Tobias Garrido's POV
Nakaupo lamang ako dito sa upuan ko dito sa opisina habang masuyong pinupunasan ang banga ko. Hindi maalis ang kislap ng mata ko habang nakatingin dito. Ito ang nagbigay sa'kin ng swerte. I really love this fucking jar. It worths $10 000 000. Ito ang yaman ko at hindi ko hinahayaan na hawakan ito ng iba. Tsk! Walang sinuman ang nakakaalam na mayroon ako nito. Tanging ako lang.
Matapos kong punasan 'yon nang maigi ay tumayo na ako at maayos na binuhat ito. Dumeretso ako sa isang metal na cabinet at binuksan 'yon. Nilagay ko naman doon ang banga bago isara.
Matapos ulit 'yon ay lumabas na ako ng opisina upang maglibot dito sa X.U. Natigil lang ako sa paglalakad nang may makasalubong akong babae. Agad na tumaas ang sulok ng labi ko nang makita ang kulay ng mata nito.
“Student?” tanong ko.
Walang emosyon naman siyang tumingin sa'kin. “Yes. Excuse me.” sabi nito at nilagpasan na ako.
Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay sinundan ko siya at tinawag. I think I know her. Base na lang sa mga naririnig ko. Tumigil naman siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Napangisi na lang ako at naglakad palapit sa kaniya.
“You must be Mad Hawk. Ikaw yung tinatawag nilang Mad Hawk.” sabi ko dito.
Tumingin naman siya sa'kin pero hindi man lang ako sinagot. Gayunpaman ay napatingin na lang din ako sa kulay ng mata niya. Medyo nakakatakot pero kapag titignan ang buong mukha niya ay napakaamo. Hmm.
“By the way, I'm Tobias Garrido. The Dean and also the owner of this school.” nakangiting pagpapakilala ko at naglahad ng kamay.
Ngunit tinignan lang din niya 'yon at hindi man lang nakipagkamay. Ilang segundo ang lumipas at natawa na lang ako ng mapakla bago binaba ang kamay ko.
“Ano palang pangalan mo?” kaswal kong tanong.
Ilang segundo niya akong tinignan bago sumagot. “A school Dean doesn't talk like that to student. Tsk.” sabi niya.
Hindi naman ako makasagot dahil do'n. Kapagkuwan ay nilagpasan na niya ako nang tuluyan at hindi ko na nagawang habulin pa siya. Woah. Natulala na lang ako sa isang tabi at hindi mawala sa isip ko ang boses niya. Kapagkuwan ay mapakla na lang din akong natawa.
“Damn. She's interesting..” nakangising sabi ko.
Napailing na lang ako at hinanap kung saan na siya nagpunta pero nabigo na akong makita siya. Maybe she's somewhere. Makikita ko ulit siya.
Khaleesi's POV
Mula dito sa itaas habang naglalakad ay rinig na rinig ko na agad ang mga tunog ng espada. Pinatong ko na lamang ang dalawang braso ko sa barandilya habang hawak ang alak na iniinom ko. Kita ko sa baba ang dalawang naglalaban sa loob ng ring habang ang mga nanonood naman ay nasa labas ng ring. It has been 2 months since the last time I came here. Ngayon lamang ulit ako nagpunta para magpakita na rin kay Silent Snake.
Matapos ng ilang round ng paglalaban ay inanunsyo ang nanalo. Hindi naman ito seryosong labanan. Ganito lang talaga ang uri ng paglalaro dito sa mundo namin.
“Who's next?!”
Inubos ko na ang alak ko at matapos 'yon ay pinatong sa isang tabi. Ilang segundo akong tumingin sa baba at walang pakundangan na tumalon doon mula dito sa itaas. Nabalanse ko naman ang sarili ko kaya hindi ako nasaktan. Rinig na rinig ang pagbagsak ko dito sa sahig kaya naman napalingon sila sa'kin. Nakasuot man kaming lahat ng maskara ay ramdam ko ang gulat sa kanila.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love (Love Series #1)
Roman d'amourZachary Claridad | Khaleesi Navarro Pinasok ko ang paaralang ito upang hanapin ang taong pumatay sa ate ko. Alam kong nandito lang siya, nagtatago. Oras na makita ko siya, wala na akong sasayanging oras pa at gagawin ko din sa kaniya ang ginawa niya...