16

589 36 1
                                    

I tried my best to avoid him. For the past two days, sinadya kong gawin ang lahat para hindi magtagpo ang landas namin.

Pupunta ako sa trabaho ng mas maaga sa nakasanayan kong oras. At kapag natapos na ako, pupunta ako sa ospital. I stayed for a longer time than the previous times I visited my father. Kahit mahirap dahil kaunti nalang ang masasakyan kapag gabi na. Tiniis ko lang ang kulang na tulog ko, dahil ayoko munang harapin siya.

I only did those for Martin's sake.

Kailangang maintindihan ni Martin na hindi niya ako obligasyon. Na ang totoong responsibilidad niya ay ang banda niya.

Naiintindihan ko naman na may problema siya sa trabaho niya kaya tumakas siya at napadpad dito sa Casa Blanca. I know that he needed time to think first about his current situation. Pero ang hindi ko matanggap ay ang pipiliin niyang manatili dito kaysa ayusin ang problema niya.

It was too much already. I don't want to be some kind of a burden to anyone. Hindi kahit kanino, lalong lalo na kay Martin.

"Kain muna tayo, Lia! Nagmamadali ka namam pumunta sa ospital eh!" pagmamaktol ni Tanya.

Katatapos lang ng tour ko kaya nasa headquarters ako ngayon. Wala si Ryan dahil may two-day tour siya kaya ako ang niyaya ni Tanya.

Gusto kong dumiretso sa ospital para makaiwas kay Martin kung sakali mang nasa labas siya ng headquarters. Pero dahil sa nagtatampong mukha ni Tanya, pinili ko nalang na samahan siyang kumain.

"Sige na nga," sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko. "Saan tayo kakain?"

Niligpit ni Tanya ang iilang gamit sa desktop niya. "Sa Jabee nalang," tukoy niya sa fastfood chain na nasa tapat lang ng headquarters.

I nodded at her.

Nagretouch muna siya bago ako tinawag. "Tara na Lia!"

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa fastfood chain. Wala masyadong tao sa loob kaya nag-order na kami at binigay kaagad sa amin ang pagkain.

Madami pang bakanteng tables sa ground floor pero sa second floor gustong umupo ni Tanya kaya sumunod nalang ako sa kanya.

"Lia," Tanya suddenly called me while after drinking her iced tea. "May boyfriend ka ba ngayon?"

Nang malunok ko na ang pagkain ko ay sinagot ko siya. "Wala nga. Wala akong time para d'yan, Tanya."

"Kahit manliligaw? fling? fubo?"

"Wala rin," kibit balikat na sagot ko.

Tanya scoffed at my answer. "Alam mo Lia, hindi naman 'yan dahil sa nature ng trabaho natin. Oo nga at busy tayo, lalo na kayong mga tour guide. Pero kahit naman busy tayo, may natitirang oras naman para sa lovelife. Time management lang talaga ang solution," mahabang litanya niya.

Martin face suddenly flashed on my mind. Ang mga eksenang sinusundo niya ako sa headquarters at kumakain ng sabay pagkatapos. Yung mga oras na kahit busy ako sa trabaho, nagagawa ko pa ring makasama si Martin kahit saglit lang.

I shrugged off my thoughts. Bakit ba biglang pumasok sa isip ko 'yon?

"Noted, Ms. Love expert," pabirong sagot ko kay Tanya. She just rolled her eyes at my response.

I continued eating my burger steak. Si Tanya ay inubos rin ang fries na inorder niya. Lumabas agad kami nang matapos kaming kumain.

"Lia," napahinto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Tanya. "Tingnan mo yung nagtatago sa gilid ng van," sabay turo sa harap ng headquarters namin.

Seeking for Solace (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon