06 - CONCERN

65 7 1
                                    

Zachary's POV

“Goodbye, class.” sabi ko sa mga estudyante ko nang matapos na ang klase ko.

Tumayo naman sila at nagpaalam din sa'kin. Umuna na akong palabas at kasunod ko naman sila. Tumigil muna ako sa tapat ng pinto para tignan siya. Siya ang kahuli-hulihang lumabas. May munting ngiti naman na kumurba sa labi ko. Psh.

Napatingin siya sa'kin at walang pinagbago, blangko pa rin ang kulay pula niyang mata. Pero napakunot noo na lamang ako nang makita ang pamumutla ng mukha niya.

“Khaleesi..” tawag ko sa kaniya.

“Ano na naman? Please, stop bothering me. I'm annoyed..” malamig pero halatang inis na sabi niya sakin.

Napalabi naman ako dahil doon. “I just wanna ask if you're okay. You look pale..” sagot ko.

Inirapan lang niya ako. “I'm perfectly fine. Pwede ba, umakto ka nang naaayon sa trabaho mo?” tanong niya at tinalikuran na ako.

I sighed. Napailing na lamang ako. Umakto daw ako ng naaayon sa trabaho ko. Siya nga ay hindi umaakto ng naaayon sa katayuan niya. Tsk!

Sinundan ko siya ng tingin para siguraduhin kung ayos nga lang siya. Hindi ko lang maiwasang mag-alala. Dapat nga ay hindi ko nararamdaman ito pero ito talaga eh. Namumutla talaga ang mukha niya. Bagsak na bagsak din ang mata niya. Kanina nga habang nagkaklase ako ay out of place siya. Though lagi naman siyang ganoon. Tsk.

‘May sakit ba siya?’

Tatalikod na sana ako nang makita ko ang pagbagsak niya sa sahig.

“Khaleesi!” napalakas na sabi ko at tinakbo ang pagitan namin.

Doon ko nakitang wala siyang malay. Napalunok na lang ako. Damn it! Marahas akong napabuga ng hangin at binuhat siya. Matapos yun ay mabilis akong naglakad patungo sa infirmary habang buhat-buhat siya.

“Damn it! What happened to you, Khal?” nag-aalala kong tanong.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa infirmary. Sakto naman nandoon ang isang nurse.

“Miss, help her, please.” sabi ko at inihiga siya sa bakanteng higaan.

“What happened to her?” tanong niya.

“S-She f-fainted. N-Namumutla din siya. I d-don't know.” sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nauutal ng ganito. Napaupo na lang ako sa upuan habang sinusuri siya ng nurse. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang malamig. Sa totoo lang ay kahapon pa. Kahapon pa siyang ganiyan. Tsk!

Matapos ng ilang pagsusuri ay pumunta naman sa'kin ang nurse. Tumayo ako.

“Sir, base sa mga test ko, over fatigue ang nangyari sa kaniya that's why she lost her consciousness. She needs to rest for now. At base na rin sa test ko kaya siya namumutla, ay dahil kulang siya sa pagkain. Maybe nalilipasan ng gutom.” sabi nito sa'kin.

Natigilan naman ako dahil doon. Kahapon pa siyang namumutla. Noong isang araw, kita pa ang mga pasa niya sa mukha. Hindi kaya.. kahapon pa siyang hindi kumakain? Tsk! Damn.

“Thank you, Miss. I'll take care of her..” sagot ko.

“Are you sure, Sir? Baka may klase ka pa? Tsaka kaya ko naman bantayan si Ms. Navarro even she has a creepy eyes..” sabi niya at pilit na ngumiti sa'kin.

Tumango na lang ako. “No, I can take care of her. Mahahabol ko naman 'yong topics na mai-skip ngayon eh.” sagot ko at lumapit na kay Khaleesi.

Imperfect Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon