Khaleesi's POV
Matapos kong kuhanin sa locker ang ilang gamit ko ay sabay na kaming naglakad ulit ni Nolan papunta sa classroom na aattendan namin. Parehas kaming may kaugnayan sa organisasyon at ang Boss namin ay si Silent Snake. Ngunit walang nakakaalam na kahit sino dito kung sino talaga kami. Takot lang talaga sila sa'kin dahil sa kulay ng mata ko.
Inubos ko na ang ice cream na nasa tasang binigay niya sa'kin at matapos 'yon ay pinatong ko na lamang sa isang tabi.
“Yung dumaan sa harap natin kanina, I heard he's the new teacher here. Siya yata yung pumalit do'n sa pumanaw na teacher.” biglang sabi ni Nolan.
Nagkibit balikat lamang ko. “I don't think so. Wala din akong paki.” malamig kong tugon.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. “Tsk! Sabi ko nga wala kang paki.” sabi niya.
“Tss. How's the Psycho Desperados?” I asked instead.
'Yon ang pangalan ng organisasyon na meron kami. Maliit lamang 'yon at walang nakakaalam na nag-eexist 'yon sa mundong ito. But someday, lalaki din ang mundong 'yon.
“Still fine. Everyone is looking for you lalo na si Silent Snake. You have missed so many missions and that made Silent Snake mad. Ang galing mo naman kasing magtago. Saan ka ba talaga nagpunta, Khal? And.. bakit mo ba kasi tinatakasan si Silent Snake?” mahinang tanong niya.
Walang pwedeng makarinig sa anumang usapan namin tungkol sa Psycho Desperados.
Sinukbit ko lamang ang bag ko at pinagkrus ang braso ko. “You don't have to know. Now that I'm here, I'm gonna do my missions.” sagot ko.
Narinig ko naman ang pagpapadyak-padyak niya na parang bata kaya naman nakataas ang isa kong kilay na nilingon siya. He just pouted. Tss. What is his problem? Damn.
“Kaibigan ba talaga ang turing mo sa'kin, Khaleesi? Kahit minsan lang, hindi mo man lang sinasabi sa'kin kung anong plano mo. You know that I'm always on your side. I'm getting hurt..” sabi niya at may pahawak pa sa dibdib niya.
Ilang segundo ko siyang tinignan bago basta na lamang tinalikuran. “Tsk!” singhal ko.
‘I don't trust anyone. Even you, Nolan.’
Siya lang naman itong makulit at gustong maging kaibigan ako. I don't feel anything. Kung ano man ang mga pinaggagagawa ko, tanging ako lang ang nakakaalam nun. As I said, don't dare to know me because if you get to know all of me, you'll die.
“Tss. Pasalamat ka na lang talaga at... Psh! Nevermind, Khaleesi also known as Mad Hawk. I don't know what you're thinking right now because I can't even read that red eyes of yours. Tsk! Basta tandaan mo, nandito lang talaga ako sa tabi mo kahit anong mangyari. I love you, my best friend!” sabi niya habang nasa likuran ko.
Napangisi na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. “You're too noisy, Nolan. Can you just shut your mouth?” malamig kong tanong.
Poor Nolan. He's always there for me pero ako, hindi ganun. I only care about myself. Kahit gaano mo pa pagtiyagaan ang tiwala ko, hindi mo ito makukuha kahit sa isang iglap lang. As I said, I only care about myself and I only trust myself. I don't care kung ano man ang mangyayari sa mga taong napapaligiran ko. Hindi lang mata ko ang demonyo kundi ang buong pagkatao ko.
Tinignan ko ang oras sa relo ko. 30 minutes na pala kaming late ni Nolan. But who cares? Even the teachers are scared of me. Wala silang magagawa kung late man kami. Si Nolan nga lang yata ang hindi takot sa'kin because from the start, he already know me. But not all part of me.
![](https://img.wattpad.com/cover/227979828-288-k249262.jpg)
BINABASA MO ANG
Imperfect Love (Love Series #1)
Любовные романыZachary Claridad | Khaleesi Navarro Pinasok ko ang paaralang ito upang hanapin ang taong pumatay sa ate ko. Alam kong nandito lang siya, nagtatago. Oras na makita ko siya, wala na akong sasayanging oras pa at gagawin ko din sa kaniya ang ginawa niya...