Fifteen

58 3 0
                                    


Kinaumagahan alas dyes na ng magising kami ni faith dahil sa walang tigil na katok. hinang hina din ako ng bumangon at pagbuksan ng pinto kong sino man ang kumatok. di na rin ako nag abala na ayusin ang mukha ko sa pag aakalang mga kaibigan ko lang ang kumakatok

"Goodmorning" magandang ngiti ang unang bumati sa'kin pero imbis ngumiti pabalik lumaki ang mata ko at agad agad sinarhan ang pinto at dali daling pumasok sa banyo.

"Waaaa mukha ko ba to?" tanong ko sa sarili ko habang tinititigan ang mukha ko sa salamin. Dali dali akong nag sipilyo at naghilamos. I tied my hair up and look at myself in the mirror one last time before opening the door with a not so decent look this time.

"Goodmorning" muling bati ni kurt malapad siyang nakangiti sakin at gwapong gwapo sa suot niyang white polo shirt at black jeans.

"Goodmorning"

"Here" inabot niya sakin ang pagkain nilagay ko muna ito sa table namin at bumalik agad sa kanya.

"kumain ka muna bago maligo pagkatapos pumunta kayo sa cottage malapit sa parking lot. maghihintay kami doon" nakangiti niyang sabi sakin kinunutan ko naman siya ng noo may lakad kami ngayon?

"we're going to church" para niya naman nabasa ang laman ng utak ko. ngumiti at nag okay sign ako bago pumasok ulit sa kwarto. ginising ko na si faith at tamad naman siyang bumangon. Sabay na kaming kumain at una akong naligo.

nakabihis na ako ng lumabas ako ng banyo wearing my fit nude shirt with  jeans and white shoes. I put silver hairpin in the side of my hair. Faith is just wearing a simple white dress.

Sumakay na kami ng Van at ilang minuto lang ang biyahe papunta sa malapit na simbahan dito. Good thing din kasi di kami late pagkadating namin doon pahirapan pa makahanap ng bakanteng upuan na kasya kaming lahat.

"1 John 5:14, Be confident that when you approach God and seek for his will. He will hear you. Amen"

Nang matapos ang mesa kumain lang din kami sa malapit na resto dito. Actually, seafood resto siya at talaga namang nakakatakam ang mga pagkain ng mailahad nila ito sa mesa namin. pagkatapos namin dito balik kami sa resort at maliligo ng dagat.

Kaya habang nasa biyahe walang hinto sila kung mag usap. gusto nila mag try mag jetski at iba pa. Ako? gusto ko lang lumangoy di ko naman hilig ang mga bagay na hilig nila.

"Laro tayo Mafia game"

"Oh sure"

"Ikaw ang host kuya scev"

Di nadin nagreklamo pa si kuya lumayo siya saamin sapat na di marinig ang sasabihin niya. Ang mikaniks ng game na ito ay may isang Mafia sa amin maaring ako, si kim o si ky dipende sa magiging decision ni kuya kong sino ang pipiliin niyang maging mafia. Pero may task din na gagawin ang mafia at kailangan niyang magawa ito bago mahuli nang sa ganun panalo siya.

Pero dapat kung ikaw ang mafia hindi ka magpapahalata na ikaw ang mafia defend yourself as you can kung baga. unang lumapit si kurt kay kuya at sumunod naman si kim na excited na excited sa laro kasunod nito si faith at pagkatapos ni faith si charisse namn tapos si kyla at ako ang huli. lumangoy ako papunta kay kuya at tumayo ng tuwid

"you're the mafia, you should wink kim" yun lang ang sinabi niya gusto ko sana sabihin na wag muna ako pero baka mahalata ako ng mga kaibigan ko kaya lumangoy lang ako palapit sa kanila habang nasa likod ko si kuya na lumapit na din sa mga kaibigan ko para magsimula na ang laro.

Kailangan kong magawa ng maayos to dahil alam kung may dare pagnatalo ako. malakas pa naman mag matyag ang mga kaibigan ko kaya di ko tuloy magawa ng maayos ang task ko. kasi pagnagawa ko yon matay agad si kim at tanggal na siya sa laro.

