Chapter 5

139 7 1
                                    

Nagising ako sa katok ni Clyde, kakain na daw ako na lang daw yung hinihintay. Naligo muna ako saglit nakakahiya kaseng lumabas ng di pa nakakaligo.

Habang nag aayos ako naramdaman kong nagvibrate yung phone ko.

From: Kilig King

Goodmorning magandang binibini. Wag kakalimutang kumain :))

Napangiti ako nung nabasa ko kung sino yung nagtext. Di talaga nawawalan ng load to ano.

To: Kilig King

Goodmorning, pafall ka ah!

Di ko na sya hinihintay magreply lumabas na ko ng kwarto ko. Sakto namang paglabas ko, lumabas din si Ace bigla akong nailang sa nangyare kagabi.

"Goodmorning Veron" nakangiti syang bumati sakin.

"G-goodmorning hehe." tas iniwan ko na sya, nauna na kong pumunta kila kuya.

"Goodmorning bunso"

"Goodmorning baby!"

"Goodmorning Veronica." ngumiti na lang ako sa kanila.

Pag upo ko sa tabi ni Kuya Vincent umupo naman sa tabi ko si Ace.

Mygod di ko alam bat naiilang ako wala naman akong ginawang mali.

"Bunso, okay ka lang ba? Kanina pa ko salita ng salita dito." bulong nya

"O-okay lang kuya." tapos kumuha ako ng bacon tas egg nilagay ko sa plato nya.

"Gusto mo gatas bunso?" tumango ako sa kanya. Naglagay na din ako ng pagkain sa plato ko pagkatayo ni kuya.

Napapansin ko ding natingin tingin sa gawi ko si Ace.

"Nagising ako kagabi wala si Ace sa kwarto eh. San ka nagpunta nun tol?" tanong ni Ivan bago sya humigop ng kape.

Nakita kong natigilan sa pagkain si Ace tapos tumingin dun sa nagtanong na si Ivan.

"Baka naghanap ng bakla sa kabilang unit tol." si Earl naman yung sumagot. Umupo na din si Kuya Vincent sa tabi ko bago nya inabot yung gatas.

"Paggising ko din kanina may dalawang baso nasa lamesa. Ikaw ba yun Ace? Sino pa kasama mo.?" si Clyde naman nagtanong.

"Yeah! Sa akin yun," tapos tumingin sakin "Nagusap lang kami ng kaibigan kong taga dito din nakatira." nakahing ako ng maluwag akala ko sasabihin nyang ako yung kasama nya eh.

"Sinong kaibigan tol?" pakadaming tanong naman ni Earl.

"Bakit Earl nagseselos ka ba? Wag ka mag alala ikaw pa din naman baby ko." nasamid naman si Earl sa sagot ni Ace.

"Ulul, kadiri ka boy"

"Sus, wag ka magselos sa condo mo ako uuwi mamaya baby Earl." natatawa na lang ako sa kanila.

"Bunso yung gatas inumin mo na."bulong ni kuya, kinuha ko na agad yung at inubos agad.

"Veron kamusta tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos?" nasamid naman ako bigla sa biglaang pagtanong ni Ace. Narinig kong tumawa yung tatlo hinagod naman ni kuya yung likod ko.

Di ko lang masigaw sa kanya na "HINDI AKO NAKATULOG KAKAISIP SA PAGYAKAP MO SAKIN KAGABI" pero di ko magawa.

"Patay tayo dyan Kuya Vincent, dumadamoves na si Ace sa kapatid mo." sabi ni Earl.

Stalker (LOINIE Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon