagang nagpapaawa at nakanguso pa. Alam ko na 'to!
"Anong gusto ng mga baby ko?" Malambing na tanong ko. Pupungas-pungas pa ako nang niyakap niya ako at dumantay sa aking dibdib.
"Yab, gusto ko ng sampalok, iyong candy at saka iyong fresh, iyong hinog." Madali lang naman pala.
"Oh sige Yab, bukas bibili tayo ha." Ngumiti pa ako at hinagkan siya sa pisngi, bigla ay tinignan niya ako. Kaya lang ay unti-unti nang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Gusto ko ngayon na…." Ha? Parang madilim pa eh. Anong oras na ba? Kaagad kong tinignan ang maliit na orasan sa side table at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata. Alas tres ng madaling araw! Saan ako bibili?!
"Yab, kaunting oras na lang ha. Alas tres oh.." Itinuro ko ang orasan. "Di ba madaming momo kapag ganitong oras? Tulog muna tayo ulit." Tinapik-tapik ko pa siya sa braso para mahigang muli.
"Hindi na nga kami makakapaghintay ng anak mo!" Umangat siya at niyugyog na naman ang balikat ko. "Alvaro! Gusto ko nga kumain nun ngayon!" Nako po! Tapos ay nanunubig na ang kaniyang mata. Napabuga ako ng hangin. Medyo challenging pala ang may misis na naglilihi. Kahapon ay pinahanap niya ako ng manggang hilaw, wala naman sanang problema, pero ang gusto niya ay hilaw pero dilaw ang balat. Tawa ng tawa ang Mommy niya nang malaman. Mabuti sinamahan ako ng Daddy niya na maghanap. Ang binili namin ay iyong kalburo na mangga. Madilaw ang balat pero maasim. Noong isang araw naman, ube halaya na kulay puti ang hanap. Napatakbo kami ng Daddy niya sa Baguio para lang doon. Tuwang-tuwa naman iyong mag-asawa sa paglilihi ng Unica Hija nila. Tuloy lagi kaming naka-road trip ng biyenan kong lalake. Close na nga kaming dalawa.
Tatlong linggo na kami dito sa bahay ng mga magulang niya. Nakiusap kasi sila na baka naman puwedeng makasama ang anak nila dahil matagal na silang nagkahiwalay. Nauunawaan ko naman, kaya pumayag ako. Maganda rin iyon para sa mag-ama, dahil unti-unti nang naaayos ang kanilang relasyon.
Ako naman ay ipinaalam ko na sa Nanay at Tatay na magkaka-anak na ako. Laking tuwa nila, lalo na at si Rosette ang ina. Gustong-gusto nila ang nobya ko. Isa pa ay panahon na rin daw na mag pamilya ako at may edad na rin. Pero nakatanggap ako ng pangaral na marami kay Tatay.
"Oh sige, lalabas ako Yab. Hahanap ako ng gusto mo." Hinagkan ko siya sa noo at saka inilapat ang palad sa impis pa niyang tiyan. "Baby, hintay mo lang si Tatay ha. Huwag pahihirapan si Nanay." Nang tignan ko iyong ina, ngiting-ngiti naman.
"Puwede ako sumama Yab?" Napakunot ang noo ko, baka siya matagtag. "Sige na please. Hindi na ako maka hintay eh." Nako po, ni hindi ko pa nga alam saan bibili.
"Malamig Yab, mahamog pa----"
"Magja-jacket naman na may hood! Sasama nga ako!" Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Takot ko lang! Parang bagong anak na tigre ito kapag naiinis eh. Madalas niya pa naman kaming mapagdiskitahan ng Daddy niya. Ultimo ang pabango ko nga ay ayaw niya. Panay tuloy ang paligo ko.
"Oh Sige na, halika na. Magbihis na Yab." Kaagad naman siyang tumayo at nagsuot lang ng jacket. Ganoon na lang din ang ginawa ko, madaling araw pa naman at walang masyadong tao.
BINABASA MO ANG
She's Hot. He's Cold.
Romansa**STORY COMPLETED** Do opposites really attract? How far can you get just to be loved? Note: READ AT YOUR OWN RISK. MEDYO MAHALAY PO ITO. The story has some parts with mature content. The author is not a professional writter, expect typographical an...