EPILOGUE
ALVARO LUIS
Minamasdan ko ang aking misis na papalapit sa akin. Napakaganda pa rin niya. Walang kasing ganda,hindi kumukupas. Kaagad ko siyang sinalubong para alalayan. Malaking-malaki na ang tiyan niya, kabuwanan na niya ngayon at any moment lalabas na ang baby namin.
"Napirmahan mo na lahat ng kailangan nila Yab?" Tanong ko sa kaniya nang makasakay kami sa kotse. Naka-leave na talaga si Rosette sa trabaho bilang manager ng Mueblez, may mga kinailangan lang siyang pirmahan kaya inihatid ko rito kanina. Matapos ang honeymoon namin noon ay pinabalik na kasi siya ni Ninang Darian sa trabahong ito.
"Yes Yab, para wala na akong iintindihin. But I told them magsabi lang sa akin or sa'yo if ever may kailangan." Tumango ako, tapos ay nagsimula nang magmaneho.
"Saan mo gusto kumain?" Gaya ng dati ay suki siyang pinapakain ni Nanay, kung hindi naman ay nagluluto kami sa bahay. Sabi ko naman, ngayong araw ay kumain kami sa labas.
"Yab, gusto ko sa kubo. Baka puwede tayo mag sleep doon." Nakanguso pa siya habang tila nakikiusap. Palagi niyang binabanggit na nami-miss na niya ang maliit na kubo namin sa loob ng Alondra. Ang totoo ay gusto niyang doon kami tumira, pero hindi ako pumayag. Ayaw ko namang doon itira ang asawa ko, buntis pa naman. Ang ginawa ko ay kumuha ako ng rent-to-own na town house malapit lang sa bahay nila Nanay. Ayaw pa nga ni Rosette dahil may bahay naman daw kami sa isla. Ang layo-layo noon, at tuwing may bakante lang kami sa trabaho nakakadalaw. Madalas ay noong maliit pa ang tiyan ni misis. Lately ay hindi na, delikado bumyahe. Ang madalas doon ay ang parents ni Rosette.
"Hindi puwede Yab, baka mamaya abutan ka na ng paghilab ng tiyan doon." Napasimangot siya at saka humalukipkip. Lalo tuloy napansin ang malaki niyang tiyan.
"Nakakainis ka! Naiinggit na ako kay Mommy at Daddy, enjoy sila sa Island life sa bahay natin sa Isla. Akala nila si Eba at si Adan sila!" Natawa ako sa sinasabi niya. Totoo kasing nagustuhan ng parents niya doon. Madaming papuri ang natanggap ko mula kay Daddy Edo dahil daw napaka-sustainable ng bagay na ginawa ko sa lupain na iyon. Mabubuhay ka raw kahit na walang masyadong gagastusin.
"Babawi na lang tayo pagkapanganak mo, Yab. Huwag ka nang magtampo." Mas lalo lang siyang sumimangot. Hinaplos ko ang tuhod niya para sana kumalma siya, na hindi naman tumalab.
"Eh Yab, sige kung ayaw mo mag sleep sa kubo, i-séx mo na lang ako mamaya pag-uwi." Halos mapa-preno ako ng malakas sa sinabi niya.
"An--bakit?!" Napatitig siya sa akin na parang hindi makapaniwala.
"Anong bakit?! Eh sa gusto ko nga na mag séx tayo! Alvi! Almost two weeks na mula noong huli! Ano ka ba!" Parang frustrated na frustrated siya.
"Nakakatakot nga kasi Yab. Kaunting tiis na lang naman." Sinabihan naman kami na maaari pang gawin iyon ngayong malapit na siyang manganak. Kaya lang ay may mga posisyon lang na dapat sundin. Sinubukan naman namin, kaya lang ay natatakot ako. Para kasing napaka-sensitibo ng tiyan ng asawa ko at baka mapaano silang mag-ina. Pakiramdam ko din kasi kapag naroon sa loob ang akin ay natatamaan ang anak ko. Iniisip ko, ilang buwan lang naman kaming magtitiis, pagkapanganak niya, papahinga saglit tapos puwede na.
"Pauso ka naman kasi Yab! Hindi mo nga matatamaan ang baby!" Nakakunyapit siya sa braso ko at parang yagit na nagmamakaawa.
"Yab, inaalala ko lang kayo ni baby. Ayaw ko lang kayo mapahamak. Kaya ko pang magtiis." Binitawan niyang bigla ang braso ko at saka umayos ng upo at tumingin na lamang sa labas. Napahinga ako ng malalim. "Tiis muna tayo ha, babawi na lang tayo pagkalabas ng anak natin. Promise." Sabi ko na lang sa kaniya kahit na nga hindi naman niya ako pinansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/226620250-288-k646389.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Hot. He's Cold.
Romance**STORY COMPLETED** Do opposites really attract? How far can you get just to be loved? Note: READ AT YOUR OWN RISK. MEDYO MAHALAY PO ITO. The story has some parts with mature content. The author is not a professional writter, expect typographical an...