"Answer me, Lia." Martin sounded impatient.
Napaawang ang labi ko. Paano siya nakapasok dito? At bakit siya nandito?
I stopped for a while to scrutinize his face. Nakakunot ang nuo at may bahid ng pagkainip sa mukha niya.
Akmang papasok na ako sa loob nang harangan ng isang kamay niya ang daanan ko. "Sagutin mo muna ako bago ka pumasok."
Demanding na siya ngayon?
"Galing ako sa trabaho, kaya papasukin mo ako dahil gusto ko ng magpahinga." Naiinis na sambit ko.
Martin scoffed. Tinanggal niya ang nakaharang na kamay at pinagkrus ito sa bandang dibdib niya. "Your arrival time is six. Eight fifteen na ngayon, Lia."
Paano niya nalaman ang schedule ko?
Hindi ko na siya sinagot at pumasok na ako sa loob. Naiinis pa rin ako sa biglang pagsulpot niya dito.
Martin was still leaning at the door. "Paano ka nakapasok dito?"
"Your sister let me in." he plainly answered.
Ano bang sinabi niya kay Daisy at pinapasok siya? Hindi naman niya ugaling magpapasok ng kung sino. Maybe Martin used his charms to bewitch my sister!
Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig. Sumunod naman si Martin sa akin. "Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"
"Larissa. She's my cousin." tipid na sagot niya.
Pinsan niya pala si Doctor Chua? Kaya pala sobrang familiar ng mukha ni doc. Ngayon ko lang na-realize na magkahawig sila!
Uminom muna ako ng tubig bago nagtanong ulit. "Bakit ka nandito?"
Hindi ko maiwasang kabahan habang naghihintay sa sagot niya.
"I want to see you."
I looked at his eyes directly. Walang bakas ng pagbibiro ang mukha niya. My heart suddenly beat faster than usual. Ramdam ko rin na parang may kumikiliti sa tiyan ko.
Para akong teenager na kinikilig sa crush niya. Shit. Act like your age, Lia! Twenty five ka na at hindi sixteen.
Martin took a few steps forward. Umupo siya sa isang silya sa harap ng dining table. Hinugasan ko muna ang basong ginamit ko bago umupo sa harap niya.
"I think I already answered your questions. It's my turn now," his stern tone was back. "Bakit mo ako iniwan kagabi? I told you to wait for me so we could talk!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. "Ate Lia-- ay nako sorry po. May kausap ka pala." Katabi lang ng kitchen ang kwarto ni Daisy kaya kitang kita niya kami dito.
Pumasok ulit si Daisy sa kwarto. Suddenly, I felt the awkwardness between us. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Martin took a glance at his watch. Tumikhim siya bago nagsalita, "It's already late. You should take a rest now."
"Babalik ako bukas. Mag-uusap pa tayo, Lia." he said before he stood up and started to walk outside.
"Wait, ihahatid na kita sa labas," nagmamadaling sabi ko at tumayo para sundan siya.
"No need. I can manage. Magpahinga ka na." Hindi na ako nakapag protesta pa dahil lumabas na siya kaya hindi ko na siya nahabol pa.
I shrugged my shoulders and went my room. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang pumunta ni Martin dito. Kung galit siya dahil umalis ako ng walang paalam sa concert niya kagabi, dapat hindi na niya ako hinanap pa. He should just let it be. Sa tingin ko naman ay wala naman kaming pag-uusapan pa.
What does he want to talk about?
I tried not to think about it and did my night routine instead. Mabuti ay nakatulog agad ako.
It was five thirty in the morning when I woke up. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay pumunta agad ako sa kitchen para magluto.A few minutes later, Daisy went out from the bedroom. "Ang aga mo naman, ate."
Ngumiti nalang ako sa sinabi niya. "Good morning rin, Daisy."
Nagtimpla ng gatas si Daisy para kay Lily. Akmang babalik na siya sa kwarto nila nang may maalala ako. "Daisy, bakit ka pala nagpapasok ng basta-basta?"
Napalingon siya sa akin. "Sabi niya kasi manliligaw mo raw siya, ate. Kaya pinapasok ko." she flashed a teasing smile.
"Naniwala ka naman?"
Ang nakangising mukha niya ay napalitan ng pagkalito. "Hindi ba totoo ate?"
I was caught off guard by her question. Pero hindi naman talaga siya nanliligaw, palusot lang niya 'yon para makapasok dito at nauto naman si Daisy. "Hindi," mahinang sagot ko.
"Siya ang vocalist ng Genesis diba? Magkakilala kayo. Kaya pumunta ka ng concert nila," she declared. Daisy sounded like she was so sure of her statement, that I nodded to her absentmindedly.
"Magkakilala naman pala kayo. Tapos magtatanong ka pa kung bakit ko pinapasok?" nagtatakang tanong niya. "Ewan ko sayo, ate. Ang gulo mo!" Daisy finally entered her room.
Pagkatapos kong magluto ay kumain na kami. Lily asked me about Martin, kung sino raw ito at bakit hinihintay ako. I guess she saw Martin yesterday. But I didn't answer her questions, sa halip ay iniiba ko ang usapan namin. Daisy keep on teasing me while we are eating.
After we ate breakfast, I immediately went back to my room. Ang plano ko ngayon ay pumunta sa supermarket para mag grocery. But Martin said that will come back today.Should I wait for him?
I decided to clean our apartment instead. Nang sa ganoon ay may magawa ako habang hinihintay siya. I'll just postpone my grocery schedule. May kaunting stocks pa naman na natira kaya okay lang na hindi ako mag grocery ngayon.
Tapos na akong mag-mop ng sahig, palitan ang mga kurtina, maglaba ng bedsheets, kumot at pillowcases at magpunas ng mga gamit. Kumain kami ng lunch at pagkatapos ay bumalik ulit ako sa paglilinis. Our apartment is now as clean as new. Pero walang Martin na sumipot!
Kung alam ko lang na hindi naman pala siya pupunta, edi sana nag grocery nalang ako.
It is now three pm in the afternoon. I decided to play with Lily in my room. May trabaho si Daisy kaya hindi na namin siya inistorbo pa.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. The next thing I knew, someone was already poking my cheeks. Papabayaan ko nalang sana iyon pero nakarinig ako ng mahinang boses.
"Don't disturb your mom, I think she's tired, baby."
Agad kong minulat ang mga mata ko. The first thing I noticed was Martin. He's carrying Lily in his arms while talking to her.
I unconsciously smiled at them. Bagay palang mag-alaga ng bata si Martin. He's so gentle with Lily. Ang lambing rin ng paraan ng pakikipag-usap niya sa bata.
He's wearing a tattered jeans and plain white shirt. His rugged look was totally opposite of his soft actions.
My smile faded when Martin suddenly turned his head on me. "Gising na pala si Mommy," he stated and flashed a teasing smile.
----
BINABASA MO ANG
Seeking for Solace (Completed)
RomanceMartin Thaddeus Marquinez is sick in his career. Unending issues and lots of pressure, that's what he gets as the vocalist of Genesis, one of the country's rising band. Martin got tired of it, so he did the most ridiculous thing that he could ever t...