Kanina pa kami paikot ikot dito sa mall, patingin tingin lang ako sa dinadaanan namin.
"Ahm Veron tara." nakatingin lang ako sa pinasukan naming store bago nya ko dinala sa Men's Clothing. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya na busying busy kakapili ng damit. Nagulat ako ng tumingin sya sakin nahuli nya kong nakatingin sa kanya kaya natawa sya.
"Can you help me?" tanong nya bago nya tinaas yung damit na hawak nya.
Yung sa right hand nya isang stripe na black and white yung isa naman ay plain black short sleeve shirt.
"Parehas na lang yan kunin mo." nakangiti kong sagot kase parehas naman mas maganda eh. Atsaka baka mamaya di nya magustuhan yung napili ko eh.
"Just pick one."
"Parehas maganda eh" sabi ko habang papalit palit yung tingin sa dalawang hawak nya. Nakakastress din pala samahan yung mga lalaki mag shopping.
Napansin kong medyo malaki yung damit sa kanya kaya tinitigan ko yung katawan nya tapos yung damit na napili nya.
"Bakit ang laki ata sayo nyan?" mas gusto nya ba yung over size shirt?
"No di to sakin. I'II just give it to my friend. My close friend." tumango ako sa kanya. Kaya naman pala malaki eh bibigay nya pala.
"So pili na ikaw." tapos tinaas nya parehas yung dalawang damit.
"Yung plain black na lang" tapos nag okay sign then i smiled.
"Okay thanks" masaya syang naglakad papunta cashier. Nakasunod lang ako sa kanya.
**
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng nakilala ko yung tropa ni kuya Vincent. Wala na din akong ibang balita kay Ace. Pero yung si Kilig King text pa din ng text sakin parang di nauubusan ng load ang kuya nyo.
"Oni malapit na magpasukan wala pa tayong nabibiling gamit." umupo sya sa tabi ko na may bitbit na pop corn tas fries. Nanonood kase kami ng kdrama.
"Next week pa naman yun eh" di ko na sya tinignan busy ako kakanood pero ramdam kong nakatingin sya sakin.
"Pero Oni kailangan na natin mamili, kase pag next week pa tayo mamimili madami ng tao nun siksikan na." may point nga naman sya kaya tumingin ako sa kanya bago tumango.
"Yes!" sigaw nya bago ako niyakap.
"Mag ayos kana Oni, teka anong episode na ba tayo?" tanong nya bago nya kinuha yung laptop.
"Ikaw na magligpit nyan ah. Maliligo na ko" sa cr na ko dumeretso.
Magiisang oras bago ako lumbas ng kwarto ko. Naka suot lang ako ng black crop top tas high waist denim short. Powder at liptin lang din nilagay ko sa mukha ko tas nag spray ng pabango na niregalo naman sakin ni kuya Vincent bago ako umuwi.
Umupo ako sa sofa habang hinihintay si Chelsea matapos. Napakakupad naman kase kumilos nun parang turtle eh pffft hahaha.
Nag log in muna ako ng facebook habang hinihintay si Chelsea dahil tinatamad na ko, nag tingin ako sa friend request ko.
Stephen Earl Mariano
Ivan Cross Mendoza
Clyde Tom Salvador
Tristan Ace Ramos
Jastine Drew Santos
Ilan lang yan sa mga nabasa kong nag add sa akin. Ang gaganda naman pala ng mga pangalan nila no? Sana all di na ko nagdalawang isip inaccept ko na lang yung mga tropa ni kuya Vincent. Di ko na nastalk yung Drew dahil lumabas na si Chelsea sa kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Stalker (LOINIE Story)
FanfictionMay isang babaeng maiinlove sa sarili nyang stalker. Di nya kilala ang pangalan nito,kung tagasaan ba at kung ano ang itsura nito. Basta alam nya sa sarili nya na masaya sya sa mga natatanggap nyang regalo ng kanyang stalker at halos napapangiti sya...