"Matunaw yan Veronica grabe mo titigan wews" tumingin ako sa kanya ng nagtatakha.
"Kanina ka pa nakatitig dyan sa phone mo. Lutang ka talaga" dagdag nya.
"Sorry may iniisip lang kuya hehe"
Umayos ako ng upo bago ako bumalik sa panonood. Nasa scene na kami nung nag lasing si Pat, di ko alam bat gandang ganda ako sa kanya nakakatomboy ibang klase! Sa sobrang focus ko sa pinapanood ko di ko namalayang tumabi pala sa akin si kuya Vince.
"Yung sinabi ko sayo gawin mo yun." sabi nya sapat na sakin para ako lang makarinig.
"Ha?"
"Halaman Veronica. Lutang ka talaga eh" pasimple ko syang kinurot sa braso di kami nagpapahalata kay kuya Vincent baka mapagalitan na naman kami mahirap na aba.
"Aray ko!" napalakas yung sigaw nya sabay kaming tumingin dalawa kay kuya Vincent na halatang naiirita na samin. Ayaw na away pa naman nyang naistorbo sya sa pinapanood nya.
"Di ba kayo titigil dalawa?" inistop nya muna yung palabas tsaka umayos ng upo. Nakatungo lang ako hehe katakot kaya magalit mga kuya ko.
"Si kuya Vince kase!"
"Si Veronica kase bro!" muntik na kong matawa ng sabay kaming nagsalita nakaturo pa kami sa isa't isa. Kung di lang seryoso si kuya Vincent napatawa na ko ng bonggang bongga.
"Kayong dalawa pumasok kayo sa mga kwarto nyo." seryosong sabi ni kuya Vincent.
Sabay kaming tumayo ni kuya Vince, pag daan namin sa harap ni kuya Vincent bigla syang tumayo tapos ginulo yung buhok ko ng nakangiti. Weird no? Magagalit tapos biglang ngingitian ka.
Nang makarating kami sa harap ng kwarto namin ni kuya Vince biglang syang tumigil kaya automatic din akong tumigil.
"Sim card mo?" nilahad nya pa yung kaliwang kamay nya.
"Bakit kuya?"
"Akin na sim card mo." di nya pinansin yung tanong ko madaya.
Nakatingin lang ako sa kanya ng mapansin nyang di ko balak ibigay sa kanya yung hinihingi nya biglang nag iba na naman yung aura ng mukha nya. Kaya dali dali kong tinanggal yung sim card ko tsaka inabot sa kanya. Di na ko nakapag salita ng pumasok sya sa kwarto nya kaya pumasok na lang din ako agad.
Humiga ako agad pagka pasok ko sa kwarto ko. Ang boring di ko man lang natext man lang si Chelsea bago kinuha yung sim. Habang nakahiga nag scroll scroll lang ako sa facebook. Napako ang tingin ko sa isang shared post ng classmate ko na picture ng moon na may caption na
You're like a moon, I can never touch you and all I can do is look at you from a far.
Naalala ko na naman si Kilig King hays! Hindi na kami makakapag usap, di man lang ako nakapag ba-bye sa kanya.
Sa kakaisip sa kanya di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
~~
"Ligaya gusto ko pag laki natin tayong dalawa magkakaroon ng baby ha?" sabi sakin ng kalaro kong si tin.
Tumabi ako sa kanya ng nakangiti, naglalaro kase kami ng bahay bahay tapos ako daw ang mommy at sya ang daddy.
BINABASA MO ANG
Stalker (LOINIE Story)
FanfictionMay isang babaeng maiinlove sa sarili nyang stalker. Di nya kilala ang pangalan nito,kung tagasaan ba at kung ano ang itsura nito. Basta alam nya sa sarili nya na masaya sya sa mga natatanggap nyang regalo ng kanyang stalker at halos napapangiti sya...