30 (Final Chapter)

1K 24 4
                                    

I bit my lower lip as I bowed my head. Ramdam ko pa rin ang kakaibang tingin ng mga tao na kahit nakayuko ako.

Halos tumakbo na ako papunta sa restroom. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na ako. Mabuti nalang ay walang ibang tao sa loob bukod sa akin.

Tumingin ako sa salamin. Kitang-kita ang mantsa sa harapang bahagi ng puting long sleeve na suot ko. Aksidenteng nabangga kasi ako ng nagmamadaling waiter na may dalang milk tea kanina noong papalabas na sana kami dito.

The waiter already apologized to me. Ayos lang naman sa akin 'yon dahil hindi naman niya sinasadya ang nangyari. Isa pa, halos mapuno na ang shop dahil sa dami ng kanilang mga costumers ngayon kaya nagmamadali siya.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Val. "Lia! Mabuti nalang may extra shirt ako sa sasakyan," inabot niya ang isang paperbag sa akin kaya tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat sa kanya.

"Magbihis ka muna. Sa labas lang kami maghihintay ni Ash." saad niya bago lumabas sa restroom.

Pumasok ako sa isang cubicle at dali-daling nagbihis. Nagsuklay at nagretouch muna ako bago lumabas.

Agad kong namataan si Valene at Ash sa labas. "Sorry, Val. Nagamit ko pa itong shirt mo. Mukhang bago pa naman 'to."

"Ano ka ba, okay lang 'yun! Aksidente naman ang nangyari. At saka, hindi naman pwedeng hayaan kitang umuwi na ganoon ang itsura." Valene responded.

"Oo nga Lia! What if nasa labas pala 'yung boyfriend mo tapos makita ka niya?" sabat naman ni Ashley.

Bahagyang napanguso ako sa sinabi ni Ash. Imposible naman kasing mangyari iyon. My boyfriend is not just an ordinary person. He's recognized by a lot of people. Kaya hindi siya puwedeng basta-basta nalang pumunta sa publikong lugar.

Nalipat ang topic namin tungkol sa upcoming vacation namin. Few days from now, matatanggap na namin ang one week vacation. Taon-taon kasi ay may isang linggong kaming bakasyon.

"Sayang, hindi tayo makakapagtravel ulit kagaya noong last year. Si Zoe, may plano kasama 'yong fling niya. Ikaw naman Val, asikasuhin ang donations para sa charity na sinusuportahan mo. Si Lia, uuwi ng Casa Blanca. Habang ako? Tambay lang sa condo." Ashley mentioned in a bored tone. Kasalukuyan siyang nakaupo sa passenger seat habang gumagamit ng cellphone.

Uuwi ako ng Casa Blanca para sa graduation ni Dexter. Sasama rin si Daisy at Lily dahil gusto naming kompleto ang pamilya namin sa espesyal na araw ni Dexter.

"May next year pa naman Ash. Don't worry," I consoled her.

"Tama si Lia. Next year nalang tayo gagala. Palawan tayo or Bohol, depende sa budget. Hahaha!" Valene answered while driving.

Last year, the four of us went on a three-day trip to Baguio. It was a blast! Sobrang saya namin sa trip na iyon. Sayang nga lang at tatlong araw lang kami. We wanted to stay longer but Valene had to go back because of some family issues. Ayaw naman naming tatlo na manatili sa Baguio na hindi kami kompleto. Although Val said that it was fine for her, we still chose to go back with her.

Napatingin ako sa bintana. Ang bughaw na ulap ay unti-unting nagiging kahel. Malapit na pala lumubog ang araw.
   
  
Pauwi na kami at ihahatid kami ni Val. Madadaanan din kasi ni Val ang apartment ko at condo ni Ash kaya isasabay niya nalang kami.

"Anyway, have you two seen the trends list on twitter?" Ashley suddenly blurted out while still doing something on her phone. Nakahinto ang kotse ngayon dahil sa traffic at hindi pa rin umuusad ang mga naunang sasakyan.

"Of course! It was all over the news!" Valene replied. "For sure hindi alam ni Lia 'yan. Hindi naman siya mahilig sa socmed."

Lumingon silang dalawa sa akin. "Uh... Tungkol saan ba 'yon?"

Seeking for Solace (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon