CHAPTER 35

547 10 3
                                    

I dedicate this chapter to janer18 , I know you were the one who messaged me on IG. Thanks Habibi. 😘

CHAPTER 35





Two months later…




ALVARO LUIS


ALVARO LUIS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



NAKANGITI ako sa langit, tinitingala ko ang mga nagdaraang ulap. Napapikit ako at umusal ng dalangin. Para sa Diyos na puno ng pagpapala, sa Ginoo na nagbigay ng pinakamagandang biyaya. Salamat po sa kabiyak ng puso ko.




"Bari, sigurado ka bang hindi ka tatakbuhan ni Artwo?!"  Napalingon ako mula sa magandang pagmo-moment nang lapitan ako ni Andresito at ni Kuya Romano. Nang-aasar na naman itong pinsan ko at tatawa-tawa naman ang bayaw ko.




"Bakit naman hindi niya ako sisiputin?!"  Kunot na kunot na ang noo ko. Hindi ko kasi maiwasan ang kabahan. Huli ko kasing nakita at nakausap si Rosette ay noong isang araw pa. Sumusunod kasi sa pamahiin ang mga magulang namin. Kaya kahit na may laman na iyong tiyan ng bride ko ay hindi kami magkikita at mag-uusap bago ang kasal.




"Nako Sito, huwag mo nang biruin si Bari. Kita mo nga at namutla kaagad."  Segunda ni Kuya Romano. Sinong hindi mamumutla? Buong Alondra ay alam na kasal ko. Dito mismo sa hacienda ang kasal. Maayos na ang lahat, tapos hindi dadating ang bride? Hindi maaari!




"Huwag kang ano Sito! Kapag ikaw ang ikinasal, makita mo!"  Tatawa-tawa lang ang pinsan ko. Naturingan na bestman ,nangunguna sa pang-iinis.




Sa halip na mabugnot pang lalo ay ibinaling ko ang aking pansin sa magandang outdoor wedding set-up na kinaroroonan namin. Punong-puno ng bulaklak, gaya ng gusto ng magiging asawa ko. Halos lahat ng bagay sa kasal na ito ay rush. Kasi nga lumalaki na ang tiyan ni Rosette. Laking pasasalamat ko na maayos naman ang lahat dahil todo asikaso ang mga magulang namin. Isali mo pa ang mga kaibigan at kakilala.



 Isali mo pa ang mga kaibigan at kakilala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Alvaro."  Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Boss Harrold pala ,kasama iyong magkapatid na Grant at Ran.  Nilapitan nila ako at nakipagkamay isa-isa.  "Nauna ka pang ikasal sa akin!"  Napatawa naman ako. Ikakasal na rin kasi sila ni Magenta. Dito sa Alondra nag-propose ang boss namin sa nobya niya.




She's Hot. He's Cold.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon