Chapter 08

113 6 0
                                    


Tahimik kaming nakarating sa condo ni kuya Vince simula kanina di nya pa din ako pinapansin. Bakit kase sya pa nagsundo sakin eh akala ko si kuya Vincent na.  

Pagkapasok namin ng condo ni kuya Vince unang hinanap ng mata ko si kuya Vincent kanina ko pa gustong umiyak. Simula bata pa ko pag inaaway ako ng mga kalaro ko o kaya si kuya Vince lagi akong naiyak kay kuya Vincent. Ewan ko nasanay na kong sa kanya palagi umiyak.

Nakita ko si kuya Vincent na nagluluto kaya dun ako dumeretso sa kanya. Nakatalikod sya kaya di nya napansin pag dating namin. Si kuya Vince dumeretso lang sa kwarto nya. Niyakap ko patalikod si kuya Vincent alam kong nagulat sya pero hinarap nya lang ako sa kanya bago niyakap ulit. Naramdaman nya siguro kaseng naiyak ako kaya di na umimik.

"K-kuya V-vincent inaway a-ako." sumbong ko sa kanya bago ko tinuro yung kwarto ni kuya Vince.

"Shhh. Anong nangyare bunso? Tell mo kay kuya tahan na." bago nya hinagod yung likod ko.

Dinala nya ko sa sofa hanggang ngayon di pa din natigil yung luha ko kusa silang nalabas. Ang sakit kase minsan ko na lang makasama si kuya Vince tapos ganito pa yung nangyare.

"Wait bunso, relax ka lang muna dyan yung niluluto ng kuya mo masusunog na." binigyan nya muna ako ng isang kiss sa noo bago sya bumalik sa kitchen.

Ilang minuto lang bago sya bumalik na may dala dalang isang basong tubig at inabot nya sakin.

"Kwento na bunso. Makikinig ako sayo anong nangyare sa inyo ni Vince?" naiiyak na naman ako lalo kaya niyakap ko sya.

"Kausapin mo yan kuya Vincent, ang bata bata pa nagboboyfriend na agad." nagulat ako ng biglang nagsalita si kuya Vince di ko napansin na nakaupo na pala sya sa harap namin.

"Is that true Veron?" tanong ni kuya Vincent mabilis naman akong umiling.

"Ayan kuya nagsisinungaling pa. Nabasa ko na yung text idedeny pang walang boyfriend tss" singit ni kuya Vince.

"K-kuya di ko nga po boyfriend yun eh." umiiyak akong tumingin kay kuya Vince masama naman syang tumingin sakin.

"Veronica wag kang sumagot sagot dyan. Ayan ba nakukuha mo sa pagboboyfriend mo?" tumungo na lang ako lalong bumilis pag bagsak ng mga luha ko.

"Wala nga po akong boyfriend kuya." kay kuya Vincent ko na lang sinabi.

"Sus sinungaling." sabat ni kuya Vince.

"Enough Vince." tinaas nya pa yung kanang kamay nya sign ng pagpapatigil.

Di na ko nakatiis kaya tumayo ako papunta sa inuupuan ni kuya Vince bago sya naman yung niyakap.

"Sorry kuya Vince." bago umiyak ng umiyak sa dibdib nya.

Narinig kong nagbuntong hininga sya bago ako niyakap kaya umiyak ako lalo.

"Patahanin mo yan bro." rinig kong bulong ni kuya Vincent bago nagtungo sa kitchen.

"Tahan na bunso. Explain mo muna kung sino yan bat nagtetext sayo ng ganyan." humigpit lang lalo yung yakap ko sa kanya.

"Bati na m-muna tayo." sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tumango sya kaya sinimulan ko ng ikwento sa kanya lahat lahat. 

Todo sorry sakin si kuya Vince nung nalaman nya yung buong pangyayari. Di sya makapaniwala na hindi ko boyfriend yun nakakatawa lang yung mukha nya.

"Brother kase bat di mo pa sinabi sakin kanina namaga pa tuloy mata nito ni Veronica." natatawang sabi ni kuya Vince kay kuya Vincent.

"Aba malay ko sa inyong dalawa, bigla na lang ako niyakap ni bunso kanina habang nagluluto ako eh umiiyak pa." tinitignan ko lang silang dalawa aba kung pag usapan nila ako parang wala ako dito eh.

Stalker (LOINIE Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon