CHAPTER 24
RITA ROSETTE
"OKAY na po ang lasa Nay." Alvaro's Mom, Nanay Lydia was asking me if her bulalo soup needed more salt. Nasa harapan ko siya at kasusubo lang sa akin ng isang kutsara noong sabaw. She smiled when I giggled, kasi ang sarap ng luto niya. Well, palagi naman.
"Nako Artwo,baka tumaba ka na rito. Pakain ng pakain si Nanay eh." Bati ni Ate Lyndi, Alvaro's Sister. Actually nararamdaman ko nga na medyo nagkakalaman ako. Sa ilang weeks na bang lagi akong narito sa bahay nila tuwing wala kaming work ni Alvi. Tapos puro kain ang ginagawa dahil masarap magluto si Nanay niya.
"Eh ano naman,maganda parin iyan kahit lumaki na gaya mo Ate." Kapapasok lang ng guwapong boylet ko sa kusina kasama ang big girl na si Libay.
"Oh sige ipaglakasan mo pang malaki ako!" Natawa ako kasi hinampas niya si Alvaro ng pot holder sa mukha.
"Oh saan na naman galing iyang korona niyang bata na iyan?" , Nanay Lydia.
"Bigay ni Tita Artwo po Lala. Ang ganda diba? Thank you ulit Tita Artwo." Yumakap pa sa beywang ko si Libay. I just fancy this pretty girl. Malambing kasi ang pamangkin ni Alvaro, at saka walang bata sa amin or kahit sa mga friends ko na family so nasabik ako sa bagets.
"You're welcome baby." I smiled at her and combed her hair with my fingers.
"Ayun..mabuti pa si Libay, baby ng Tita Artwo, iyong Uncle kasi ay chope!" Pagbibiro pa ni Ate Lyndi bago lumabas ng kusina. Nag make-face lang naman si Alvaro.
"Tita Artwo ano po 'yong chope?" Hmmm.. how do I explain that to a young girl?
"Edi iyang Uncle Bari mo. Chope." Singit ng Nanay Lydia niya. Natawa kami samantalang si Bari ay kakamot-kamot ng batok.
"Artwo, Hija sumama ka na riyan sa lalakeng iyan. Ibabalot ko na itong mga babaunin ninyo at ilalabas ko na roon. Hala sige na." Wala na akong nagawa, gusto ko sana tumulong sa pag-aayos. Kaya lang hinawakan na ako sa magkabilang braso ni Alvi at hinila palabas ng kusina.
"Tita Artwo,Huwag ninyo ako iwan ha. Sasabi kasi ni Uncle,iwan na daw ako." Medyo malungkot pa ang boses ng bata. Marahas akong lumingon sa lalakeng nakangisi sa tabi ko.
"Sabi niya iyon Libay?!" Hinawakan ko ang bata sa kamay. Tumango naman siya sa tanong ko. "Oh don't worry, kasama ka namin tapos hindi natin masyadong bati si Uncle mo." I rolled my eyes at Alvaro.
"Sus nagbibiro lang eh." Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa salas ng bahay. "Gusto lang kita masolo." Bulong na lang iyong huling sinabi pero narinig ko iyon. Hindi na lang ako kumibo kasi…. kinikilig ako.
I pulled Libay to sit with me on the couch. Narito na kasi iyong bags namin na dadalhin para sa swimming. Pamalit na damit lang naman ang dala namin, kaunti lang. Ang marami lang ay foods. Nagyaya kasi si Alvaro na dadalhin niya ako sa batis na sakop mismo ng hacienda. At first I thought kasama ang buong family niya, then kanina sabi nila kami lang pala. Pero nalaman ni Libay kaya sasama siya. Nakakatawa ang mukha ni Alvaro kanina when he saw Libay's bag at ready na ang bata na sumama.
I feel at home with Alvaro's family. Mababait sila at malambing, just like this guy. Ang bahay nila ay di naman kalayuan sa Alondra. Infairness naman, simple ang house nila pero maganda. Two-storey ito at may four bedrooms sa itaas. Tapos malaki ang garden sa likod, may mini fish pond pa nga. Kaya palagi kaming nakatambay ni Alvaro rito. Weekends lang din naman nakakapag'stay dito ang mga anak ng matatanda. Sila Ate Lyndi ay may sariling bahay. Sa Alondra ay may kubo si Alvi na tinutuluyan. Para kapag may emergency sa hacienda ay madali siyang mapuntahan. Although nakita ko na iyong kubo ay hindi pa ako nakakapasok. Hindi naman kasi ako niyayaya. Hehe. Baka next time.
![](https://img.wattpad.com/cover/226620250-288-k646389.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Hot. He's Cold.
Romance**STORY COMPLETED** Do opposites really attract? How far can you get just to be loved? Note: READ AT YOUR OWN RISK. MEDYO MAHALAY PO ITO. The story has some parts with mature content. The author is not a professional writter, expect typographical an...