Fourteen

69 3 0
                                    



"Ikaw ha nakita namin yong ginawa mo kanina ang harot girl" sinusundot sundot pa ni kim ang tagiliran ko. naandito kaming dalawa ngayon sa lamesa namin habang sila ay naandon. napapikit naman ako sa hiya at nadidinig ko lang ang tawa ni kim.

"Nakakahiyaaa ahhh" nagpapapadyak pa ako sa mga paa ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa mga mukha ko.

"daaa boyfriend mo naman yon ba't ka mahihiya? natural lang na halikan mo yan noh" tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip ng mukha ko at tiningnan si kim na kasalukuyang kumakain ng saging.

"Talaga?" umaasang tanong ko sinulyapan niya naman ako at tinasan ng kilay

"Asa ka girl? Syempre public place to noh? ano to? Harutan in public?" sabi niya at malakas akong tinawanan ng mapansin niyang di ako nakitawa nagseryoso sya. Inubos niya muna ang saging at uminom bago ako tiningnan.

"Ako sayo klaruhin mo na ang label ninyong dalawa. kasi, sa ginawa mo kanina pinapaasa mo yong tao"

"May pag asa naman talaga siya"

"kaya nga pag usapan niyo na kung ano talaga kayong dalawa wala naman masama if mag ririsk ka again this time e,"

"di naman ako takot mag risk e,"

"E, anong kinakatakutan mo kung ganon?"

napabuntong hininga ako tama, anong kinakatakutan ko kung ganon?

"I'm waiting for a perfect time for the both us"

"there isn't a perfect time Iya, walang ganoon sa realidad ang sabihin mo hindi ka pa handa sa kanya"

"well, give yourself a time then, he's not making everything in rush din naman. you don't have to pressure yourself, as I can see he's waiting for you patiently."

napahalumbaba naman ako at nag iisip ang daming pumapasok na kaisipan sa isip ko.

"Hey, don't think too much okay? we're here to enjoy not the other way around"

"what are you guys doing there? tara na sasakay na tayo don"

Dumating na si papa siya kasi yung magbabantay sa mga gamit namin na maiiwan lang sa lamesa. Yakap yakap ko ang sarili ko at nangagatog pa dahil sa lamig. Inalalayan pa kami nila kuya at kurt ng makatapak kami sa kawayan, pumwesto nadin kaming lahat. Si mama ang kumuha ng mga litrato at kumaway pa kami doon habang dinadala kami sa malalim na parte.

"You okay?" nanginginig akong tumango. nginitian naman ako ni kurt at hinawakan ang kamay ko.

Ang lamig talaga ng tubig para akong si rose sa titanic

"Ma'am, Sir, dumapa po tayo dahil susuong tayo sa cave" sabi nong lalaki na syang nag a-access sa amin. dumapa naman kami at sinunod pa ang mga sabi niya. nakakamangha na first time kong masubukan ang makapasok sa mga cave. nakadapa kaming lahat at dahil dito mas naramdaman namin ang sobrang lamig.

nakakamangha dahil sa pag aakala ko na madilim sa loob ng cave pero hindi pala. di ko ma explain ang kasiyahan ko na masilayan ito. nakakamangha kung gaano kaganda at katalino ang nakaisip na gawin ito. mga desenyo na paro paro na may liwanag na tila lumilipad ang nakikita ko. sa unang sulyap ko akala ko'y totoo pero hindi pala.

May iba't ibang disenyo pa ang aming natutuklasan habang naglalayag ang aming sinasakyan sa iba't ibang parte ng kweba. agad sumilay ang aking ngiti ng makita ang natural na liwanag galing sa dulo ng kweba

Yet, I Still WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon