Chapter 10

133 10 4
                                    


Paglabas ko ng kwarto nakahanda na ang hapunan. Dumeretso na ako sa lamesa para hintayin sila don.


Habang hinihintay sila di ko pa din maiwasang hindi isipin yung panaginip kung yun. May nagsasabi saking totoo yun may nagsasabi ding hindi dahil panaginip lang iyon. Pero parang feeling ko totoong nangyari yun.


"Kamusta ang tulog mahal na prinsesa?" tanong ni kuya Vince bago nagsimula kumain.


"Maayos po sana kuya Vince, kaso" sabay silang tumingin sakin.


"Kaso ano?" tanong ni kuya Vincent.


"May napanaginipan lang po ako kuya Vincent." 


Di na sila nagsalita nun kaya di na lang din ako nagsalita. Tahimik kaming nakaing tatlo ng maalala kong wala na pala akong sim.


"Kuya lalabas po ako pagtapos kumain." basag ko sa katahimikan.


"No." sagot ni kuya Vincent.


"Pero kuya bibili lang po ako ng sim." 


"Bawal bang ipagpabukas yan bunso? Gabi na pero kung gusto mo bumili magpasama ka kay Vince." kaya lumipat ang tingin ko sa kuya kong isa.


"Bro naman ayoko! Inaantok na ko tsaka pagod na ko." 


"Okay lang po ako kuya Vincent, okay na kong mag isa hehe." pagsingit ko kase alam kong pagpipilitan ni kuya Vincent yung gusto nya.


" Bawal kang lumabas mag isa bunso. End of conversation." 


Haist! Tinignan ko si kuya Vince na sobrang busy sa pagkain. Ayaw ko ng makasama sya hindi talaga kami magkasundo eh. Pero di naman ako makakabili ng sim ngayon kung di sya ang sasama sakin. Tinuloy ko na lang din ulit ang pag kain ko ang sarap talaga mag luto ni kuya Vincent the best!


Pagkatapos naming kumain magpapaalam na ko, buo na desisyon kong magpapasama ako kay kuya Vince kahit labag sa loob ko. Di ko pa nakakausap si Chelsea.


Tumingin ako kay kuya Vincent na busy sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin kaya nilapitan ko na ito ng may pag aalinlangan. Pagpunta ko sa pwesto nya nakita ko si kuya Vince na nasa gilid sa may ref may hinahanap ata.


Kinalabit ko muna si kuya Vince nung pagkalingon nya tsaka ako nagpaalam.


"Kuya bibili lang po ako sim." i smiled at him


"Bawal kang lumabas mag isa bunso, so its a no." bumalik ulit sya sa pag huhugas.


"Pero gusto ko pong bumili kuya Vincent." nag aacting pa kong kunwari sad sana tumalab huhu.


"Isama mo yang si Vince para makabili ka pero kung ikaw lang mag isa matulog ka na lang ulit." sabi nya ng hindi tumitingin sakin.


Stalker (LOINIE Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon