Chapter 07

109 7 2
                                    

One week na simula magstart ang klase, one week pa lang pero ang dami na naming ginagawa. Ang hirap pag graduating na ang daming ginagawa.

"Oni ano na gagawin mo pagtapos natin magcollege?" tinigil ko yung pagsusulat ko tapos tumingin sa kanya.

"Magbabarko ako, dun ako magtatrabaho para maiba naman." nakangiti akong bumalik sa pagsusulat.

Grade 12 na nga pala kami ni Chelsea. Nagaaral sa St. Peregrine Institute.

"Anong parang maiba naman?" takhang tanong nya.

"Syempre yung iba nagtatrabaho sa lupa, sa himpapawid kaya naisip isip kong subukan naman magtrabaho sa ibabaw ng dagat para cool diba hehe " naiimagine ko pa lang na sa barko ako magtatrabaho naeexcite ako eh.

"Dami mong alam sa buhay Oni." tumawa na lang ako sa kanya.

"Kamusta nga pala kayo ni Kilig King mo?"  napangiti ako nung marinig yung pangalan nya.

"Nako Magdrigal masama na yan ah! Ayokong magkabestfriend ng takas sa mental. Bakit ka nangiti dyan?" she asked

"Boba may naalala lang ako." sagot ko sa kanya ng nakangiti.

Flashback

"Chelsea, pwede bang dumaan muna tayo sa locker ko may ilalagay lang kase ako." bago ko pinakita sa kanya yung apat na librong dala dala ko.

Ayokong pupunta kami ng canteen na maraming dala baka mamaya sabihin nilang nerd ako eh mahirap na.

"Pero Oni, mauubusan tayo ng upuan pag nagpahuli pa tayo. Ikaw ba gusto mong kumain tayo ng nakatayo?" tanong nya umiling naman ako.

"Sige, mauna ka na lang susunod na lang ako. Chat mo sakin kung nasaan pwesto mo okay?" Tumango sya bago nagsimula ng maglakad. Naglakad na din ako papuntang locker ko.

Kokonti lang yun tao ng magpunta ako sa locker ko, kaya napangiti ako kase walang maingay.

Mabilis kong nabuksan ang locker ko at ilalagay ko na sana yung mga libro kong dala ng may mapansin ako. May nakita akong violet na teddy bear tapos chocolate. Napangiti ako lalo ng malaman ko kung kanino galing iyon. Wala iba kung di kay

Kilig King..

Kinuha ko agad yung teddy bear bago pinagmasdan lalo ng malapitan. Pagkuha ko naman ng chocolate may nahulog na papel kaya dinampot ko at binasa ang nakalagay doon.

Stalker (LOINIE Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon