14

541 36 1
                                    

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko alam kung paano ako nakaabot sa ospital kung saan kasalukuyang naka-confine si Papa.

Agad kong tinungo ang nurse station at nagtanong kung nasaan siya. Sinagot niya ito at nagpasalamat naman ako sa kanya.

"Lia!" Napahinto ako sa pagtakbo. Saka ko lang naalala si Martin na kanina pa pala nakasunod sa akin.

Naramdaman kong nag-iinit na naman ang sulok ng mata ko. Naiiyak na naman ako. Kahit noong papunta pa kami rito ay walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Martin, " my voice broke when I mentioned his name.

Tuluyan na akong napaiyak nang maramdaman ko ang init ng yakap niya. Marahang hinaplos niya ang likod ko. "Hey. I'm here. Stop crying already..."

Martin's presence comforted me. The way he hugged me gives a soothing feeling. Ang malambing na boses niya ang tuluyang nagpakalma sa akin.

Unti-unting kumalas ako sa yakap niya. Nang tuluyang tumigil na sa pag-agos ang mga luha ko ay biglang nagsalita si Martin. "You should check your father's condition first. I'll just wait here outside."

I nodded at him. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at dahan-dahang binuksan ang pintuan.

Namataan ko sina Mama, Daisy at Dexter na nakapalibot kay Papa. When my eyes landed on my father, I am almost at the verge of crying again.

Puno ng galos ang iba't ibang parte ng katawan niya. Nakabenda rin ang kaliwang paa niya. May malaking bandage ring nakatakip sa kanang mata niya.

Agad naman akong dinaluhan ni Mama. "Lia! Maupo ka muna nak," pinaupo niya ako sa isang monobloc chair sa gilid ng hospital bed.

"Ma, bakit... nangyari 'to?" Nanghihinang tanong ko sa kanya.

Umupo si Mama sa monobloc chair na katabi ko. "Nagmamadali kasi ang Papa mo 'nak. Papunta sana siya sa paaralan ni Dexter," aniya.

My eyes turned to Dexter. Tahimik lang siyang nakaupo sa harapan ko. Ang kanyang mukha ay punong puno ng pagsisisi habang nakatingin kay Papa.

"Bakit siya pupunta roon, Ma?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman kasi ugaling pumunta ni Papa sa paaralan ni Dexter.

"Tumawag ang teacher ni Dexter. Ang sabi ay dalawang linggong masu-suspend and kapatid mo," saad niya. "Hindi lang iyon Lia. Nanganganib rin na hindi makadalo si Dexter sa graduation nila."

Gulat na napalingon ako sa kapatid ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig.

"Dexter! Ano na naman ba ang ginawa mo?" Pasigaw na tanong ko.

"Ate..." Biglang nagsalita ang kanina pang nakayuko na si Daisy. Nanunubig ang gilid ng mga mata niya nang umangat ang ulo niya. "Sorry, ate. Kasalanan ko... naman ulit... Sinaktan ulit ako, ate... Kaya napaaway na naman si Dexter... " Mahinang untag niya.

I sighed. Napahilot ako sa sentido nang makaramdam ng pagkadismaya. Akala ko ba ay ayos na ang gusot na pinasok niya? "Daisy naman. Akala ko ba tapos na tayo dito?"

Daisy didn't answer my question. Sa halip ay umiyak lamang siya at panay 'sorry' ang labas sa bibig.

"Lia, hindi naman kasalanan ni Daisy. Biktima lang rin siya dito." Kalmadong saad ni Mama.

Alam na niya pala ang nangyari kay Daisy. I guess she already informed our parents about it. Pero bakit okay lang kay Mama?

"Ma! Kung hindi dahil sa pakikipag-relasyon ni Daisy, hindi mangyayari to kay Papa!" Bulyaw ko habang nakaturo kay Daisy.

"Lia! Tumigil ka nga! Biktima lang si Daisy dito. Bakit hindi mo maintindihan 'yon?" Dismayadong sabi niya.

Pure disbelief was written on my face. Bakit kinakampihan ni Mama si Daisy? Kasalanan niya naman lahat ng ito! Mula sa mga sugat na natamo ni Dexter hanggang sa aksidenteng nangyari kay Papa. Lahat ng ito ay hindi sana mangyayari kung hindi niya naisipang sumuway sa magulang namin.

Pinilit kong kalmahin ang sarili at hindi na nagsalita pa. Inabala ko muna ang sarili ko sa. Makalipas ang ilang minuto ay sinabi ni Mama na kailangan ko ng umuwi dahil madilim na at malayo pa ang Apartelle. Sila muna ang magbabantay ngayon at babalik nalang ako bukas ng umaga.

Lumabas ako at namataan ko agad si Martin na nakaupo sa silyang nasa 'di kalayuan ng room ni Papa.

Shit. Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Martin! Hindi ako makapaniwalang hinintay niya talaga ako kahit natagalan ako sa loob. Hindi ba siya nabagot sa kakahintay dito?

Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Martin," I called him.

Unti-unting umangat ang paningin niya hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. His face seems relieved when he saw me walking towards him.

"Lia, how's your father?" Martin instantly asked me.

"Stable na ang kondisyon niya ngayon, Martin. Pero hindi pa rin ako mapanatag sa lagay niya," I honestly responded.

Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko pa nalalaman ang resulta ng mga test na isinagawa sa kanya. Kaya naman maaga akong babalik dito bukas.

He flashed a small smile. "Don't worry too much, Lia. He will be okay," he said, assuring me that things will eventually get better soon.

I really hope so, Martin.

We decided to eat in a nearby fastfood chain before going home. Malayo pa ang Apartelle kaya kumain muna kami dahil seven na ng gabi. We both agreed to ride a taxi afterwards.

The cab finally started to move. Napasandal ako backrest at napalingon sa bintana.

I felt so drained. Ang daming nangyari sa araw na ito. From our short trip up to my father's accident. Lahat ng iyon ay parang kidlat sa bilis na nangyari.

I turned my head sideways. "I'm sorry, Martin. Our tour didn't end well, " malungkot na pahayag ko sa kanya.

I'm talking about the scene from Temple of Mira earlier. Noong kasagsagan ng sunset at biglang tumawag si Mama.

"I understand, Lia. You don't have to say sorry. I was very happy on our trip. I should be the one to thank you for showing me some good places here in Casa Blanca." He said with a sincere tone.
  
  
  
Despite of what happened this day, I realized that being with someone who's willing to be at your side cures the feeling of heavy suffering.

I am used to fight alone. Kapag may problema ako, sanay na akong harapin ito ng mag isa. I didn't want to bother anyone with my own problems. Pakiramdam ko kasi ay nagiging pabigat lang ako kapag sinabi ko sa iba. Bawat tao ay may kanya-kanyang problema, at ayokong dagdagan ang dinadala nila. Kahit pamilya ko pa man ito o kaibigan.
 
 
The thought of having someone whatever may happen is satisfying. Na kahit sa dami ng masasamang pangyayari, alam mong may masasandalan ka pa rin sa huli.
 
  

Thank you for being my comfort, Martin.

----

Seeking for Solace (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon