Khaleesi's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayong nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay natulala na lang ako sa sobrang gulat. Ramdam ko ang pangingibabaw na naman ng luha ko. Napaatras na naman ako habang nakatingin sa kaniya.
“I-Ikaw si S-Silent Snake..” halos pabulong ko ng sabi.
Hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ko inaakalang siya iyon. Wala man lang akong clue na siya nga. I've never seen her face since I joined this guild. At ngayon ay hindi talaga ako makapaniwala. But aside from that, why did she kill Nolan? At bakit sinabi din ni Nolan si Tobias?
Nolan probably had to say something about those two pero napigilan iyon. Pinatay niya si Nolan...
Kapagkuwan ay unti-unti kong naikuyom ang kamao ko at masamang tumingin sa kaniya. Whoever she is, pagbabayaran niya ang ginawa niya kay Nolan..
“What did you do to Nolan?” matigas kong tanong.
She just smirked. “Are you shocked that I'm Silent Snake, Ms. Navarro or Deep Shadow?” tanong niya. “Well, I killed him...” sagot niya.
Dahil doon ay mas lalo kong kinuyom ang kamao ko. Naging malalim ang paghinga ko. Pinipigilan ko pa lang ngayon na sugudin siya...
“Why did you kill him? Are you out of your mind?” madiin kong tanong dito.
Ngunit imbis na sagutin 'yon ay mala-demonyo lang siyang tumawa. Sa lakas no'n ay mabibingi na siguro ako. Nanatili lamang akong nakatayo dito habang galit na nakatingin sa kaniya. Whatever her reason is, I will kill her after that.
Nakangisi lang na tumingin ulit siya sa'kin bago iiling-iling. “I thought you don't care about others. But it turns out.. you really care... How weak?” she said.
Dahil doon sa sinabi niyang yun ay napatiim bagang na lamang ako. Agad kong nilapitan siya at nilabas ang espada ko. Tinutok ko 'yon sa mukha niya at napaatras naman siya. Galit na galit akong tumingin sa kaniya.
“Damn you, Deep Shadow. Naubos na ba agad ang pasensya mo? Don't you want to hear my explanation first? Kasi sigurado naman akong ito na ang huling gabi mo sa mundong ito.”
Natigilan ako saglit doon pero hindi ako nagpaapekto. “Nagkakamali ka. Ikaw ang siguradong mamamatay sa'tin ngayong gabi.” matigas kong sabi sa kaniya.
Mapakla na lamang siyang natawa. Mahigpit kong hawak ang espada ko at nananatiling nakatutok sa kaniya ngunit sa isang iglap lang ay nawala na siya sa harap ko. Agad ko naman siyang nilingon sa likuran ko at ngayon ay hawak na rin niya ang espada niyang may lason. Nakangisi at parang baliw siyang nakatingin sa'kin. Ngunit nananatili pa ring galit ako. Winasiwas ko ang espada ko at akmang susugudin na sana siya pero nagsalita siya.
“Wait! Hindi ako ang papatay sayo, Khaleesi. Kaya hinay-hinay ka lang. Kaysa naman sugudin mo ako, magkwentuhan muna tayo, 'no? Para naman may memorya ka ngayong gabi sa sandaling mamatay ka na.. What do you think?”
Lalo na lamang akong napatiim bagang. “You're crazy..” komento ko.
Tumawa lamang siya. “I know, Khaleesi. And it's your fault. Do you wanna know why I killed Steel Hunter? Why? How does it feel to lose someone important to you, huh? Masakit ba? You deserve that Khaleesi.” she said then smirked. “I killed him because he had something to tell you. I stopped him. Makakasira lang kasi siya sa magandang plano ko. Hindi naman dapat siya madadamay kung hindi niya kami narinig ni Tobias na nag-uusap. But I know he's important to you so he deserves to die. And you deserve to lose someone important to you. Masakit, diba? Huwag kang mag-alala. Ganiyan din naman 'yong pinaramdam mo sa'kin. Binabalik ko lang sa'yo.” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love (Love Series #1)
RomanceZachary Claridad | Khaleesi Navarro Pinasok ko ang paaralang ito upang hanapin ang taong pumatay sa ate ko. Alam kong nandito lang siya, nagtatago. Oras na makita ko siya, wala na akong sasayanging oras pa at gagawin ko din sa kaniya ang ginawa niya...