Zachary's POV
Matapos ng pag-attend ko sa late kong klase ay mabilis na akong lumabas ng classroom at nilibot ang paningin ko. Naglakad ako kung saan man para mahanap kung nasaan siya. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Isang oras na lang at matatapos na ang klase.
Nagtungo ako sa bawat room ng mga pinupuntahan niyang klase. Kunot noo na lamang ako habang naglalakad. She's not there. The fuck. Where is she?
Napabuntong hininga na lang ako at halos takbuhin ko na ang pagpunta sa likod ng building dahil doon ang alam kong madalas niyang puntahan. Pero nabigo akong makita siya. May kung ano na akong naramdaman sa dibdib ko.
‘Fuck! You're making me worried again, Khaleesi.’
Tiim bagang akong naglakad paalis dun. Konti na lang ay baka maikuyom ko ang kamao ko. Fuck. Tsk! Kasalanan ko kasi. Kung bakit ko ba naman kasi hindi namalayan ang oras? Psh!
Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kaniya hanggang sa makita ko si Nolan.
“Nolan!” tawag ko dito at napatingin naman siya sa'kin.
“Sir, bakit po?” tanong niya at lumapit.
“Where is Khaleesi?” agad na tanong ko dito.
Napakunot noo naman siyang tumingin sa'kin. “Huh? Hindi mo ba kasama, Sir?” tanong niya din.
“What? Hindi ba siya umattend ng klase? Where is she?” tanong ko ulit.
Napakamot ulo naman siyang tumingin sa'kin. “Kaninang lunch pa siya wala. I thought she's with you, Sir Zach...” sagot niya.
Hindi makapaniwala na lang akong tumingin sa kaniya. “Fuck! You mean she's missing? The hell!” sabi ko at napatalikod na lang.
Nasabunutan ko ang sarili kong buhok. Hindi ko bigla maintindihan ang frustration na nararamdaman ko. Damn it. Humarap ulit ako kay Nolan. Seryoso lamang siyang nakatingin sa'kin. It's my fault. Kung hindi ko lang sana nakalimutan ang oras.
“I'll go and find her.” seryoso kong sabi dito bago siya talikuran.
Ngunit hindi pa man ako nakakapaglakad ay tinawag niya ako. “Sir Zach.” humarap ako sa kaniya. “Sana ganiyan ka pa rin sa kaniya sa mga susunod na mangyayari.” seryosong paalala nito.
Kunot noo naman akong napatingin sa kaniya dahil doon. I was about to ask what does he mean pero tinalikuran na niya ako. Wala na akong nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin. Nagtataka ako sa sinabi niya pero hindi ko na nagawang alalahanin pa 'yon dahil mas inaalala ko si Khaleesi.
‘As far as I know, she had never done cutting classes!’
Nagtungo na ako sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ko. Sumakay na agad ako at mabilis na pinaharurot 'yon patungong condominium. Bahala na.
Nang makarating ako doon ay agad na akong pumasok sa elevator at pinindot ang ikalabing-apat na palapag. Psh! Pagkatapos naman ay nagtungo ako sa tapat ng pinto ng condo niya. Pinindot ko ang doorbell no'n at ilang segundo ang nakalipas ay walang nagbukas.
“Fuck! Khal! Are you there? It's me, Zachary. Open the door!” malakas kong sabi mula dito sa labas ng pintuan niya.
Ngunit lumipas ulit ang ilang segundo hanggang sa minuto ay walang lumabas. Marahas na lamang ang pinakawalan kong paghinga at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Agad kong dinial ang numero niya. Ilang segundo ang nakakalipas hanggang sa narinig ko ang boses niya.
‘Fuck! I thought she wouldn't answer me..’
“What do you want?” tanong nito sa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/227979828-288-k249262.jpg)
BINABASA MO ANG
Imperfect Love (Love Series #1)
Storie d'amoreZachary Claridad | Khaleesi Navarro Pinasok ko ang paaralang ito upang hanapin ang taong pumatay sa ate ko. Alam kong nandito lang siya, nagtatago. Oras na makita ko siya, wala na akong sasayanging oras pa at gagawin ko din sa kaniya ang ginawa niya...