"Defend yourself now" hudyat na iyon na magsisimula na ang laro.

"I'm not the mafia obviously"

"Definitely not me too"

"Hindi din ako ha?"

"I'm the mafia" sabi ni kurt kaya bumaling ako sa kanya nakangiti lang siya at wala sa akin ang paningin

"Ako din mafia" sabi ko siguro naman di nila ako paghihinalaan ano

"Sige nga ako din mafia na hahahahaha" natatawang sabi ni faith

"Who do you think the mafia is?" unang tanong ni kuya kaya nagturuan kami kung sino. ang tinuro ko si Kim at ang tinuro naman ni charisse at ky si faith aligaga naman tumingin si faith kaya ang tinuro niya ay si kim at tinuro naman ako ni kurt. nilakihan ko siya ng mata at tinawanan niya naman ako at iniwas ang pagtuturo sakin at tinuro si faith.

"Is it final decision?"

"Yesssss"

"Omygash why me? Hindi nga ako, ano ba yan"

"you're out"

"I told you guys is not me, the mafia is still alive. why you guys won't listen to me daaa. I hope the mafia will win this round though" she said as she crossed her arms while observing the game

nang busy sila kakatawa sa pagmamaktol ni faith naramdaman kung nakatingin si kuya sakin at wala na akong sinayang na oras tamang timing ito para magawa ko na ang task ko. I winked kim. after that, nagsimula na ang laro nagturo turoan pa sila ng magsalita si kuya na wala na sa laro si kim mukhang gulat na gulat naman siya at di makapaniwala.

Sabi ni kuya napatay siya ng mafia at di makapaniwala naman siyang tumingin samin. pinagtawanan din siya ng malakas ni faith at ayun naghahabulan sila sa dagat at talaga naman naabutan siya ni kim kaya sinabunutan siya nito sa buhok at natatawa pa silang dalawa na bumalik sa gawi namin.

nagpatuloy naman ang laro. ako, si ky, charisse at kurt nalang ang naiwan. alam kung alam na ni kurt sino ang mafia kaya di na ako magtataka pa kung ako man ang ituturo niya.

"Who do you think is the mafia?"

Tinuro ko si ky na mukhang nagulat sa pagturo ko. nagpalipat lipat din ng tingin si charisse pero sa huli, tinuro niya si ky din. si kurt na ang hinihintay naming magturo akala ko nga nung una ako ang pipiliib niya pero hindi pala ako tinuro niya si ky at natanggal naman ito.

"Waaaa I think Iya is the mafia"di ako nag komento sa sinabi ni faith baka maghalata pa sila nagkibit balikat lang ako at pinili ang sarili ko natawa naman si kurt at tinuro si charisse. pinagkunutan pa siya ni charisse at tinuro naman siya ni charisse kaya iniba ko ang turo ko tinuro si charisse.

"Final decision?" tumango kami kay kuya at sa huli natalo sila at nanalo ako. nagmamaktol pa nga si charisse kesyo daw nagtulungan kami ni kurt binaliwala lang namin ito at nagpatuloy sa paglaro.

Naglaro pa kami ng ilang ulit bago kami tinawag para kumain. kumain lang kami sa kaininan dito sa resort namin. nang matapos kaming kumain nag aya pa si faith na mag stay mo na kami sa dalampasigan pero hindi na siya pinansin nila ky at pumasok sa kanya kanyang kwarto.

"Hay ano bayan manuod nalang tayo ng movie iya"

"Sige"

Inayos ko muna ang kama ko at nagpalit ng pantulog habang siya naman nagaasikaso sa palabas na papanuorin namin. humiga ako at pilit kong pinipigilan ang antok ko pero kaya lang mukhang di gumana.

"nagtatampo na talaga ako sa inyong lahat" ang huling salitang nadinig ko kay faith bago ako makatulog ng mahimbing.

_________________

Yet, I Still WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon