04 - ENCOUNTER

57 6 0
                                    

Khaleesi's POV

“Exactly 10:00 pm, dapat nakuha mo na ang pinakukuha ko sayo.”

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko, it's exactly 9:00 pm. Nandito ako sa bubong ng opisina ni Tobias Garrido. Sa totoo lang ay kanina pa akong alas-siyete nandito. Dapat nga ay kanina ko pang nagawa ang balak ko pero hindi ko muna ginawa. Humiga lamang ako at tinignan ang madilim na kalangitan. Tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag dito. Malalim akong napahinga. Tss.

Tinignan ko ulit ang oras sa relo ko, it's already 9:10 pm. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at nilibot ang paningin sa paligid. Kahit walang tao sa paaralang ito ay bukas ang mga ilaw sa hallway. Lalo na ang pagpasok dito sa opisina. Tahimik akong tumalon mula dito sa itaas.

Wala ng katao-tao sa paligid kaya naman kahit maliwanag sa tapat ng pinto ng opisinang 'yon ay do'n ako dumaan. Matindi ang pagkakalock nito. Halatang may tinatago ngang yaman pero sisiw lamang sa'kin at nabuksan ko agad 'yon. Tahimik lang akong pumasok doon. Madilim ang paligid ng opisina. Hindi ko na rin inabala pang buksan ang ilaw para doble ingat.

I already know where is that jar located. Bago ako nagpunta rito ay pinag-aralan ko na ang paligid ng opisina ng Tobias na iyon. Kaya naman dumeretso na ako kung nasaan nga ito at kahit madilim ay tumambad sakin ang metal na cabinet. Hindi ito basta-basta mabubuksan dahil kailangan ng fingerprint ng may ari.

“Tss.” mahinang singhal ko at inumpisahang kutintingin ito gamit ang kaalaman ko.

Makalipas ang ilang segundo ay natigilan na lang ako sa ginagawa ko nang may maramdaman akong nasa likuran ko. Napalunok ako lalo na nang maramdaman ko ang espadang nakatutok sa'kin.

“Who are you?”

Mas lalo na lamang akong natigilan nang marinig ang boses na 'yon. Nanlaki ang mata ko. That voice! Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses niyang 'yon. Fuck! No way...

‘Anong ginagawa niya rito?’

Zachary's POV

Lumabas na ako sa library nang wala naman akong nahagilap na kung ano doon. May posibilidad na nakatago sa isa sa mga kwartong ito dito sa paaralang ito ang impormasyon na maaaring may kaugnayan sa pagkamatay ng kapatid ko.

Tsk! Inayos ko ang takip sa mukha ko at ang lagay ng espada ko sa gilid ko. Nagsimula na akong maglakad.

‘How about in Tobias' office?’

Yeah, right. Tama. Karamihan ng mga dokumento ay nandun din. It's not that I don't trust Tobias, but honestly, I don't really trust everyone here in X.U. Sinasabi ko nga, maaaring isa sa mga tao dito kung sino ang pumatay sa Ate ko. Maybe student, o kaya naman ay isa sa mga teacher dito. But as of now, wala akong nakikitang kahina-hinala sa bawat isa.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa matigilan ako dahil sa nakita kong bulto ng tao na pumasok sa opisina ni Tobias. Napakunot noo na lamang ako. Sigurado ako sa nakita ko. Hindi ako namamalik mata.

Nagtiim bagang ako at tahimik pero mabilis na tumakbo papunta doon.

‘Sabi na nga ba at hindi ako nag-iisa ngayong gabi.’

Tahimik akong nakapasok doon sa opisinang ito at nilabas ang espada ko. Madilim man ang paligid ngunit may konting liwanag pa rin na nanggagaling sa buwan. Ramdam kong natigilan siya pero nakatutok lamang ang mata ko sa likod niya. Kung saan nandoon ang tattoo niya.

Psycho Desperados ~ Deep Shadow

Napakunot noo na lamang ako dahil sa pangalan na yun. What's that? Who's this? At anong ginagawa niya dito?

Imperfect Love (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon