12

589 42 0
                                    

"You did great, Lia. Five consecutive days of trip is not that easy. After that, one day break and another three-day tour again." Ma'am Tuazon announced.

Ngumiti ako at nagpasalamat sa komento niya.

"Dahil d'yan, may two days na break ka muna before having another tour again." She smiled at me for a while before her gaze went back to her laptop. "Ms. Rosas had already returned. Kaya makakapagpahinga ka muna. But since holiday season is approaching, asahan mong dadagsain tayo ng tours pagbalik mo."

Bahagyang yumuko ako sa kanya. "Okay po ma'am. Thank you po ulit!" Saad ko gamit ang masiglang tono.

Finally. Pagkatapos ng sunod sunod na tours ay makakapagpahinga muna ako. Malaking bagay na ang binigay ni Ma'am na dalawang araw bago sumabok ulit sa magkakasunod na tour.

Nagpaalam na ako kay Ryan at sa iba pang kasamahan ko. Wala si Tanya ngayon dahil sinamahan niya ang kanyang lola siya sa check up nito.

Ang maaliwalas na mukha ni Martin ang bumungad sa akin paglabas ko sa headquarters.

He was wearing a white sweater paired with navy blue shorts and black ball cap.

Kahit nagtatago sa ibang tao, kitang kita pa rin dito sa exit ang kabuuan niya.

For these past days, nasanay na ako na nakaabang sa labas ng building si Martin.  Nagsimula ito noong araw na sinabi niyang hinihintay niya akong makalabas. Hanggang sa nasundan pa iyon.

Siguro ay nababagot na siya sa buong araw na pagmumukmok sa apartment. O kaya ay hindi siya komportableng mamasyal mag isa dahil sa insidenteng nangyari noong nakaraan.

Nevertheless, I don't mind going to home with him anyway.

With Martin's presence, I feel energized. Biglang naglaho ang pagod ko kapag nakakasama ko siya pagkatapos ng trabaho.

"Martin!" Puno ng galak na sigaw ko nang makalapit ako sa kanya. "Day off ko bukas at sa susunod na araw! Finally!" Masayang balita ko.

He flashed a smile. "That's good, Lia. Sunod sunod ang tour mo kaya kailangan mo naman ng break."

Biglang naalala ko ang pangako ko sa kanya. The one that I'll make sure to tour him here. Siguro, ito na ang tamang pagkakataon para tuparin iyon.

"Martin," I called him. Tumigil muna siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Let's go on a trip tomorrow. I'll tour you to some places here."

His lips parted. Mukhang nabigla ata siya kaya hindi agad siya nakapagsalita. "Ano na?"

"But you still need to rest." He grimly stated.

"Two days naman ang off ko. Kaya bukas, mamasyal muna tayo tapos sa susunod na araw na ako magpapahinga." I convinced him.

Sayang naman kasi. For sure, dagsa na ang tours ko sa susunod dahil holiday season na.

Mukhang nakumbinsi ko naman siya pero may halong pag-aalala pa rin ang mukha niya. "Are you sure? Baka masyado ka ng pagod. That tour can wait, Lia. Your body still need to rest."

Pinakita ko sa kanya ang relong pambisig ko. "Maaga pa naman. Makakapagpahinga pa ako mamaya tapos pasyal tayo bukas. Tatlong lugar lang ang pupuntahan natin."

He sighed. "Okay, if that makes you feel happy."

I smiled in victory. Papayag naman pala siya, pinapatagal pa.

Nang makarating kami sa Apartelle ay agad muna kaming pumasok sa kanya kanyang unit namin. I took a bath first and changed into comfortable clothes. Pagkatapos ay lumabas ako dala ang malaking tela at iilang kubyertos.

We agreed to eat together again, on the same spot. Sa ilalim ng puno ng mangga. We've been doing this for a while. Nasanay na akong kumain kasama siya dahil sa litanya niyang sobra ang niluto niyang pagkain.

I didn't know if he did it on purpose or not. Pero gusto ko namang ang ideyang kumain kasama siya kaya hindi na ako umangal pa.

Who would dare to refuse to eat on the same spot with the great Martin of Genesis?

Hindi nagtagal ay namataan kong papalapit na si Martin. Tinulungan ko siyang ayusin ang mga pagkain na dala niya.

I smiled when I saw what he cooked. Nang malaman niyang paborito ko ang chicken curry ay nilutuan niya ako. This is now the second time that he cooked this dish.

I hate to admit it but Martin is a better cook than me. Talagang sakto sa panglasa ko ang timpla niya. Minsan tuloy ay napapadami ang kain ko kapag luto niya ang nakahain.

After a short prayer, we started to eat silently.

I used to hate the sound of silence. Pakiramdam ko kasi ay magulo ang nasa isip ng taong tahimik. I always wanted to be with someone that is carefree. Someone that has no worries of whatever comes out on the mouth. Pero nabago iyon nang narealize ko na hindi lahat ng tahimik ay magulo.

Just like this moment. No words came out from ours. The only thing we can hear is the sound of chirping birds at the tree. It feels so calm and serene.

After we ate, I started to fix our things.

"Lia, wait here. May kukunin lang ako sa unit ko, babalik lang ako sandali." Martin stated, leaving me to stay on the ground and wait for him.

Noong mga nakaraang araw, nakasanayan ko nang makipagkwentuhan muna sandali kay Martin bago bumalik sa unit. We talk about random things like how my day went o kaya naman ay kinukwento niya ang karanasan niya bilang mang-aawit.

Not so long after, I saw Martin walking towards here. Dala niya ang kanyang gitara.

Umupo siya sa harap ko. "Lia, I want you to hear this song I composed this last week." Saad ni Martin sa mahinang boses bago ibinaba ang tingin niya.

I felt my cheeks flushed at his statement. I also noticed that my mouth immediately formed into a smile voluntarily.

He started strumming the guitar. "This song is entitled Daybreak."

 

Sun's still sleeping
Still dark, I couldn't seek
Lost in nowhere,
Yet light suddenly appeared

It was dawn when first met
Since then I can't forget
The way you look, the way you walk
Oh you got me there, babe

The tune was mellow. Bagay iyon sa marahang boses ni Martin. He was singing so pleasantly. His voice was just so dreamy.
 
 
  
Day after day I tried to resist
But no matter how hard I try
Still, I'm captivated,
Your face haunted me in my dreams

It was dawn when first met
Since then I can't forget
The way you talk, the way you move
Oh you got me there, babe
 
 

He was staring intently at me while singing. Para bang pinapadama niya sa akin ang bawat liriko ng kanta.

My heart pounded crazily.

Kinakabahan ako. Hindi dahil natatakot ako sa hindi malamang dahilan, kundi dahil alam ko na kung saan ito tutungo.

I maybe new to this but I know what this means. Hindi na lingin sa kaalaman ko ang pakiramdam na ito.

I finally admitted this to myself. I am slowly falling, Martin.

------

Seeking for Solace (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon