Nolan's POV
Habang naglalakad ako at nasa likuran ako ni Deep Shadow ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko makalimutan ang labanan nilang dalawa ni Dark Knight, or I should say, Sir Zach. Kapag galit si Khaleesi, wala halos makapigil sa galit niya. Kahit siya mismo ay hindi makontrol ang sarili niya. Yes, I did stop her from almost killing our 'kagrupo' sa Psycho Desperados. Pero that didn't mean na wala na ulit siyang gagawin. Kagaya na lang din noong nangyari no'ng dumating na si Sir Zach. She even challenged him to have a sword fights but it ended up.. he hugged Deep Shadow.
Hindi ako makapaniwala na matapos ang nakalipas na mga minuto ay natigil lang ang paglalaban dahil sa pagyakap niya dito. Nalaman ko na sa mga sandaling 'yon ay napigilan niya si Deep Shadow. Napakalma niya ito. He calmed her... Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko.
As I looked at her from the back, I can see that she's really changing because of him. Unti-unti ng natutunaw ang yelo niyang puso dahil doon. I felt happy because of that. However, I wonder what if he finds out the truth? That the one who killed his sister was Khaleesi.. That's what I told her before. Noong mga oras na nag-imbestiga ako tungkol kina Sir Zach at Miss Matilda.
Tumikhim ako at pinantayan siya maglakad. “How's your feeling, Khal? Hindi ka na ba galit? Okay ka na ba?” nakangiting tanong ko dito gaya ng palagi kong ginagawa.
“I'm fine.” malamig na sagot niya.
Hinawakan ko naman ang strap ng bag ko at nagsalita ulit. “Grabe 'yong nangyari kagabi. Hindi ko inaasahan na mapapakalma ka niya despite your anger. I'm starting to feel strange because of that..” sabi ko at nagkibit balikat na lamang.
Dahil doon ay nilingon niya ako habang naglalakad kami. “He had never calmed me, Nolan. I calmed myself. Shut that fucking mouth of yours..” sabi niya at umuna ng paglalakad.
Marahan naman ang huminga at sinundan na lang ulit siya maglakad. Hindi na lang ulit ako nagsalita. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Lampas 12 na ng tanghali. I haven't eaten lunch. I wanna eat with her kaya lang hindi naman siya kakain. Maliban na lang kung nandito si Sir Zach.
‘Speaking of him, nasaan kaya 'yon? Hindi ba dapat ay nandito siya para pakainin si Khal?’
Yayayain ko na sana si Khal sa cafeteria nang may bigla namang tumapik sa balikat ko. Napatingin ako doon at napaawang ang labi ko nang makitang si Sir Zach ito. Ngumiti siya sa'kin bago nagpunta kay Khal. Nananatili namang nakaawang ang bibig ko at sinundan siya ng tingin.
‘Para lang siyang estudyante. The fuck!’
“Where have you been since yesterday? Nag-alala ako nang sobra. Sorry kung nakalimutan kong puntahan ka kahapon. Ang dami ko lang nagawa kaya hindi ko namalayan ang oras.” paliwanag nito kay Khaleesi.
“As if I care. Do whatever you want. Tss.” malamig naman na sagot ni Khal.
“But where have you been yesterday? Bakit ka nagcutting classes? Bakit mo naman ako pinag-alala nang ganito, Khaleesi? You know, you should have come to my office.” mahinahon na sabi ni Sir.
Dahil doon ay napatigil naman sa paglalakad si Khaleesi at hinarap ang guro. Ako naman ay napatigil din at napatingin na lang sa dalawang magkaharap. Tila ba ako na naman ang saksi sa sagutan nilang dalawa. Damn..
“Pwede ba? Huwag mo akong itrato na parang bata. I can take care of myself. I don't need you, Sir Zach. Whatever you do is not my concern anymore!” tugon niya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/227979828-288-k249262.jpg)
BINABASA MO ANG
Imperfect Love (Love Series #1)
RomanceZachary Claridad | Khaleesi Navarro Pinasok ko ang paaralang ito upang hanapin ang taong pumatay sa ate ko. Alam kong nandito lang siya, nagtatago. Oras na makita ko siya, wala na akong sasayanging oras pa at gagawin ko din sa kaniya ang ginawa niya...