Khaleesi's POV
Mulat na mulat ang mata ko na hindi makapaniwala sa nangyayari. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Parang anumang oras ay babagsak ako. Hindi ko ito inaasahan. This is not just touch. He's actually kissing me. I can feel that. Ramdam ko 'yong diin ng halik niya. I should push him away... Fuck..
“Hey, Mister.”
Napalunok na lang ako nang marinig ang pagtawag ng isa sa mga pumasok sa elevator. Sa nakalipas na segundo ay doon lang pinakawalan ni Zach ang labi ko pero nananatiling nakatago ang mukha ko sa braso niya. Hindi ko na nagawang tignan siya hanggang sa nilingon niya ang tumawag.
“What the fuck?! Can't you see?! I'm making out with my girlfriend!” sigaw nito dito.
“I'm sorry for disturbance, Mister. We just wanna ask if you saw someone suspicious.” sagot naman noong isa.
“How could I see that? As I said, I'm making out with my girlfriend! Psh! Hijo de puta!” singhal na naman niya bago ako nilingon. “Let's go, Babe.” sabi niya at inakbayan ako.
“We're sorry again but both of you should do that kind of thing in a right room. Not in the elevator.”
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Nananatili pa ring nakatago ang mukha kong may maskara sa braso niya at tuluyan na kaming lumabas ng elevator. Doon ay bumilis ang lakad namin hanggang makalabas ng hotel na 'yon.
‘Fuck! We escaped!’
Marahan ang pinakawalan kong paghinga bago ako tuluyang pinakawalan ni Zach. Pero hinawakan naman niya ang kamay ko nang mahigpit at hinila kung saan man kami patungo. Doon ay naalala ko na naman ang nangyari kanina sa elevator. Gusto ko siyang singhalan pero parang walang boses na lumalabas mula sa bibig ko. Damn it! He damn kissed me.. torridly!
Habang hinihila naman niya ako ay tumingin ako sa likuran namin para siguraduhin kung may nakasunod sa'min. Buti naman ay wala. Marahas akong napabuga ng hangin. Tuloy lang kami sa paglalakad-takbo hanggang sa pumara kami ng masasakyan. Agad naman kaming nakasakay.
Natulala ako sa labas ng bintana. Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa kamay ko kaya nabibigla ko siyang nilingon.
“Hey, are you okay?” tanong niya sa'kin.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang 'yon dahil napatingin na lang ako sa kabuuan ng mukha niya. And then I suddenly remember the kiss. Damn it! Napaiwas na lang ako ng tingin at ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot.
“Yeah..” sabi ko.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Pero kahit gano'n ay ramdam ko ang tingin niya sa'kin. Pilit ko na lang 'yong binalewala. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa destinasyon namin.
“Gracias.” sabi niya bago kami tuluyang bumaba.
Nagtungo na kami sa paroroonan namin. Ilang masusukal na gubat ang tinungo namin bago kami makarating sa abandonadong gusali kung saan nandoon ang daan patungong underground.
---
Naupo ako sa isang sofa at mariin na pinikit ang mata ko. Sinandal ko ang ulo ko.
‘Mission accomplished..’
Napangisi ako sa loob-loob ko. How come he's the 5th rank? Ang dali niyang maloko. Gano'n talaga siguro kapag mahilig sa mga babae. Psh!
“You must be tired. Want a coffee?”
![](https://img.wattpad.com/cover/227979828-288-k249262.jpg)
BINABASA MO ANG
Imperfect Love (Love Series #1)
RomanceZachary Claridad | Khaleesi Navarro Pinasok ko ang paaralang ito upang hanapin ang taong pumatay sa ate ko. Alam kong nandito lang siya, nagtatago. Oras na makita ko siya, wala na akong sasayanging oras pa at gagawin ko din sa kaniya ang ginawa niya...