Pag labas namin ng simbahan may lumapit sakin na mga batang babae. May mga dala silang roses tapos isa isa nila itong inaabot sa akin. Kahit na ako'y nagtataka ay kinukuha ko na lang yung mga inaabot nila sa akin."Ayieee ate! Bagay kayo ni kilig king." kilig king? Sino yun?
"Sinong kilig king?"tanong ni chelsea sa batang huling nagbigay ng roses sa akin. Namula pa ang pisngi ng bata na talagang kinikilig nga.
"Basta ate,sya daw si king at ikaw daw yung queen nya. Ate ang pogi pogi ng boyfriend mo."dagdag pa nya na nakatingin sa akin.
"Ay! Baka hindi akin to,wala naman akong boyfriend eh."sabi ko tas inaabot sa kanila pero umiling sila sabay sabay.
"Sayo yan ate,tinuro ka pa nga nya samin eh,ang sabi nya ibigay daw namin sayo yan tapos bibilhin nya daw lahat ng tinda naming sampaguita."nakangiting paliwanag ng isang batang babae na may bangs.
"Opo ate atsaka binigyan nya pa kami ng pagkain!" singit ng maliit na bata.
"Gwapo na mabait pa."halos sabay sabay nilang sabi. Palihim naman akong napangiti.
Kung sino ka man,maraming salamat sa roses mo!
"Teka nga,ano ba itsura nyang kilig king na sinasabi niyo?"natawa naman ako kay chelsea napaka ano talaga eh.
"Ano po sya maliit po yung mata tapos po malaki po sya parang katulad ng papa ko,tapos yung ilong nya po pang mayaman po ang gwapo po talaga ni kilig king ate mabait pa." Sabi ng batang pinakamaliit siguro mga 5 years old.
"Anong ilong mayaman?" Tanong ni chelsea na umupo na rin para maglinawan sila ng bata kaya ako gumaya na din.
"Matangos po iyon ate."sabi ng isa,tumango na lang ako.
"Sige po ate alis na po kami,hinihintay na po kami ng mga magulang namin babye po salamat." Isa isa na silang nawala sa paningin ko kaya napatingin ako kay chelsea na may ngiti sa kanyang labi. Yung ngiti na pang aasar.
From: Stalker
["Nagustuhan mo ba?"] Text na naman ni stranger sa akin.
To: Stalker
["Ang alin?"] reply ko.
From: Stalker
["Yung mga roses."]halos mabitawan ko yung phone ko sa nabasa ko. Nagtataka namang dinampot ni chelsea yung phone ko at binasa nya rin.
"Kakaiba din yang stalker mo eh noh? May pa roses eklabush pang nalalaman haha." Pati ako natawa na din sa sinabi nya.
"Sige na replyan mo na yang stalker mo haha."sabi nya bago iniwan ako. Wews iwan ba naman si magandang oni hahaha charot.
"Chel sandali!" sigaw ko sabay takbo.
"Bilisan mo oni oni my bestfriend."napaka kulit hahaha.
Habang nasa kotse kami walang nagsasalita sa aming dalawa may anghel kase eh haha lol.
"Chel,di ka ba nagtataka kung anong mukha nitong stranger na to."pagbabasag ko ng katahimikan bagp inangat yung phone ko.
"Ano bang sabi ng mga bata?"tanong nya
"Gwapo daw." sagot ko
"Oh! Edi gwapo nako oni ang slow mo talaga!" Edi ako na slow sya na faster! Ako na turtle! Ako na

BINABASA MO ANG
Stalker (LOINIE Story)
Fiksi PenggemarMay isang babaeng maiinlove sa sarili nyang stalker. Di nya kilala ang pangalan nito,kung tagasaan ba at kung ano ang itsura nito. Basta alam nya sa sarili nya na masaya sya sa mga natatanggap nyang regalo ng kanyang stalker at halos napapangiti sya...