Chapter 11

193 8 24
                                    

Weeks have passed masyado kami naging busy ni Chelsea sa pag aaral. Bago din ako bumalik sa bahay namin ni Chelsea nag ka ayos na kami ni kuya Vince, pinagbati kase kami ni kuya Vincent ayaw nya daw kaseng may tampuhan saming magkakapatid.


Nang una ayaw pumayag ni kuya Vince na magka ayos kami, ewan ko kung bakit, at wala akong idea kung bat sya galit na galit sakin. Pero wala syang nagawa kung di makipag ayos sakin dahil yun ang gusto ng panganay naming kapatid. Nag ka ayos kami ni kuya Vince pero di na kami tulad ng dati na parang aso't pusa.


Nung andun pa ako sa condo nya lagi ko syang nakikitang malalim ang iniisip, laging tulala ewan ko kung anong problema nya. God knows na gustong gusto kong tanungin kung bakit sya nagkakaganyan, at kung ano ang problema nya.


"Oni, kailan ba tayo pupunta kila Vince? Gusto ko ng magpunta sa Kadiwa Park." Hindi alam ni Chelsea ang nangyari saming magkapatid.


Gustong gusto ko sabihin lahat sa kanya ang nangyare pero nag aalangan ako. May sarili din syang problema at ayaw ko ng dumagdag pa sa isipin nya.


"Pagtapos na siguro ng 1st sem cheng." lumingon sya agad na parang di sya sang ayon sa sinabi ko.


"Pero Oni, gusto ko ng mag punta don, kahit wag na tayo dumaan kay Vince. Alam kong ayaw mong pumunta dun." malungkot akong tumingin sa kanya, nakatingin pa din naman sya sakin.


"Nakausap ko si kuya Vincent pag hatid nya sayo." dagdag pa nya.


Kaya wala na kong nagawa kung di ang mag iiyak sa kanya, sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Andito lang kami sa kwarto ko tahimik lang sya na nakikinig sa mga sinasabi ko habang hinahagod ang likod ko. 


"Hayaan mo na muna yung si Vince, alam mo namang iba pagiisip nun eh. Basta pupunta tayo ng Kadiwa Park bukas. Magsimba muna tayo bago magpunta dun. Okay?" malungkot akong tumango.


"Come on Oni! Wag mo masyadong isipin si Vince. Malaki na yun okay? Kailangan mo magrelax. I love you!" tsaka nya ko niyakap ng mahigpit.


Sobrang swerte ko dahil may bestfriend akong katulad nya. 


"I love you too. Thankyou Cheng!" lalo pang humigpit ang pagkakayakap nya sakin.


Today is Sunday at ang sabi nga ni Chelsea ay magpupunta kami muna ng Church bago magtungo sa gustong gusto nyang puntahan ang Kadiwa Park.


Nag suggest ako sa kanya na mga mga hapon na kami magpunta doon, pero ayaw nya okay lang daw kahit di nya makita yung mga nailaw na bulaklak at kung ano pang mga nailaw dun.


"Peace be with you." iyan ang mga naririnig ngayon sa loob ng simbahan, lahat ng natatapunan ko ng tingin ay tinatanguan ko ng nakaangiti bilang pagbati.


"Peace be with you Oni" bago nya ako kinulong sa kanyang payat na braso.


Ganon din ang ginawa ko bago nya ko dinampian ng halik sa pisngi. Ugh! I am so lucky that i have a best friend like Chelsea.


Mabilis ding natapos ang misa, at ngayon ay nasa Jollibee na kami para kumain muna bago magtungo dun. 


"Cheng akin na lang yan." Sabay nguso sa balat ng manok nya, mabilis syang umiling . I knew it! Hindi nya ibibigay yun hahaha bat ba kase parehas naming favorite ang balat ng manok!


"Konti lang Cheng damot mo!" kunwari galit ako hehe


"Sige, bibigyan kita nito" tinuro nya yung chicken skin nya bago tumingin sakin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stalker (LOINIE Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon