"Kapatid mo yan pare?"
"Bat di mo kamukha?"
"Pakilala mo naman ako dyan tol."
"Brad,pwede ko na ba syang ligawan?"
"Mga tol humanap na lang kayo,wag yung kapatid ko." Nagising ako sa usapan nila. Di muna ako nadilat nahihiya pa ko eh.
"Hahaha.wala ka bang tiwala sa mukha kong to?"
"Wala. Nakakatakot magtiwala sayo hahaha."
"Lul! Inggit ka lang sa mukha ko eh,gwapo ko kase."
"Nakaw! Ang hangin." Nang hindi ko na makayanan mga pinag uusapan nila dahan dahan akong dumilat.
Pinagsisihan ko ang pag dilat ko na yon. Grabe gusto kong magpalamon na lang sa lupa sa sobrang kahihiyan. Paano ba naman lahat sila nakatingin sa akin,mga nakaupo sa harap ng sofa na hinihigaan ko.
"Hi miss beautiful." Nakangiting saad ng isa.
"Magandang gabi,binibini." nang marinig ko yun bigla kong naalala si kilig king yung stranger na hambog.
"Lulubayan niyo kapatid ko o sa labas kayo matutulog?"napabangon ako ng marinig ko yung sinabi ni Kuya Vincent.
"Dito sila matutulog?" Halos lahat sila natawa sa expresion ko.
"Yes bunso,nagpumilit eh." sabi ni kuya bago lumapit sa akin.
"Ah! Kung ganon kuya,dun na lang ako matutulog sa bahay namin ni chelsea."sabi ko na patayo na dapat kaso pinigilan nila ako.
"Wag na dito kana matulog."
"Gabi na mapahamak kapa sa labas."
"Dito kana lang kapatid ni Kuya Vincent."
"Binibini hayaan mo kaming makasama ka,kahit ngayon lang." isa isa ko sila tinignan nalilito ako sa kanila. Nung mapansin siguro ni kuya vincent na tinitignan ko sila hinawakan nya ko sa kamay.
"Ah bunso,eto nga pala si earl." tinuro ni kuya yung lalaking may butas sa labi,lumapit sya sakin bago hinalikan ang aking kamay.
"Ay veronica fuckboy yan."singit nung isa.
"Ulul.hahaha" agad naman syang binatukan ni kuya vincent.
"Im Ace ramos." lumapit yung isang nakasalamin sakin bago nakipag shake hands. Infairnes ah lambot ng kamay nya.
"Ako nga pala si Ivan binibini." sabay halik sa kamay ko.
"Juanito is that you?" singit ni earl.
"Hahahaha."tawanan naming lahat kahit di ko alam yung sinabi ni earl.
"Excuse me, Im Clyde Salvador miss." nilahad niya yung kamay nya para makipagshakehand kaya agad kong kinuha to.
Grabe di man lang ako ininform ni kuya na ang gagwapo pala ng mga kaibigan niya jusko.
"Oh bunso mag ayos kana,para kang si chukie."tapos nagtawanan na naman sila.
Ngayong lang pumasok sa isip ko na kakagising ko lang pala. Dali dali akong tumakbo papasok sa kwarto ni Kuya Vincent at tumingin sa salamin.
Halos masampal ko ang sarili ko habang nakatingin pa din sa salamin. Masyadong nakakahiya, dapat pala di na lang ako natulog kung alam ko lang na magsisidatingan tropa ng kuya ko.
BINABASA MO ANG
Stalker (LOINIE Story)
FanfictionMay isang babaeng maiinlove sa sarili nyang stalker. Di nya kilala ang pangalan nito,kung tagasaan ba at kung ano ang itsura nito. Basta alam nya sa sarili nya na masaya sya sa mga natatanggap nyang regalo ng kanyang stalker at halos napapangiti sya...