Umagang umaga pa lang ay may nambubulabog na sa tulog ko. Nagising ako mula sa sunod sunod na katok sa pintuan.
Napipilitang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napatingin ako sa wall clock at nakitang eight thirty na pala ng umaga.
Mabuti nalang at wala akong importanteng lakad ngayon.
I slept late last night that is why I also woke up late. Martin's voice keeps on playing on my head. Hindi agad ako makatulog dahil hanggang sa paghiga ko, pakiramdam ko ay kinakantahan pa rin niya ako.
That was an absurd idea.
Pinilit ko lang na pumikit at ipinagsawalang bahala ang eksenang kinantahan niya ako. Hanggang sa nakatulog ako ng madaling araw.
Patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sino mang taong nasa labas. Kaya hindi na ako nag-abala pang mag ayos at binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin ang nakangiting kapitbahay ko. "Good morning, Lia!"
Naalala kong hindi pa ako nakakapag ayos dahil sa pagmamadali. Ramdam kong namumula ang mukha ko.
I didn't know what to do so I just closed the door again.
"Lia! I brought foods!" Sigaw ni Martin sa labas.
"Sandali! Magbibihis muna ako!" I said then rushed to the bathroom. I did my morning routine as fast as I can. Fifteen minutes later and I'm already done.
Nagmamadaling tinungo ko ang pintuan nang matapos akong makapagbihis. Namataan ko ang nakasandal sa pader na si Martin.
He waited for me all along?
Alanganing napangiti ako sa kanya. "Hey. Sorry natagalan. Nag ayos pa kasi ako."
"It's fine." He smiled. "Sorry for disturbing your sleep. I just want to give you these," saad niya at inabot ang dalawang food containers. "Well... I cooked too much. Hindi ko naman maubos 'yan lahat kaya sayo nalang. You haven't cooked yet, right?"
Tinanggap ko and food containers na inabot niya. "Thank you." Nakangiting tugon ko.
"You should eat. It's already late for breakfast." He said and hurriedly went back to his unit.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang kumakain. It was just fried rice with egg and bacons but still I appreciate it because he gave it to me.
Hindi pa ako tapos kumain nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at agad na sinagot ang tawag nang makitang si Mama pala ang tumatawag.
"Lia anak, kamusta ka na ba diyan?" Bungad ni Mama.
I suddenly missed her upon hearing her concerned tone. Minsan lang tumawag si Mama dahil busy rin siya sa trabaho. Mabuti nalang at naisipan niyang tumawag ngayon.
"Mabuti naman ma. Nasa apartment lang ako ngayon dahil bukas pa ang tour ko. Kayo po pa diyan?" I replied.
"Maayos naman ang lagay namin dito nak. Namamasada pa ang papa mo kaya wala dito. Okay lang din naman si Daisy, ang iniisip ko lang ngayon ay si Dexter." Naging malungkot ang tinig niya sa huli.
Napakunot noo ako. "Anong nangyari kay Dexter Ma?"
Si Dexter ang bunsong sa aming tatlong magkakapatid. Grade twelve na siya ngayon habang si Daisy naman ay third year college na.
Narinig ko pa ang buntong hininga ni Mama bago siya nagsalita. "Napapadalas ang pag uwi niya na may mga pasa, nak. Noong una ay hindi ko lang pinansin dahil baka simpleng away lang sa basketball. Pero noong nagtagal, napansin kong halos araw araw na siyang umuuwing sugatan." Malungkot na kwento niya.
"Kapag tinatanong ko naman kung anong nangyari, ayaw sumagot." Dagdag niya pa.
Hindi ko maiwasang mag-alala kay Dexter dahil sa sinabi ni Mama. Hindi ugaling makipag away ni Dexter. Hindi naman siya pikon kapag naglalaro kaya nakakapagtataka kung saan siya nakahanap ng gulo. Sa katunayan nga ay tahimik lang siya, pero seryoso naman sa pag-aaral niya.
"Huwag kang mag-alala Ma, kakausapin ko si Dexter."
Naalala ko ang tour ko bukas. Tamang tama, sa south pala ang punta namin. Ibig sabihin ay madadaanan ko ang lugar namin.
"Ma, sa south pala ang tour ko bukas. Dalawang araw. Dadaan po ako diyan sa bahay pag-uwi."
Ilang paksa pa ang pinag usapan namin bago tuluyang naputol ang usapan namin. Tinuloy ko ang pagkain pagkatapos ng tawag.
Mas mabuti kung kakausapin ko si Dexter kaya napagdesisyonan kong dumaan sa bahay pagbalik namin.
Hindi ko mapigilan ang mag alala. Hindi talaga ako makapag isip ng dahilan kung bakit makikipag away si Dexter. Nagbubulakbol na ba siya ngayon? Bakit ngayon pa na graduating na siya?
Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ay hinanda ko na ang mga dadalhin ko bukas. Ilang gamit at pares ng damit lang naman kaya mabilis din akong natapos.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako pagkatapos kong maglaba. Bumawi pala ako ng tulog dahil madaling araw na ako nakatulog kanina. It was already four in the afternoon when I woke up.
Maaga pa naman pero napagdesisyonan kong magluto na. While preparing for the ingredients, Martin suddenly flashed on my thoughts.
How about I'll give him some foods? Para makabawi ako sa binigay niya kanina?
Hindi ko alam kung bakit naisip ko iyon. Sa huli ay dinamihan ko nalang ang niluto ko.
Pagkatapos maluto ay agad kong nilagay iyon sa food container na dala niya kanina.
I just cooked a simple dish, which is tinolang isda. Sana naman ay magustuhan niya ang lasa.
Lumabas na ako sa unit ko at dahan dahang naglakad patungo sa katabing unit. Nang makalapit na ako sa pintuan ay narinig ko na naman ang tunog ng gitara niya.
I guess he's really a music lover?
Based on how he played the guitar and the way he sang last night, I can really say that he could be a great performer. Mukhang sanay na sanay talaga siyang kumanta.
It's 2 A.M. but I'm still here, awake
Your beautiful face keeps flashing on my mind
I hear your voice and the way you say my name
It's like reality and make-believe combinedThere goes his singing voice again. It was really soothing. Hindi nakakasawang pakinggan.
I recall the time when I sat right beside you
And you talked about how good your life has been
When your eyes met mine, my voice and hands started shaking
And everything I am starts caving inNagpatuloy lang ako sa pakikinig sa kanya. Nakadikit ang tainga sa pintuan habang nakasandal dito. Nagtaka ako nang biglang huminto ang tunog.
Seconds later, the door suddenly opened. At dahil nakasandal ako ay muntik na akong matumba kung hindi lang nasalo ng dalawang bisig ang katawan ko.
Martin was gripping my waist tightly.
Ilang segundo pa akong napatitig sa mukha niya. Nang matauhan ay agad akong tumayo ng maayos.
"I.. Uh.." I couldn't even think of words!
His face screams amusement. "Lia, what brings you here?"
Agad kong inabot sa kanya ang food container na dala ko.
"Hindi ko pala naisasauli. Thank you!" Mabilis na sabi ko at nagmadaling bumalik na sa unit ko.
What was that scene earlier? Nakakahiya ka Lia!
-------
BINABASA MO ANG
Seeking for Solace (Completed)
RomanceMartin Thaddeus Marquinez is sick in his career. Unending issues and lots of pressure, that's what he gets as the vocalist of Genesis, one of the country's rising band. Martin got tired of it, so he did the most ridiculous thing that he could ever t...