27

770 32 12
                                    

"Uh.. Hello!" alanganing bati ko sa kanila. "Sandali lang, nasa kuwarto pa si M-martin."

Kasalukuyang nakaupo sila sa sofa sa living room. Habang ako naman ay nakatayo sa harap nila.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkahiya. Their eyes were still fixed on me. Mababakas pa rin ang pagkamangha sa mukha nila. Siguro, hindi nila inaasahan na may ibang tao dito.

"Uhm, may gusto ba kayong kainin? or inumin? Kukuha ako," sabay tayo ko.

"Water is fine for us. Busog pa naman kami," sagot ni Johann sa akin.

Tumango lang ako at ngumiti. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kitchen.

Alam ko ang pangalan nilang tatlo dahil naalala ko pa ang sinearch ko dati noong nalaman ko ang tunay na pagkatao ni Martin. Si Johann, ang keyboardist ng banda nila ang may pinaka-approachable na aura sa kanilang lahat. He smiles often among others. Aydan, the bassist, has the longest hair of them. Naka manbun ang hairstyle niya.  Lastly, Bailey the drummer has a small cut on his eyebrows. All of them are good looking and has this charismatic features.

"I can't believe what I'm seeing right now," I heard Johann whispered as I stormed to the kitchen. "Akala ko nahihibang lang si Martin, tangina totoo pala talaga."

Hindi ko nalang pinansin iyon. Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa fridge at tatlong baso, pagkatapos ay bumalik ako sa kanila. Isinalin ko iyon sa baso bago umupo sa armchair sa harap nila.

"You're Lia right?" Bailey suddenly asked.

"Uh... oo." mahinang sagot ko. "Kilala mo ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ngayon ko lang naman sila nakita sa personal, except sa concert nila na pinuntahan ko. Pero paano niya ako nakilala?

"Of course," Bailey grinned. "Dahlia Marie Ortega, twenty five, from Casa Blanca. Dating tour guide na naging flight attendant."

Tama ba ang narinig ko? Kilala nila ako? Pati basic information, alam nila! Did Martin really told them about me?

"At higit sa lahat, ang nag-iisang babaeng kinababaliwan ni Martin." Bailey added. Napailing naman si Johann at Aydan sa sinabi ni Bailey.

Nanlaki ang mga mata ko sa katagang iyon. Akmang magpoprotesta na ako nang biglang lumabas si Martin sa kwarto niya. Agad niya akong tinungo at mahinang bumulong sa akin, "I already took a medicine."

Tumango lang ako sa kanya. My gaze went to his friends. Pawang nakangisi silang lahat habang nakatingin sa amin. I looked at Martin again. Mukhang natauhan na siya na may ibang tao pala dito bukod sa amin. "Nandito pala kayo," he blurted out.

"Oo Dude," Aydan responded. "We just want to visit you. Hindi ka kasi namin ma-contact. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang nakakaabala yata kami." he added. Bahagyang napatawa ang dalawa sa sinabi niya.

Umupo si Martin sa tabi ko. At dahil pang-isahang armchair lang ang inuupuan ko, naging sobrang sikip tuloy namin. Tumayo ako para lumipat sa isa pang armchair. But before I was about to do that, Martin suddenly held my waist and forcibly made me sat on his lap. Pakiramdam ko ay namula ang magkabilang pisngi ko.

Ramdam ko ang init ng katawan ni Martin dahil sa kanyang ginawa. Nakakahiya! Nakakandong ako sa kanya sa harap ng mga kaibigan niya. Sinubukan kong tumayo ulit pero mahigpit na nakakapit si Martin sa baywang ko. He even put his head on my left shoulder.

I bit my lower lip and shifted my gaze to the floor. Shit. Ano bang trip ni Martin ngayon?!

Nakarinig ako ng pagtikhim. Awtomatikong napaangat ang paningin ko. "Damn. Get a room, man!" Bailey complained.

Seeking for Solace (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon